Davao City Mayor Rodrigo Duterte supports same-sex marriage; shows funny side on Gandang Gabi Vice

Marami ang natuwa sa suportang ipinadama ni Mayor Rodrigo Duterte sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender) community lalo na ang tungkol sa same-sex marriage. Tungkol naman sa mga bading, sinabi ng alkalde na ayaw niyang may baklang inaapi.


Si Mayor Rodrigo ‘Rody’ Duterte ng Davao City ang naging guest ni Vice Ganda sa episode ng Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN kagabi, July 12.

Hindi raw siya mahilig magpa-interview, pero inamin ng alkalde na tagahanga siya ni Vice at ng show nito kaya pumayag siyang mag-guest dito.

I am so lucky to be able to meet this fierce and charming politician, Mayor Rodrigo Duterte. He's so lovable!

A photo posted by Jose Marie Viceral (@praybeytbenjamin) onJul 12, 2015 at 7:31am PDT

Isa sa mga napag-usapan ang tungkol sa diumano’y mga nabaril ng alkade sa Davao, pero pinili nitong huwag nang sagutin ang tanong dahil baka raw makulong siya.

Ngunit sinigurado niyang wala pa siyang nabaril na bakla dahil ayaw niya na naaapi ang mga ito.

Dito na ipinakita ni Vice ang kanyang suot na bullet-proof vest. Safe naman daw siya kaya nagbihis ito sa harap mismo ni Mayor Duterte.

Habang nagtatanggal ng kanyang bullet-proof vest si Vice onstage na medyo patuwad, biglang nagbiro si Mayor Duterte at sinabing, “Vice, huwag kang pumorma nang ganun, bakla ako nun!”

Dagdag pa niya, nagbago na raw siya dahil "na-reform" na siya.

Ngunit seryosong sinabi ni Mayor Duterte na labis ang galit niya sa mga umaapi sa mga bakla.

“I always hated oppression.

"Kaya dun sa dormitoryo noon, ayaw ko talaga yung mga bakla na niloloko.

“I was the first to give a statement sa Davao when…

"Ladlad was denied registration, I was the first to say that, you know, ‘Stop this hypocrisy!’

“Kasi sila, mayroon ding bakla sa opisina nila, e, that I know.”


HOMOSEXUALITY, SAME-SEX MARRIAGE. Wala rin daw problema kay Mayor Duterte kung malaman niyang bakla ang isang anak niya o may karelasyon itong bading.

Sabi ng longest-serving mayor ng Davao City, “Okay lang. It’s more of the human dignity than anything else.

“Respetuhin mo. All human beings are created by God. So, reresputuhin mo yung totoong babae o toong lalaki.

“At kung ito namang isa ay medyo alanganin sa babae o lalaki… then he is also a creation of God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magrespetuhan tayo.

"Sa Davao, walang binabastos na bading kasi ayaw ko ng oppression."

Ano naman ang masasabi niya tungkol sa same-sex marriage?

"Everyone deserves to be happy," tugon ni Mayor Duterte sa tanong ni Vice.

Sa bandang huli, nilinaw ni Mayor Duterte na ang pagsabi niya na bakla siya ay paraan lang niya para hindi matakot sa kanya ang mga babae.


"TWERK IT," "NAE NAE," AND "IKAW." Napakanta naman ni Vice si Mayor Duterte ng kanyang paboritong awiting “Ikaw” ni Sharon Cuneta.

Bukod pa rito, game ding nagsayaw ang alkalde ng sikat na “Twerk It Like Miley” ni Brandon Beal at “Watch Me (Whip/Nae Nae)” ng Silento.

Sa kabuuan ng palabas, mariin ding itinanggi ni Mayor Duterte na tatakbo siya bilang Pangulo sa 2016 elections.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN