Meryll Soriano admits she’s bipolar

Meryll Soriano reveals how she copes with her bipolar disorder: “The weaknesses should be strength. So when you’re weak, you know that you can ask for help and that’s strength.”


Umamin ang aktres na si Meryll Soriano na mayroon siyang bipolar disorder.

Nagsimula ang rebelasyon ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA drama series na My Mother’s Secret kahapon, July 10, sa Casa Milan sa Fairview, Quezon City.

Tinanong kasi namin si Meryll kung sino ang manager niya at sinabi niya na si Ricky Gallardo.

Sinundan ito ng pagbanggit ni Meryll kung sino pa ang mga kasama niya bilang talents ng naturang talent manager. Ang mga ito ay sina Eula Valdes, Sid Lucero, at ang mag-asawang character actor at actress na sina Nonie at Shamaine Buencamino.

Sina Nonie at Shamaine ang mga magulang ni Julia Buencamino na kamakailan lamang ay nagpatiwakal sa hindi pa malamang kadahilanan.

Co-star din ni Meryll si Shamaine sa My Mother’s Secret.

“'Tsaka 'Mama-Mama' ko yun, e,” lahad niya.

SHOCKED. Ano ang unang naging reaksyon ni Meryll noong nalaman niya ang tungkol sa nangyari kay Julia?

Kuwento niya, “Nabalitaan ko seven in the morning nung Wednesday, nasa bahay ako kakagising ko lang.

“My God, para akong nabuhusan ng malamig na tubig!

“As in naalimpungatan ako na parang hindi ako makapaniwala.

“I think the whole day before I went to the wake that night, I was just...alam mo yun? Wala, shocked!

“Shocked. You know, you don’t how how to comfort Kuya Nonie, Mama Shamaine, Delphine [older sister ni Julia]. I mean parang how do you…

“Nagkukuwentuhan nga kami ni Ate Frances [Ignacio, na nasa My Mother’s Secret din], na ilang beses naming tinayp 'tapos binura yung ite-text, kasi how do you... what do you say, 'di ba?

“So you just want to be there to hug [the members of the family].”

COMFORTING THE BEREAVED FAMILY. Noong nagpunta naman daw si Meryll sa burol ni Julia noong gabing iyon ay nakausap naman daw niya si Shamaine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Yeah, nakipag-ano naman siya. Luckily na nahimasmasan na nga sila when we were there kahit papaano. She wasn’t crying that much.”

Nakapag-usap daw sila ni Shamaine pero hindi raw nila napag-usapan ang dahilan ng pagpapatiwakal ni Julia.

Pag-amin niya, “No, because nobody knows the reason. And those are the questions you’ll be asking for the whole of your lifetime because you’ll never know.

“It was very difficult, lalo na may anak ako.”

Ano ang naging realization niya bilang isang ina sa nangyari in general?

Saad niya, “I think ang unang nag-struck sa akin was that how I was when I was younger.”

MERYL'S REVELATION. Dito na nabuksan ang tungkol sa pinagdaanan ni Meryll bilang isang bipolar.

Pahayag niya, “Because I also try, kumbaga you’ll always have that idea. You know, when you’re in a very dark place, depression and all that.”

Nagtangka rin daw siya na magpakamatay noon.

Dagdag niya, “Yes. Because I’m bipolar, I have bipolar disorder.

“I mean hindi mo maiiwasan yung mga ganung thinking and I think it was such an awakening na that kind of situation or illness or disorder or any condition that leads to a mental illness is something that we don’t understand, mostly here in this country.

“Na parang we lack that awareness. We think, it’s important to know so iyon, yung parang, sabi ko, ‘Oh, my God!’

“'Di ba? Ikaw iniisip mo lang yun kasi parang, because nobody understands, people who are not depressed will never understand the real meaning of being depressed.

“Yes, you can say it out loud, ‘Ah, depressed ako kasi naghiwalay kami ng boyfriend ko’, kasi ganito. Emote-emote lang.

“But the real meaning of depression is, it’s very complex and at the end of the day nobody will understand what you’re going through but yourself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it’s important that you get help, and it’s very sad because she’s very young.

“There was no chance, you know, to seek out or consult because she didn’t show any… according to her family.”

COPING. Si Meryll paano siya nagko-cope sa sitwasyon niya?

Aniya, “I have a doctor, I have a counselor.”

Hanggang ngayon ay may doktor siya at counselor.

Nakakagulat ang rebelasyon ni Meryll tungkol sa kundsiyon niya na halos wala yatang nakakaalam.

“Yeah, because hindi mo naman ibu-broadcast yun, 'di ba,” at tumawa si Meryll.

“I mean I don’t, hindi naman siya secret pero hindi mo rin naman siya, ‘Oy ha, bipolar ako!’

“Pangit naman, parang hindi naman maganda iyon, 'di ba,” at muling tumawa ang aktres.

“But it’s a serious condition.”

Sinabi namin kay Meryll na mukhang she is coping well with her condition, na halos walang nakakaalam dahil hindi nga halata sa kanya ang kundisyon niya.

“Yeah. It’s because I always ask for help.

“Yung moment that I understood that I can be helped, that it can be helped, that you know, you can live a normal life, I really stuck to that path,” pagpapasalamat niya.

ADVICE. Ano ang maipapayo niya sa mga may bipolar condition o sa mga taong dumadaan sa depression, at sa mga magulang ng mga ito?

Ayon kay Meryll, “I think the most, because hindi naman natin alam kung bipolar siya, e.

“I mean it’s... ako na-diagnose ako mga twenty-seven na ako, something like that.”

“Just ask for help! Because everybody is willing to help.”

Pero ang iba ay natatakot o hindi alam kung kanino lalapit.

Dagdag pa niya, “Get scared and then you feel like you can handle it. Those are the feelings na parang, especially when you’re young and you’re so convinced that you can handle it, 'di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Until mag-snap o bumigay ka na?

“Ako naman I was just very lucky. I was just very lucky.”

And strong…

“Yeah… and strong and weak and strong and weak.

“'Di ba?

“The weaknesses should be strength. So when you’re weak, you know that you can ask for help and that’s strength,” pahabol niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN