Andrea Torres, Sam Pinto, Max Collins explain absence at FHM Sexiest Women event; Max reveals receiving death threats

Andrea Torres, Max Collins, and Sam Pinto were included in the Top 10 of this year’s FHM 100 Sexiest poll, but they skipped the victory party held last Saturday, June 11, at the SMX Convention Center.


Ipinaliwanag ng Kapuso sexy female stars na sina Andrea Torres, Sam Pinto, at Max Collins kung bakit hindi sila rumampa sa FHM 100 Sexiest Women of 2015 victory party noong July 11 sa SMX Convention Center, sa Pasay City.

Ito ay sa kabila ng pagkakasama nila sa Top 10 ngayong taon; si Andrea ay No. 2, si Sam ay No. 4, at si Max ay No. 9.

Ang kapwa Kapuso leading lady nila na si Jennylyn Mercado ang nag-No. 1 o itinanghal na FHM Philippines’ Sexiest Woman for 2015.

Bukod kay Jennylyn, ang rumampa lang na nakabilang sa Top 10 ay ang volleyball player ng Far Eastern University na si Rachel Anne Daquis na nasa No. 8.

Hindi rin dumating sina Solenn Heussaff (No. 5), Angel Locsin (No. 6), Jinri Park (No. 7), at Alodia Gosiengfiao (10).

Bagamat dumating si Ellen Adarna (No. 3), hindi siya rumampa sa stage dahil galing siya sa isa pang event at sumaglit lang siya sa event para magpasalamat sa mga bumoto sa kanya sa FHM.

Dahil sa hindi nila pagpunta o pagrampa, nagkaroon tuloy ng isyu na binoykot ng ibang nasa Top 10 ang FHM victory party, partikular na ang ibang Kapuso stars, dahil hindi nila matanggap na si Jennylyn ang naging number one.

Si Jennylyn ang kauna-unahang Sexiest Woman winner na may anak na.

Pitong taon gulang na ang anak ng aktres kay Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Ngunit sa panayam nina Sam, Andrea, at Max sa news program ng GMA Network na 24 Oras ngayong gabi, July 13, ipinaliwanag nila kung bakit hindi sila nakarating sa FHM victory party.

SAM & ANDREA. Ayon kay Sam—na nag-back-to-back win as FHM Sexiest Woman noong 2011 and 2012—hindi siya bitter sa pagkapanalo ni Jennylyn sa taong ito.

“I’m not bitter. Jennylyn truly deserves it. She’s super sexy.

“The reason why I didn’t go is because I’m kinda done with it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang, why will I still go?”

Sabi naman ni Andrea, may prior commitment siya na hindi na puwedeng makansela.

Kaya bago dumating ang araw ng event ng FHM ay nagpasabi na siyang hindi makakarating.

Taliwas daw ito sa usap-usapang sumama ang loob ni Andrea na hindi siya ang nag-number on, kahit na siya ang nangunguna sa botohan bago siya naungusan ni Jennylyn sa huling linggo.

“Matagal nang may naka-schedule that day.

“Kaya hindi naman natin mamu-move ang mga commitments nang ganun-ganun na lang, kaya hindi na kami nakapunta.”

DEATH THREAT. Si Max ay may matindi raw dahilan kaya hindi siya pumunta sa event ng FHM.

May kinalaman ito sa mga natatanggap niyang death threats sa text.

Nakipag-ugnayan na raw ang aktres sa mga awtoridad para mabigyan siya ng proteksiyon.

Tila kidnap-for-ransom daw ang motibo ng kung sinuman ang nagti-text sa kanya.

Sabi ni Max, “Nakakapagtaka nga kasi wala naman akong kaaway.

“Doon sa mga text na ipinapadala sa akin, they want to hold me for ransom.

“There were two men like riding in tandem sila na umiikot sa bahay ko.

“Dalawang beses nangyari ‘yon. Yung P.A. [personal assistant] ko ang nakakita at parang tinatakot siya.”

Kaya hindi sumipot si Max sa event ng FHM para makaiwas siya sa mga taong nagbabanta sa kanyang buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN