Alex Gonzaga realizes it’s better to be separated from sister Toni

Alex Gonzaga on her sister Toni: "Mas okey na magkahiwalay kami. Kasi nga, di minsan nagkakabuwisitan sa isa’t isa, di ba? Miss na lang namin ang isa’t isa. Minsan kasi, sa sobrang protective niya ay nagkakapikunan na kami. The last minute nga, nagkakapikunan pa kami, kasi sobrang protective niya talaga, e."


Ipinaliwanag ni Alex Gonzaga ang dahilan kung bakit ayaw ng kanyang na si Mommy Piinty na magkaroon siya ng boyfriend na taga-showbiz hangga't maaari.

Pahayag ng Kapamilya actress-TV host, “Kasi yung showbiz, nakakaano siya, nakakalunod siya.

“Parang feeling mo, ito na ang mundo mo.

“Siyempre, kapag natrato ka nang ganito sa showbiz, expected na ganito rin ang treatment sa iyo outside, ganun talaga ang mundo natin.

“So, maganda rin na you have someone to ground your feet.

“Siguro nga, iniiwas lang nila sa competition or something.”

Bakit si Paul Soriano, na nasa showbiz at asawa ng kanyang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga, ay natanggap ng kanyang mga magulang?

Sabi ni Alex, “Pero magkaiba naman kami ni Ate, at direktor naman yun.

“At saka kami, natutunan na namin kung ano ang importance ng pagsunod sa mga magulang.

“Ako, nakuha ko na ngayon.

“Siguro, nung bata kami, hindi namin nakuha yun, pero ngayon, kuha na namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa presscon ng Wansapantaym Presents I Heart Kuryente Kid noong July 9.

STILL CLOSE. Sa puntong ito ay napag-usapan din namin ang ungkol sa closeness nilang dalawa ng kanyang Ate Toni.

Ngayong may asawa na si Toni, sa tingin ba ni Alex ay nabawasan o mas lalo pa silang naging malapit sa isa't isa?

Ayon sa 27-year-old actress-host, “Siguro nga, napag-usapan namin ni Ate, nung bumalik siya sa amin, na mas okey na magkahiwalay kami.

“Kasi nga, di minsan nagkakabuwisitan sa isa't isa, di ba? Miss na lang namin ang isa't isa.

“Minsan kasi, sa sobrang protective niya ay nagkakapikunan na kami.

“The last minute nga, nagkakapikunan pa kami, kasi sobrang protective niya talaga, e."

Dagdag ni Alex, “Kasi minsan, ang dami niyang side comments. Siyempre, comment back din ako.

“Tapos ngayon, nang mag-usap kami, ‘O, mas okey na ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, miss ko rin siya, 'no.”

Ngayong wala na sa poder nila si Toni, ibig bang sabihin nito ay mas malaya na siyang nakakagalaw ayon sa kagustuhan niya?

Sabi ni Alex, “Hindi naman yung totally independent.

“Sanay kasi ako na hindi ako pinakikialaman.

“Nung bata pa kasi ako, iniiwan nila ako sa mga tita ko, yung may sarili akong...

“Tapos, heto, nang lumipat ako sa ABS-CBN, yung nagkikita kami sa workplace, ang dami na niyang kuda, I mean, yung side comments.

“Ang ate ko, mas masahol pa siya kay Mommy Pinty...

"Oo, the term is mas masahol, kaya mas okey na talaga nang ganito.”

Malay ba niya kapag nagka-pamangkin na siya ay mapapako na sa iba ang atensiyon ng kanyang ate, o kahit ngayong ang oras ni Toni ay napupunta na sa kanyang asawa't trabaho?

Sabi ni Alex, "Sinasabi naman niya na, ‘Kapag magkaka-work tayo ngayon together, 'di na tayo magkakapikunan.’

“Kasi minsan sa work ay nagkakapikunan kami, e.

“Kasi nga, pag-uwi namin, magkahiwalay na kami, so enjoy na lang namin yung moment na magkasama kami.

“Hindi tulad noon na purgang-purga kami na, ‘Hay, magkikita na naman kami sa work!’

“Ngayon, kung magkita man kami sa work, excited na kami.

“At kung mapikon man ako sa kanya, di hiwalay ulit kami.

“At pag nagkita ulit kami, miss na miss namin ang isa't isa.

“Hindi tulad noon, magkikita na namin kami, magpipikunan na naman kami.

“So ngayon, di okey kami.”

Dinadalaw ba niya si Toni sa bagong tirahan nito?

Sagot ni Alex, “Oo, lagi 'yang nagpapadalaw sa bahay niya.

“Hindi pa rin kasi kumpleto mga gamit niya.

“Lalo na ngayong nasa shooting si Direk Paul, umuwi muna sa amin, 'tapos nagpapahatid naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN