Gerald Anderson on his failed relationships: "I’ve learned from my mistakes and became a better man."

Gerald Anderson on fellow celebs involved in scandals: "Kung may scandal ka man, kung may nagawa kang mali, you can always come back, you can always become a better person. Learn from it. Like ako, sa buhay ko, nasabi ko nga kanina, ang dami ko rin nagawang mali, pero hindi pa tapos ang buhay ko. I can always make it right and I can always be a better person, ganun din sa lahat."


Iginiit ni Gerald Anderson na wala siyang lovelife at wala rin siyang nililigawan ngayon.

“Wala po, trabaho lang. Hindi po ako naghahanap.

“Masaya lang po ako sa kung anuman ang nangyayari ngayon at doon muna ako.

“I enjoy myself muna, be a better person,” pahayag ng Kapamilya actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Beauty and Wellness event ng Cosmo Cee, noong Linggo, July 12, sa SM Megamall Activity Center.

Kailan kaya ang tamang panahon para muli siyang magmahal?

“I don’t know,” nakangiting sagot ni Gerald.

“Alam niyo, ang dami ko rin na-realize sa buhay ko.

“Ang dami ko rin pagkakamali, ang dami ko rin mga failures.

“Ang dami ko rin mga… alam niyo yun, unti-unti, I’m trying to learn from it, be a better person.

“Siyempre, alam ko na nakasakit ako ng mga tao na I care about na hindi ko naman sinasadya.

“Nasaktan din ako siyempre but, you know, God is good.

“Let’s move on and become a better person.

“Yun lang ang gusto kong mangyari.”

Ang huling naging girlfriend ni Gerald ay ang kapwa niya Star Magic artist na si Maja Salvador.

CAREER AND LOVELIFE. Kung sakali mang ma-in love at manligaw siya ulit, hindi raw masasabi ni Gerald kung taga-showbiz o non-showbiz ang susunod niyang mapupusuan.

“Hindi ko po masasabi kung ano yung nandiyan, to whom I will fall in love with.

“Pero like I’ve said, ang dami ko pang kailangang matutunan sa sarili ko.”

Natawa naman si Gerald nang tanungin kung naniniwala siya, lalo na sa showbiz, na kapag maganda ang takbo ng career ay kabaligtaran naman nito ang estado ng lovelife.

“Ganun ba yun?” natatawang balik-tanong niya.

“Nasa ano lang po yun, nasa timing lang po. It’s all in God’s time, e.

“Ito ang perfect time para i-prove ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, I’ve learned from my mistakes and became a better man.”

May ilang nakapansin na noong may lovelife siya ay hindi naging ganun kapositibo ang naging epekto nito sa career niya noon.

Pero ngayong wala siyang lovelife ay gumaganda ang takbo ng kanyang career, at patunay nito ang mataas na rating ng kanyang teleserye sa ABS-CBN na Nathaniel.

Pahayag ni Gerald tungkol dito, “Like I’ve said, timing yun…

“Hindi ko po alam, hindi ko po masagot, e.

“Alam naman natin na ang dami ng nangyayari lately, ‘di ba?

“May mga hindi maganda... may mga suicide na nangyayari.

“We really have to take time, think about things na mga nangyayari, pag-aralan mo yung mga mali mo, mga tama mo, then move on and just be a better person.”

YOUNG GENERATION. Dahil nabanggit na rin lang ni Gerald ang tungkol sa suicide, tinanong namin siya kung ano ang kanyang reaksiyon sa mga isyung kinasasangkutan ng ilang kabataan ngayon, partikular na sa mga nasa showbiz.

Tugon ng 26-year-old Kapamilya actor, “Oo nga, e… Iba ang mundo natin ngayon, iba ang generation natin ngayon.

“So, ang hirap i-explain, iba siya talaga.

“Ako, naniniwala ako na just learn from your mistakes.

“Kung may scandal ka man, kung may nagawa kang mali, you can always come back, you can always become a better person.

“Learn from it. Like ako, sa buhay ko, nasabi ko nga kanina, ang dami ko rin nagawang mali, pero hindi pa tapos ang buhay ko.

“I can always make it right and I can always be a better person, ganun din sa lahat.

“Siyempre, meron din iba na wala nang chance kasi hindi na natin kasama.

“We have to be compassionate. Hindi natin alam, e.

“Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdadaanan niyo or mga tao sa paligid natin, so just be kind to everybody.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaya ng ilang mga artista, nasangkot na rin sa photo scandal noon si Gerald. Kaya kinuha namin ang kanyang opinyon sa mga lumalabas na eskandalo tungkol sa ilang kapwa niya celebrities.

Sagot niya, “Alam mo, hindi lang naman… well, iba-iba kasi ang mga tao.

“Hindi natin masisisi ang ibang tao kung yun ang gusto nilang gawin, ‘di ba?

“We can always learn from it. Kung mali man yun, learn from it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN