Jennylyn Mercado on absentee Kapuso finalists at FHM Top 100 Sexiest victory party: “Kung hindi man sila nakarating, siguro naman may dahilan.”

Not minding the boycott rumors among Kapuso FHM finalists to protest her win this year, Jennylyn Mercado said: “Mas naka-focus ako sa sarili ko. Kung hindi man sila nakarating, siguro naman may dahilan. Ang importante ay nandito ako at napasaya ko ang mga umaasang rarampa ako."

ng rarampa ako.”


Hindi binigo ni Jennylyn Mercado ang kanyang mga tagahanga at ang mga kalalakihan na dumating sa FHM 100 Sexiest victory party 2015 sa SMX Convention Center sa Mall Of Asia Grounds, Pasay City kagabi, Sabado, July 11.

Rumampa at kumanta ang Kapuso leading lady na siyang tinanghal na FHM Sexiest Woman at Philippines Finest para sa taong ito.

Nakamit ni Jen ang 1,017,586 votes mula sa poll na ginawa ng FHM.

“Kinabahan talaga ako. Kasi first time ko itong ginawa talaga for FHM.

“Sa rehearsals pa lang namin, gusto kong maging maayos na.

“Hindi lang ako rumampa, pero may konting song and dance number pa.

“Paraan ko ito para magpasalamat sa mga fans na walang sawang sumuporta sa akin from the start of my showbiz career.

“Utang na loob ko sa kanila ito kaya yung promise ko na gagawin ko ito, heto na ‘yon.

“Kung hindi dahil sa pagmamahal nila, hindi ako magiging number one sa FHM.

“Kaya itong ginawa ko, kahit may konting kaba, ay worth it dahil para ito sa mga fans at sa mga taong pumunta rito sa victory party,” pahayag pa ni Jen nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng kanyang pagrampa.

NEW COVER FEATURE. Dagdag na balita pa ni Jen ay may gagawin ulit siyang bagong cover para sa FHM.

“Um-oo na ako. Bakit naman hindi, ‘di ba?

“Abangan na lang nila iyon kasi panggulat ko na naman iyon,” masaya niyang lahad.

Nabanggit din ni Jen na nagpadala ng “good luck” message sa kanya ang leading man nito na si Dennis Trillo sa bago niyang teleserye sa GMA-7, ang My Faithful Husband.

Hindi na raw niya inimbitahan pa si Dennis na pumunta sa event dahil alam niyang busy ito.

“Baka magkagulo lang!” sabay tawa ni Jen.

“Tama na yung nagpadala siya ng message sa akin. Enough na iyon para malaman ko na isa siya sa sumusuporta sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May gagawin kaming teleserye kaya abangan na lang nila ‘yon.”

ABSENTEE KAPUSO FINALISTS. Kapansin-pansin namang wala ang mga kapwa Kapuso star ni Jen na kabilang sa Top 10 Sexiest na sina Andrea Torres (2), Sam Pinto (4), Solenn Heussaff (5) at Max Collins (9).

Pakiramdam tuloy ng mga nandoon ay pinagkaisahan ng mga ito si Jennylyn.

Read: Jennylyn Mercado on alleged boycott of FHM Top 100 Sexiest finalists to protest her win: “Totoo ba yun? Hindi ko alam.”

Wala ngang alam si Jen kung bakit hindi dumating ang mga ito. Ang iniintindi nga lang daw niya ay ang kanyang sarili.

“Mas naka-focus ako sa sarili ko.

“Kung hindi man sila nakarating, siguro naman may dahilan.

“Ang importante ay nandito ako at napasaya ko ang mga umaasang rarampa ako,” ngiti pa niya.

TOP 100 ATTENDEES. Present naman ang ibang nakasama sa Top 100 na sina Alice Dixson, Ellen Adarna, Aubrey Miles, Valeen Montenegro, Meg Imperial, Daiana Menezes, Maria Ozawa, Arny Ross, Sanya Smith, Rachel Anne Daquis, Chloe Dauden, Phoemela Baranda, at marami pang iba.

VIEW PHOTOS Rachel Ann Daquis, Maria Ozawa, Patricia Javier, and more in FHM 100 Sexiest Women in the World 2015 Victory Party

VIEW PHOTOS Phoemela Baranda, Jaz Manabat, Sanya Smith in FHM 100 Sexiest Women of 2015 Victory Party

Bukod nga sa bagong teleserye, busy rin si Jen sa dalawang pelikula.

Una ay ang pagsasamahan nila ni Sam Milby na The Prenup sa ilalim ng Regal Entertainment.

Pangalawa ay ang pagtambal nila ni JM de Guzman sa pelikulang Walang Forever para sa Metro Manila Film Festival 2015.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN