Manolo Pedrosa recalls fondest memories of Julia Buencamino

Manolo Pedrosa recalls his fondest memories of Julia Buencamino: “Siya po talaga ang pinakamasayahin, talkative, siya yung pinakamakulit. At saka, nakikita ko po siyang masayahin talaga, palaging tumatawa, nagha-hug ng mga tao.”


Pagkatapos magkaroon ng launching movie ang loveteam nina Manolo Pedrosa at Maris Racal, ngayon ay kasama naman siya sa Love Affair movie ng Star Cinema bilang isa sa tatlong anak nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Masaya si Manolo na kahit baguhan pa lang siya sa showbiz, ang dami na raw niyang nararanasan na hindi pa nararanasan ng ibang baguhan din.

Bukod dito, masaya rin daw siya na nakasama sa isang pelikula sina Richard, Dawn, at Bea Alonzo.

Kakilala pa nga raw ng daddy niya at nakakasama sa pagba-bike si Richard kaya nawawala raw ang kaba niya kapag kaeksena ito dahil minsan ay kumakanta pa sila.

Tinanong namin si Manolo kung naii-starstruck pa rin siya kay Richard.

Pag-amin niya, “Siyempre po, naa-amaze ako kapag ang nakakasama ko yung mga sobrang tagal ng artista.

“Kinakabahan po lalo na pagdating sa scene na tulad nung sa amin ni Tito Richard na nag-uusap kami, siyempre iba yung sa Oh My G! na ka-age ko lang ang mga kasama ko sa eksena.

“E, siya po, mas matanda at veteran na rin po.”

Wala raw siyang ka-loveteam sa Love Affair dahil bilang mga anak nga ang karakter nila rito.

GETTING BETTER WITH HIS ACTING. Mag-iisang taon pa lang sa showbiz si Manolo simula nang lumabas siya sa Pinoy Big Brother house. Sabi nga niya, sobrang dami na ring nangyari sa career niya at marami na rin siyang nagawa.

Walang background sa pag-arte si Manolo after ng PBB pero naisabak na agad siya sa MMK, teleserye, at pelikula.

Kumusta naman ang kanyang pag-arte?

Saad niya, “Para sa akin, nag-improve talaga ko.

“Before po kasi, palagi akong nabubulol, nahihiya, kinakabahan. Sa Oh My G! ha, relaxed na 'ko, natural na yung acting. Yun po ang nakikita ko sa show.”

GETTING TO KNOW JANELLA BETTER. Mas kumportable na rin daw siya ngayon bilang ka-loveteam din si Janella Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung kailan halos matatapos na ang morning serye nila, doon daw niya nakikilala ang dalaga.

Sabi nga ni Manolo, “Shy po pala siya. Pero ngayon, mas nagiging close na po talaga kami. Mas nagiging open na rin po siya sa akin.”

Sa kanilang dalawa ni Marlo Mortel, kanino niya nakikitang mas malapit si Janella?

“Siyempre po si Marlo,” pagtatapat naman niya.

“Unang-una po, mas matagal na silang magkasama sa Be Careful With My Heart pa lang po. For two years na po yata or more than.”

E, silang dalawa ni Maris, hindi naman niya nararamdaman na baka pinaghihiwalay na sila as loveteam?

“Hindi naman po, kasi sa ASAP naman po, kami pa rin naman po ang magkasama sa mga production number.”

SHOCKED OVER JULIA'S UNTIMELY DEATH. Bilang isa sa mga lead actors ng Oh My G!, naalala namin siyang kumustahin tungkol sa isa sa kasamahan nila, si Julia Buencamino.

Ano ang naging reaksiyon niya noong nalaman niya ang pangyayari?

“Sobrang nagulat ako kasi, kagigising ko lang po.

“'Tapos tinext ako ng friend ko about that. Sobrang nagulat ako. So ang pangit ng gising ko.

“Hindi ko ine-expect na mangyayari kasi, masayahin naman po si Julia.”

Hindi raw siya agad naniwala kahit na may Viber group sila na nabasa na rin niya ro'n ang nangyari.

“Ang ginawa ko po, tsinek ko sa Internet, 'tapos nakita ko, ang dami na. 'Tapos yun nga. Hindi ako makapaniwala pa rin po.”

Para kay Manolo, sa lahat daw ng girls sa Oh My G!, masasabi niyang ang anak nina Nonie Buencamino at Shamaine Centenera ang pinakamasayahin sa lahat.

“Siya po talaga ang pinakamasayahin, talkative, siya yung pinakamakulit,” sabi pa niya.

Nalungkot din daw siya nang mapanood niya ang episode ng Oh My G! na kasalukuyang ipinapalabas noong nakaburol ito. Kasama pa raw nila si Julia sa eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang na-sad ako na yun nga po, wala na siya.”

Sa isang banda, bilang nakakasama nga nila si Julia sa serye, wala ba silang napansing kakaiba rito?

“Hindi po e,” lahad niya.

“Kasi po, 15 lang siya and hindi ko po in-expect na kayang gawin ng 15-year old yun.

“At saka, nakikita ko po siyang masayahin talaga, palaging tumatawa, nagha-hug ng mga tao.”

Dahil sa pangyayaring yun, tinanong namin si Manolo kung ano ang naging paalala sa kanya o aral na naibigay sa kanya bilang isang kabataan din.

Ayon kay Manolo, “Sa tingin ko po, kahit na sobrang masayahin ng isang tao, hindi mo talaga alam ang totoong nararamdaman niya.”

ON NEW BATCH OF PBB TEEN HOUSEMATES. Bilang galing din siya sa PBB at ngayon ay ang sumunod na batch sa kanila naman ang kasalukuyang napapanood, ano ang masasabi niya sa bagong teen housemates?

Natawa si Manolo sabay sabi nang, “Okey naman po, siguro natawa lang ako dahil one week pa lang, may nag-'I love you' na.”

Pero hindi rin naman daw siya masyadong nakakapanood. Pero sa palagay raw niya, magkaiba talaga ang season ngayon sa naging season nila.

“Iba talaga, kasi sila, teenagers lang. Kami po kasi noon, All In, sama-sama lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN