Gary Valenciano defends Rhap Salazar comment against non-singers: “I think he has the authority to say it.”

Gary Valenciano speaks up for Rhap Salazar, who recently created a stir in the local music industry when he slammed non-singers: “Si Rhap hindi naman siya yung tipong biglang one day, nandoon na siya. He had to work, he had to go to the contest, and he has an incredible voice. Hindi lang nakikita ng mga tao.”


Kasabay ng paglulunsad ng Puregold Price Club Inc. ng bago nilang serbisyong Pure Padala ang pagpapakilala rin sa bago nilang brand ambassador na si Gary Valenciano

Ito ay ginanap sa Puregold Araneta Avenue, Quezon City, noong Biyernes, July 10.

Sa naturang presscon, naitanong kay Gary ang matapang pahayag ng singer na si Rhap Salazar tungkol sa mga non-singers na mas nabibigyan ng pagkakataon sa music industry kesa sa mga totoong singers.

Read: (UPDATED) Rhap Salazar clarifies he's not referring to James Reid and Nadine Lustre in his tweet about artists who lip-sync on TV

Si Rhap, 19, ay nagwagi sa Little Division ng ABS-CBN reality talent show Little Big Star noong 2004.

Noong 2009, nanalo din siya ng dalawang awards sa 13th World Championships of Performing Arts (WCOPA) bilang Junior Grand Champion Performer of the World at Junior Grand Champion Solo Vocalist of the World.

Nakamit din niya ang Best Performance by a New Male Recording Artist award sa 2010 Awit Awards.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gary ng reaksiyon niya tungkol sa isyung ito.

Sabi niya, “Well, I think in the recent past kasi, if you see kung ano yung pinagdadaanan talaga ng mga singers, nakakaawa rin.

“Talagang marunong kumanta, pero hindi masyadong napapansin dahil nabibigyan talaga ng priority, yung visually nakikita.

“I think what Rhap was mentioning, I don’t think he was pointing to anyone in particularly but siguro, napansin lang niya na marami talagang ganun.

“And the comment kasi, hindi lang lumalabas online but nanggagaling din sa mga ibang... yun nga, yung mga hindi marunong kumanta na, 'Ba’t ako ang pinili? Ba’t kami? Siguro narinig na niya a number of times.”

PREVALENT TREND. Okey lang sa kanya ang ganitong trend sa music industry, na hindi lamang nabibigyan ng pagkakataong kumanta itong mga non-singers, pero nandiyang may mga sariling album at nagkakaroon ng mga major concerts pa sa malalaking venue?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O sa palagay niya, dapat nang tigilan ang ganung trend?

“Well, for me kasi, people are entertained. At the end of the day, marami ang nae-entertain talaga. Pero sa palagay ko, and I’m saying this from a professional standpoint.

“It’s almost like this... Bigyan mo ang isang non-actor na mag-act dahil may hit song or kilala siya, hindi magiging kasing-epektibo ng isang tunay na actor or actress na talagang mag-a-acting sa harapan ng mga tao.”

Sabi naman namin, nagiging epektibo pa rin yung sa kaso ng non-singer dahil pinapanood at kumikita pa rin.

“It’s effective but yung level ng effectivity for me will still be effective kung talagang tunay na singers, tunay na performers na nabibigyan ng parehong importansiya or exposures,” diin niya.

PROS AND CONS. Bilang isa sa mga OPM singers na masasabing isinusulong talaga ang musika at mga musikerong Pilipino, itinuturing ba niyang balakid ang mga non-singers na siyang namamayagpag ngayon?

“It’s a yes and no,” saad niya.

“Because yun nga, the real singers ang hindi nabibigyan—kumbaga, they’re all ready.

“'Di ba, may The Voice tayo, yun ang pinaka-highest rating show. Yung Your Face Sounds Familiar nasa 31-32% kami, The Voice 40.

“So it shows na talagang may audience ang tunay na singers. Inaabangan ng mga tao every week.

“In that sense, nagiging hadlang talaga sa growth kasi, hindi nakikita yung pinakamagaling sa isang singer.

“But then, the good thing, lalo na kapag OPM ang kinakanta ng mga supposedly non-singers, nasusuportahan pa rin ang OPM.

“Nae-expose pa rin ang OPM, yung sariling original Filipino music.

“So it’s a very, very delicate balance and I know that Rhap will be... mapipintasan talaga siya, maba-bash talaga siya.

"But I think he was clear in saying na, 'Wala naman akong ginawa, I’m not pinpointing.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, nanu-notice lang niya na nangyayari.”

DOES RHAP HAVE THE RIGHT TO CRITICIZE? May nagtanong naman kay Gary kung sa palagay daw ba nito, may karapatang mamuna si Rhap kumpara raw sa mga katulad niyang icons na nga sa music industry.

“I think yeah, he has the authority to say it,” mabilis niyang sagot.

“Si Rhap hindi naman siya yung tipong biglang one day, nandoon na siya. He had to work, he had to go to the contest, and he has an incredible voice. Hindi lang nakikita ng mga tao.

“Maaaring sabihin ng mga tao, hindi naman magaling ‘yan kumanta, but he really, really has an incredible voice. Hindi lang masyadong naririnig.”

Pero sila na icons na, hindi sila nagpahayag ng anumang negatibong damdamin tulad ng hindi dapat mag-concert o magkaroon ng album ang non-singers.

Sabi naman ni Gary, “Well, I live with what I have.

“Habang nandoon pa ako, habang nandoon pa ako sa lugar na I can be influential and I can maximize my voice, my dance and ability to write, that’s what I’m going to do.

“My main objective is not to look at the industry and say, dapat na hindi kumanta ang hindi singers. Kasi at the end of the day, maririnig pa rin ng mga tao kung sino ang magagaling talaga.”

WISH FOR TALENTED SINGERS. Secure na kasi siya sa kung ano ang meron siya sa industriya.

Ayon naman kay Gary, “I’m secure on a very personal standpoint, but my heart goes out to the singers na hindi nabibigyan ng pagkakataon na mag-shine and they’re many.

“Sa X-Factor lang, sa The Voice, ang dami riyan na hindi umabot sa finals.

“Dahil siguro mali ang kinanta nila but one performance na...pero nasaan sila ngayon, ang gagaling.

“I think, with ABS-CBN, there's an overflow of talents when it comes to singing and dancing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabigyan lang ng konting emphasis and exposures ang mga singers kahit sa cable channel, the music industry will really, really change.

“Palaging iba ang makikita ng mga tao and you’ll build up a market on that. At hindi mangyayari ‘yan overnight.”

ENDORSEMENT. Sa isang banda, si Gary, na Mr. Pure Energy, ang pinakabagong celebrity endorser ng Puregold, kung saan ang partikular na pinu-promote niya ngayon ay ang serbisyo nitong Pure Padala.

Bukod pa rito, nag-rekord din siya ng theme song para sa ini-endorso niya.

Aniya, “Noong narinig ko yung kanta, nabasa ko ang lyrics ng kanta, sabi ko, tulad ng mga iba kong ginawa tulad ng ginawa ko sa TFC [The Filipino Channel], it’s for TFC, but it has a major part on the life of Pinoy.

“Gayundin ang Babalik Ka Rin.

“No matter what, up to today, when I do that song, there’s something that takes place. And halos lahat yata ng OFW, apart from their families, this is what they go through, they’re always sending money back home. Kaya nga sila wala rito, they have to send money.

“So now, it’s assured that what they are sending goes where it should go with Pure Padala.

“The tagline is, kung sinuman ang nag-isip nun, that’s genius, and that’s why I’m endorsing it, I’m a strong believer of this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN