Senator Nancy Binay not bothered by "lies" being thrown against their family; keeps mum on issue with Senator Grace Poe

Senator Nancy Binay on negative issues being thrown at their family: "If truth is with us, so why get bothered with all the lies being thrown against us when, alam ko naman, alam ng pamilya namin na walang katotohanan? Bakit namin didibdibin? Walang mangyayari kung puro negative ang mga iisipin namin."


Humarap sa entertainment press ngayong araw, July 12, si Senator Nancy Binay bilang pasasalamat sa suporta sa kanya nga mga ito nang kumandidato siya bilang senador noong 2013.

Humingi ng paumanhin si Senator Nancy sa entertainment writers dahil inabot ng dalawang taon bago siya nakapagpasalamat sa kanila.

Sinagot din ng senadora ang lahat ng mga isyu na kinasasangkutan ng kanyang pamilya.

Hindi raw nagpapaapekto sa mga intriga ang kanilang pamilya dahil alam nila ang buong katotohanan.

Pahayag ni Senator Nancy, “Unang-una ho, alam namin yung katotohanan.

“So, if truth is with us, so why get bothered with all the lies being thrown against us when, alam ko naman, alam ng pamilya namin na walang katotohanan? Bakit namin didibdibin?

“Walang mangyayari kung puro negative ang mga iisipin namin.

“So, parang kami, mas gusto namin na mag-focus kung paano makakatulong kesa doon sa mga pambabatikos na ibinabato sa amin.”

PAMPELIKULA AT PANG-TELESERYE. Nagbitaw rin ng opinyon si Senator na puwedeng-puwedeng isadula sa telebisyon at pelikula ang makulay na buhay na kanyang ama na si Vice President Jojo Binay.

“Paulit-ulit nga na sinasabi ng mommy ko [Elenita Binay], yung buhay ng ating Vice President Binay, ano ‘yan, constant struggle.

“Kasi, at the age of nine, he was orphaned.

“Pero ang maganda sa kanya, na-experience din niya yung buhay na maykaya.

“In fact, ikinukuwento niya, natatandaan niya, nung nabubuhay pa yung mga magulang niya, ang tawag sa kanya, ‘Senyorito.’

“And then, parang sa isang iglap, nawala ‘yon.

“And then, kailangan niyang tumira dun sa tiyuhin niya na kamag-anak siya, pero parang boy siya dun sa bahay na ‘yon.

“So, maganda talaga, pampelikula.

"Kasi, kumbaga sa pelikula, inaapi yung bida, tapos babangon at magtatagumpay.

“So, yun ang kuwento ng buhay niya.

“And, hopefully, pagdating ng 2016, e, ganoon pa din yung cycle na inaapi tapos magwawagi.”

“HINDI SINUNGALING ANG AMA KO.” Ipinagtanggol din ni Senator Nancy ang kanyang ama at sinabing hindi ito sinungaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinumpara pa niya si Vice President Binay sa mga ibang nagbabalak tumakbo bilang Pangulo sa 2016 elections pero ayaw pang umamin.

“I was there sa isang interview, tinanong kung tatakbo siya sa pagka-Presidente.

“Unang-una, yung Vice President natin, hindi naman siya sinungaling at hindi siya fake.

“So, nung tinanong siya, sinagot niya nang diretso dahil alam naman niya tatakbo siya.

“Kaya nga, yun din ang hamon ko sa mga nagbabalak tumakbo sa 2016.

“I don’t see the point why kapag tinatanong sila, kumbaga, alam na ng buong Pilipinas kung tatakbo sila, pero ayaw pa nila na umamin.

“Di ba, parang ang dami pang kiyeme? Hindi na lang sagutin yung tanong nang diretso.”

Saad pa niya, “Unang-una, yung presidency is a big job.

“Dapat, ngayon pa lang, isipin mo, yung pagtakbo hindi pa nila mapagdesisyunan, e, paano pa yung mga problema na haharapin nila?

“Ibig sabihin, hindi pa rin nila naiisip at nabibigyan ng solusyon.

“I think my father was just being honest nung matanong siya whether or not [he will run]... hindi sana nag-umpisa.

“I doubt siyempre yung mga kalaban namin sa pulitika. Kahit sabihin mo na hindi ka tatakbo, alam nila na tatakbo.

“So, kumbaga, nakaplano na ito lahat.”

Sa kabila ng mga batikos na natatanggap ngayon ng kanilang pamilya, wala raw silang pinagsisisihan.

“No regret. Kung anuman yung pinagdaraanan namin ngayon, this is the sad part of politics.”

SENATOR GRACE POE. Tumanggi namang magsalita si Senator Nancy tungkol kay Senator Grace Poe, na sinasabing pinakamahigpit na makakalaban ni Vice Presidente Binay sa 2016 elections.

“I think nagbitaw na rin ng salita yung kapatid ko, si Congressman Abby na we will not talk about her anymore.

“Kasi, alam mo, sa pamilya namin, talagang binibigyan namin ng halaga yung personal relationship.

“Alam namin yung pulitika, pag tapos na yung term mo, sabi nga ng kapatid kong lalaki, si Mayor Junjun [Binay], ang eleksiyon, isang araw lamang ‘yan. Pagkatapos niyan, dapat tapos na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas importante yung pinagsamahan more than politics sa amin. Ganoon ang mindset namin.

“Siyempre, bina-value namin yung relationship."

Kuwento pa niya, “My father was with FPJ [Fernando Poe Jr., Grace’s father] when… nung naatake siya.

“That night, magkatabi sila, na-heart attack si FPJ, siya pa ang nagdala sa ospital.

“Hindi na mawawala yung ganoong pinagsamahan.”

Kumusta ang pakikitungo nila ni Senator Grace pagkatapos lumabas ng mga isyu sa pagitan nito at ng kanilang pamilya?

Ayon kay Senator Nancy, “Nung magkaroon ng ganitong isyu, patapos na kami sa Senate.

“But during the last day, we smiled at each other so, at least, that’s one step forward.

“Siyempre, aaminin ko rin naman sa inyo, naging awkward din yung situation namin because of all the issues.

“But, I think, natutunan ko dito sa pulitika, at the end of the day, you just have to move on and forget whatever hurtful things have been said.”

Dagdag pa niya, “Hindi umabot sa point na ganoon [awkward kay Grace] kasi, di ba, may iba akong kasama sa Senate na awkward?

“I thought baka magkailangan kaming dalawa, but when we saw each other, nagngitian kami.

“Actually, isa lang naman yung awkward. The other two…

“In fact, sasabihin ko na, si Senator Alan [Peter Cayetano], nung birthday niya, I greeted him, nagbesohan kami sa session hall.

“Tapos nung nag-birthday ako, binati niya ako saka bineso niya ako.

“Yung isa [Senator Antonio Trillanes], absent yata. Hindi na kami nagkita uli.”

Sina Senators Cayetano at Trillanes ang dalawa sa hayagang tumutuligsa kay Vice President Binay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN