Enzo Pineda admits he’s moved on from past issue with Aljur Abrenica: “Itapon na lang yun...”

Enzo Pineda on past issue with Aljur Abrenica and former girlfriend Louise delos Reyes: “Siguro for me, parang a lot of things have changed so, parehas kaming nag-mature. May mga bagay na we have to put in the past and of course life moves on, ’di ba? We all go through challenges even ako, even siya.”


Ano ang masasabi niya sa balitang mawawala na sa ere ang Sunday All Stars?

Ito ang unang tanong kay Enzo Pineda nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, July 10, sa taping ng My Mother’s Secret sa Urology Center of the Philippines sa Quezon City.

Isa si Enzo sa mga mainstays sa naturang Sunday musical variety show ng GMA.

“Actually, wala pa akong... well, may naririnig lang ako na mga things about it pero wala po talaga akong alam about it.

“Pero for us, ako I just… napamahal na sa akin yung show, I really love SAS so sana hindi siya totoo.

“And of course every week we give our best and it’s like an every Sunday thing already for me na nakasanayan ng lahat ng mga artista sa GMA.”

Para raw silang isang malaking pamilya.

“Yeah! Ang dami kong magandang memories and sobrang thankful ako dahil ang dami ring opportunities ang mga nag-open up sa akin dahil sa Sunday show namin,” dagdag pa niya.

Kung sakaling totoo nga na tatanggalin na ang SAS, ano ang mararamdaman ni Enzo?

Kibit-balikat niya, “Siguro kung totoo, well it’s the decision of the management so parang… of course ako, in every show, nilalagay ko yung puso ko dun.

“Siyempre, marami din akong maiiwan na memories dun na mami-miss ko.

"Yung show definitely but of course GMA knows best, the management knows best.

“So kung matapos man yung show, I’m sure there will be another one for everybody.

“And hindi naman kami nauubusan ng trabaho and kahit anong mangyari, magkaka-show at magkaka-show naman kami ulit.”

ON ALJUR'S RETURN. Hiningan naman namin ng reaksiyon si Enzo tungkol sa pagbabalik ni Aljur Abrenica sa GMA.

Sabi niya, “For me, okay!

“It’s okay. Kasi we’re, me and I mean Aljur are actually good kasi meron kaming MMFF [entry], Hermano Puli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya si Hermano Puli, ako si Octavio. So kaming dalawa yung leads for the MMFF movie.”

Hindi pa raw sila nagsisimulang mag-shoot ng pelikula.

“Magsu-shoot kami August,” lahad niya.

Pero nag-bonding at nagkausap na raw sila.

“Yeah, yeah! We do talk, sa SAS. 'Tapos, nag-script reading na kami with Direk Gil Portes, with all the cast.”

PAST ISSUE WITH ALJUR. Wala bang nabago sa pagitan nilang dalawa?

Matatandaang nagkaroon ng isyu dati involving Enzo, Aljur, and Enzo’s former girlfriend na si Louise delos Reyes.

Ayon kay Enzo, “Siguro for me, parang a lot of things have changed so parehas kaming nag-mature. May mga bagay na we have to put in the past and, of course, life moves on, 'di ba?

“We all go through challenges even ako, even siya.

“So parang ganun lang yun, we all have to move on and this is a good opportunity for me and Aljur to showcase what we’ve been working on, yung acting namin, 'di ba?

“Matagal na naming gustong magkaroon ng magandang film so this is one big opportunity for us so we have to set everything aside and wala na yun.

“Parang kung may mga something man before, itapon na lang yun kasi parang nakaka-turn off din kasi pag narinig ng mga ibang tao, ‘Ay immature naman ang mga ito, hanggang ngayon.’

“'Di ba? So…”

Pinag-usapan ba nila ang naging isyu sa kanila dati?

“Well, we kinda, yung pagdating niya, parang we understood each other na, na pagkita namin na, past is past na,” diin niya.

Hindi na raw nagkaroon ng malalim na pag-uusap sa pagitan nila.

Sabi pa niya, “Well, hindi naman napunta talaga sa malalim na usapan pero we just wanna move on from what happened, so ganun lang, 'di ba?”

WILLING TO WORK WITH ALJUR AND LOUISE. Halimbawang may offer na isang teleserye na silang tatlo nina Aljur at Louise ang magkakasama, tatanggapin ba ni Enzo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang sagot, “Para sa akin, yes!

"And well, cliché, work is work pero dapat ano... dapat, of course, it has to be a good material and everything, it has to be a good show.

“Hindi naman porke’t sila yung makakasama ko, iyon na yun.

"Of course dapat malagay kami lahat sa isang magandang show, magandang material and, yeah for me, it’s no biggie.

“So, cliché ‘no, work is work, pero hindi, ganun naman talaga, e.

“It’s professionalism. At the end of the day we all have our separate lives din so basta as long as the respect is there, may pinagsamahan naman kaming lahat, so ayun.

“We have to work as one unit para mapaganda yung show.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN