Julie Anne San Jose empathizes with Rhap Salazar’s sentiment about non-singer celebs getting albums

Julie Anne San Jose airs her side on the issue about non-singer celebrities getting albums: “Wala akong kinakampihan, kasi lahat naman tayo dito ay naghahati-hati lang naman ng trabaho. Ginagawa lang yung trabaho natin, ’di ba.”


Nagbigay ng kanyang opinyon ang Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose tungkol sa isyu ngayon ng pagkakaroon ng album ng non-singer celebrities.

Matatandaang nagsimula ang isyung ito nang mag-tweet ang singer na si Rhap Salazar tungkol sa pagli-lip sync ng ilang celebrities tuwing nagpe-perform sa musical-variety shows.

Read: (UPDATED) Rhap Salazar clarifies he's not referring to James Reid and Nadine Lustre in his tweet about artists who lip-sync on TV

Ayon kay Julie Anne, hindi niya agad nabalitaan ang naging hinaing ni Rhap subalit naiintindihan niya kung bakit iyon nasabi ng kapwa singer.

“I feel for Rhap, kasi siyempre as a singer, kumbaga, parang ikaw yung… kumbaga, lahat naman talaga tayo kumakanta.

“Lahat tayo kumakanta, pero yung mga iba na alam mo ‘yon… talagang nakakakanta [hindi masyado nabibigyan ng chance.]

“Siguro may point naman talaga siya,” pahayag ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong Lunes, July 13, sa PEPTalk shoot na ginanap sa GMA Network Center.

Subalit nilinaw ni Julie Anne na wala siyang kinakampihan. Ang mahalaga ay ginagawa ng mga artista ang kanilang trabaho.

“But, you know… may… basta wala akong kinakampihan.

“Wala akong kinakampihan, kasi lahat naman tayo dito ay naghahati-hati lang naman ng trabaho.

“Ginagawa lang yung trabaho natin, 'di ba.”

Dagdag pa niya, “And kumbaga, for me, siguro ang masasabi ko lang, siguro sinabi lang ‘yon ni Rhap kasi parang gusto lang niya magsalita in behalf of all the singers.

“But, ako naman, I have nothing against also dun sa artists din.

"Kasi, yun nga, sinabi ko nga, lahat naman tayo talaga, nagtatrabaho lang dito.

“So, lahat tayo entertainers.”

Sinang-ayunan din ni Julie Anne ang sinabi namin na ang mahalaga ay masaya ang artists sa kanilang ginagawa.

“Oo, korek!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN