Vice Ganda, Lea Salonga speak up on issue about non-singer celebs getting music albums

Sang-ayon sina Vice Ganda at Lea Salonga na mabigyan ng pagkakataon ang mga non-singer celebrities na magkaroon ng music album, kung nakakatulong ito sa OPM. Pero umaasa si Lea na sana ay mabigyan din ng break ang mga lehitimong singers.


Nagbigay ng kanilang opinyon sina Vice Ganda at Lea Salonga sa usapin tungkol sa pagbibigay ng oportunidad sa non-singer celebrities na magkaroon ng album.

Nag-ugat ang isyu nang mag-tweet ang young singer na si Rhap Salazar tungkol sa pagli-lip-sync ng ilang artista sa pagpe-perform.

Natalakay rin ang pagkakaroon ng singing career ng mga artistang non-professional singers.

Read: (UPDATED) Rhap Salazar clarifies he's not referring to James Reid and Nadine Lustre in his tweet about artists who lip-sync on TV


VICE: DON’T HATE PEOPLE. Unang nagsalita tungkol sa isyu si Vice Ganda, na aminadong hindi man kilala bilang professional singer ay bumebenta ang albums.

Pahayag ni Vice sa phone-patch interview niya sa OMJ ni MJ Felipe ng dZMM nitong Sabado, July 11, "Do not hate people, ano man ang ginagawa nila.

"Unang-una, wala namang nilabag na batas.

"Why will you hate people na wala naman nilalabag na batas? Hindi naman inapakan ang karapatang-pantao mo.

"Puwede naman sigurong hindi mo magustahan ang sistema pero huwag namang i-hate."

Base kasi ito sa tweet ni Rhap na "hate" daw niya ang mga taong nagli-lip-sync sa telebisyon.

Diin pa ni Vice, hindi naman ito nakikipag-agawan ng espasyo sa industriya kagaya ni Rhap na iba naman ang target market.

“Libre namang mangarap, e.

"Sa pagtupad ng mga pangarap natin, hindi naman natin sinabi sa mga totoong singer na hindi na, 'Hindi na kayo puwedeng gumawa, kami na lang.'

"Wala naman tayong ipinagkait sa lahat; kinuha lang din natin yung karapatan natin."

Ayon pa sa It’s Showtime host, mas nakabubuti pa ang mga kagaya niya para lalong mapasigla ang industriya ng OPM.

"Sa panahon ngayon na ang mga Pilipino ay aligagang-aligaga sa pagbili ng mga foreign performers, binibigyan natin sila ng option.

"Kasi ang mga foreign artists, hindi naman ginagawa yung mga ginagawa nating kanta, tulad na lang ng novelty songs ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Punto pa ni Vice, upang mabuhay ang OPM, gumawa ng mga tunay na album ng mga lehitimong singers at gumawa rin ng mga album na bumebenta.


LEA SPEAKS UP. Maging ang Broadway Diva na si Lea ay aminadong nagli-lip-sync na rin sa ilang pagkakataon.

Pahayag ng The Voice of the Philippines coach, "It doesn't mean naman na hindi ako ang kumakanta and given my track record, I think people know that I can sing.



“Minsan nagkakasakit din, talagang wala kang magagawa.

"You can’t cancel the gig kahit one song lang."

Paalala pa ni Lea, "People just need to chill out, sandali lang, relax lang tayo.

"Kasi, as in all things, case to case din ‘yan."

Naiintindihan din ng original Miss Saigon kung mas nabibigyan ng pagkakataon ang non-legitimate singers na magkaroon ng music album kesa sa mga tunay na singers.

“There is a demand for an album pero, I mean, that’s all fine and good, there are fans talaga who buy it.

"It’s a competitive marketplace.

“But I do understand na may mga artista na kumakanta na medyo sumasama din ang loob pag yung kanilang talent 'di masyadong itinutulak sa market place.

“Kung ako isang producer at alam ko kung ano ang mas bebenta, dun ako sa mas bebenta.

“That’s how the money should come up.”

Pero sabi rin ng international singer, “Sana itulak din the people who can actually sing.”

Sang-ayon din si Lea na para mabigyan ng pagkakataon ang mga lehitimong singers, kailangan may mai-offer siyang kakagatin ng masa.

“There has to be something na kagagatin ng fans, ng mga bibili… there has to be something special [for them] to shell out. Hind lang puwede pa-cute.

"There has to be something to make people shell out P200, P300 for their albums...

"It's not enough nowadays in the marketplace to be great.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You have to be great, you have to have something that sells, something that magla-latch on yung public sa kanila," saad ni Lea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN