Ejay Falcon admits to being super close to Pasion de Amor leading lady Ellen Adarna

Ejay Falcon on Pasion de Amor leading lady Ellen Adarna: "Sobrang close talaga, na kulang na lang, ’Oy, amoy ano ka, parang amoy-sardinas ’yang bibig mo.’ Yung mga ganung usapan na hindi kami conscious talaga."


Nagugulat na lang daw si Ejay Falcon sa mga natatanggap niyang tweets at nababasa niyang mga comments sa kanyang social media account dahil sa epekto ng Kapamilya show nilang Pasion de Amor.

May pagka-adult teleserye kasi ang tema ng pinagsasamahan nila nina Ellen Adarna, Jake Cuenca, at Joseph Marco, kaya hindi maisawan na maraming netizens ang maapektuhan sa kanilang mga maiinit na eksena at pagpapakita ng katawan.

Ang totoo nga raw, ang iba ay hindi na niya binabasa at binibigyang-pansin, dahil kadalasan ay may haging ng kamunduhan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press sa kanya sa media announcement ng Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid na ginanap sa Clean Plate noong July 9, nagkuwento ito sa amin.

Bungad ni Ejay, "Sa Instagram, sa Twitter, sa Facebook, sa lahat, minsan may nagpa-private message.

"Parang, 'You're so hot, you're so sexy,' parang ganun.

"Para sa akin, parang, 'Thank you, thank you,' kasi naa-appreciate nila yung pinaghihirapan ko.

"Kasi yun naman talaga ang gusto naming ipakita sa Pasion de Amor, na bago tanggapin, talagang alam ko na ang requirements.

"Sabi nga nila, 'O, dito, kailangan magmukha kayong sexy, magmukha kayong hot.'

"Kung kaya, inaasahan ko na ang gagawin namin at kung ano ang impact nito sa mga manonood."

Dugtong pa niya, "Alam niyo dito [sa social media], ang dami talagang comments, pero 'di ko na napagtuunan ng pansin.

"Everytime na lumalabas ang show namin, grabe! Madalas kaming mag-trending, e.

"Laging nadadaanan ko na lang yung comments nila, at binabasa ko na lang 'pag kakilala ko, 'tapos nagti-thank you ako.

"Yung iba kasi, parang sa sobrang dami, hindi ko na nababasa."

LOVETEAM WITH ELLEN. Pagkatapos ay ikinuwento na niya ang ilan sa komento na minsan ay ikinabibigla raw niya.

Ayon sa PBB Teen Edition Plus grand winner, "Yung sa amin ni Ellen, sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Merong, 'Bagay na bagay kayo ni Ellen, magtukaan kayo, magpakasal na kayo.'

"Yun kasi ang characters namin ni Ellen, laging my kissing scene, may love scene.

"So yun, pero alam kong marami ang sumusuporta dun sa loveteam namin ni Ellen.

"Kasi kapag nagbabasa ako, kahit dun sa I Want TV, nagugulat ako. 'Meron pala kaming chemistry?'

"May following pala kami, ganun."

GETTING CLOSE TO HIS LEADING LADIES. Kaya nga raw mas napapalapit siya ngayon sa kanyang leading lady, na nali-link na ngayon sa kanya.

Paliwanag naman niya, "Kahit sino talagang leading lady, kailangan mong maging malapit.

"Kailangan mong alagaan, kailangan mong maging gentleman sa kanya, kailangan mong alalayan sa lahat ng bagay.

"Mapapalapit ka talaga, hindi mo maiiwasan yun.

"Ang tanong, kung liligawan mo o magiging kayo, yun."

Sa sobrang close nilang dalawa, kahit ano ay puwede niyang masabi rito.

Aniya, "Sobrang close talaga, na kulang na lang, 'Oy, amoy ano ka, parang amoy-sardinas 'yang bibig mo.'

"Yung tipong ganun na hindi kami conscious na, 'Magki-kiss tayo, amoy-sandinas 'yang bibig mo. O kumain ka ng sinangag?'

"Yung mga ganung usapan na hindi kami conscious talaga."

EXCITED ABOUT BEING PAIRED WITH ALEX. Sa susunod niyang proyekto, may bago na naman siyang leading lady sa katauhan ni Alex Gonzaga.

Saad ni Ejay, "Masaya ako kasi may bago naman akong kakilala, bagong kaibigan.

"May bago akong matututunan kay Alex kasi, magkaiba kami ng ginagawa, e.

"Siya kasi, more on comedy, romcon, ako dun ako sa sexy-drama-action, so, heto, pinagtagpo kami dito sa Wansapanataym, na magkaibang genre kaming pinanggalingan.

"Pinagsama kami, at masaya ako dahil alam kong masaya siyang katrabaho."

GEARING UP FOR NEW SHOW. Nag-brainstorming pa lang sila bago ang presscon, kung kaya hindi niya alam kung saan aabot ang kanilang tambalan, kung istorya ng kanilang serye ang pag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Totally, blanko pa rin talaga kami.

"May mga nabanggit na sa amin, pero medyo hindi pa gaanong malinaw.

"Ang malinaw ay pambata ito at superhero ako.

"Kahit nga ang costume ko ay hindi ko pa alam, pero ang alam ko, mag-i-start na rin kami agad, kaya meron na ngang media announcement katulad nito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN