Max Collins reveals getting death threats

Nababahala ang Kapuso actress na si Max Collins dahil sa natatanggap niyang death threats sa pamamagitan ng text. Tila nanghihingi raw ang mga ito ng malaking halaga, kaya sabi ni Max, “I don’t have one million kung yun po ang gusto nila sa akin. Marami po akong binabayaran, yun po talaga ang totoo. At sana po, hindi ito mangyari kahit kanino kasi hindi po siya magandang experience.”


Idinetalye ng Kapuso actress na si Max Collins sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang natatanggap niyang death threats.

Nagsimula raw ito nang makatanggap ng hindi magagandang text messages ang kanyang personal assistant dalawang linggo na ang nakararaan.

Tipong binabantaan daw ang P.A. na makipagtulungan sa kung sinumang nagpapadala ng death threats sa text.

Lahad ni Max nang makausap ng PEP sa pamamagitan ng telepono, “Tini-text siya na kailangan magtulungan sila na i-blackmail ako or get me hostage for one million.

"Or else, papatayin yung anak niya at yung nanay niya dahil alam ng nagti-text sa kanya kung saan nag-aaral ang kapatid niya, kung saan sila nakatira.

“Yung sana makipagtulungan daw siya na dukutin ako.

“Tapos sinasabi nila na parang gusto akong makausap. May number na tumatawag sa akin, iba-iba.

“Meron din parang out-of-the-country na number, iba-ibang numbers.

“Alam ko na sila yun, kasi yun din ang number na tumatawag sa P.A. ko.

“May time rin na may mga lalaki na parang umiikot sa bahay ko, naka-motor, dalawang lalaki.

“Basta tinatakot nila ang P.A. ko.

“Ni-report namin sa pulis and the police gave us security naman.”

Wala raw ideya si Max kung bakit bigla siyang nakakatanggap ng death threats. Wala naman daw siyang kaaway o nakakabangga man lang.

“Hindi ko alam kung sino talaga kaya nagtataka rin po ako kasi wala naman akong kaaway.

“Siguro nangangailangan… baka kilala nila ang P.A. ko kaya ako tinatakot.

“Tinatakot din ang P.A. ko para tulungan sila, ‘di ba?

“Talagang out of the blue na mangyayari sa akin ‘to kaya, yun lang, nag-iingat lang kami.

“Sabi rin ng mga pulis, you shouldn’t take death threats lightly, precautious pa rin, mag-iingat pa rin.”

Nagdulot daw talaga ito ng takot, lalo na sa kanyang pamilya.

Pahayag ni Max, “Sa ngayon po, nagpapasalamat ako na wala na kaming natatanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero dahil po sa pangyayaring yun, nag-iingat po talaga ko.”

Ang mommy ni Max ay sumagot daw sa isang text message sa kanya, pero mas nakakatakot daw nang sumagot muli ang nagpapadala ng death threats sa aktres.

“Na-disturb ang mama ko, sana wala na po talaga.”


KIDNAP FOR RANSOM? Nanghihingi raw ng isang milyong piso bilang ransom ang kung sinumang nananakot sa kanila.

Iniisip ng mga ito na mayaman siya?

“Yun nga, kung alam niyo lang!” natawang sabi ni Max.

“Ang totoo po, hindi ko alam kung iniisip ba nilang mayaman ako, hindi ko alam kung saan nila nakuha yung idea.

“Baka kasi may endorsements lang ako, pero hindi nila alam, breadwinner lang ako, ang dami kong binabayaran.

“I work really hard to make both ends meet.

“Sana huwag naman pong ganun.”

Dagdag niya, “I don’t have one million kung yun po ang gusto nila sa akin.

“Marami po akong binabayaran, yun po talaga ang totoo.

“At sana po, hindi ito mangyari kahit kanino kasi hindi po siya magandang experience.”

Nawalan siya ng peace of mind?

“Opo, lalo na noong una, especially my mom.

“Inisip din namin kung lilipat kami ng bahay, pero sayang naman yung bahay.

“At naisip namin na wala naman kaming ginagawang masama.

“Nakakalungkot lang and nakakatakot.

“Lalo na sa mama ko, siya talaga nahihirapan, she didn’t take it lightly.”

SKIPPING FHM EVENT. Pinagbawalan na rin daw muna siyang pumunta sa mga lugar na maraming tao.

“Bawal akong pumunta sa mga events na maraming tao, for safety reason.

“Kaya ayaw rin ng [GMA] Artist Center at ni Kuya Perry [Lansigan, her manager] na pumunta ko sa big event, katulad ng FHM or mga ganun, kasi sobrang daming tao.”

Napilitan daw si Max na magsalita at sabihin ang rason kung bakit hindi siya nakarating sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women noong Sabado ng gabi, July 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng nakasama siya sa Top 10 sa kauna-unahang pagkakataon; nasa No. 9 spot si Max ngayong taon.

Naapektuhan din daw siya ng mga nababasa niyang pamba-bash ng ilan at iniisip na hindi siya sumipot o wala siyang pasasalamat sa mga bumoto sa kanya.

Lumabas din ang isyung binoycott daw nila ang FHM event dahil si Jennylyn Mercado ang nag-number one at naging bitter daw sila.

Saad ni Max, “Ayoko po talaga sana itong ilabas dahil hindi sana siya magandang ilabas.

“Pero yun nga po, gusto ko lang din malaman ng mga fans, nagkataon pang ang Bubble Shakers, hindi rin nakapunta.

“Pero hindi po dahil bitter ako or anything.

“Sobrang happy ako for Jennylyn Mercado and I think deserve niya talaga.

“And if I could be there then I would have, kaya lang importante lang po talaga ang safety ko at nag-iingat lang po kami ngayon.”

Naapektuhan siya sa mga pangba-bash ng iba?

“Well, opo, naapektuhan ako, pero naiintindihan ko rin sila.

“Kaya I feel that they deserve an explanation kung bakit hindi ako nakapunta.

“Kasi, sobrang binoto nila ako, gusto nila akong makita, to sign autographs.

“That’s why I’m sad na nag-commit na ako, pero hindi ako nakapunta.

“I just feel bad that they see it in a different light.”

UNEXPECTED. Dugtong pa ni Max, kahit siya ay hindi makapaniwalang makakapasok siya sa Top 10 sa FHM Sexiest poll.

“Hindi ko po talaga akalain, it’s an honor to be on the Top 10.

“It’s my first time po kasi kaya tuwang-tuwa ako na binoto nila ako, nakapasok pa ako.

“So, wala namang bitterness kasi I never expected I’ll make it to Top 10 at, siyempre, dahil sa kanila yun.”

Inamin din ni Max na ilang linggo bago siya makatanggap ng death threats ay nag-commit na siyang darating sa victory party ng FHM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun nga, nataranta talaga ang family ko.

“Ayaw talaga ng mom ko then nag-decide ang Artist Center, ang PPL na huwag akong papuntahin because it’s dangerous.

“Even now, may bodyguard ako for safety reason.

“Nakakapag-taping ako kasi secured area, nasa GMA, sa Bubble Gang ako, secured naman.

“Pero yung event na ganun kalaki, it’s dangerous lang.

“Yun lang ang worry namin,” saad niya.

Ano ang mararamdaman ni Max sakaling may mag-isip na gimik lang ang death threats na sinasabi niya para maiwasan ang isyu ng hindi niya pagpunta sa FHM event?

Sagot ng aktres, “I’m sorry if they feel that way kasi yun lang talaga.

“It’s not actually to defend myself but to say sorry sa mga taong nalungkot.

“I just wanna be honest.

“Hindi ko sana sasabihin at ayokong ipagkalat sa lahat, pero ayoko lang talagang magsinungaling sa kanila o magtampo sila sa akin na hindi ako nakapunta.

“I think they deserve to know the reason and the truth.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN