Desiree del Valle confirms engagement to Boom Labrusca

Proud na ipinakita ni Desiree del Valle sa PEP ang kanyang engagement ring. Pero nilinaw ng aktres na wala pa silang planong magpakasal ng kanyang fiancée na si Boom Labrusca. “We don’t plan things like that. That’s why I keep on saying, madali lang kung gusto naming magpakasal.”


Kinumpirma ni Desiree del Valle na engaged na siya sa aktor na si Boom Labrusca.

Ipinakita pa nga ng aktres sa entertainment press ang suot niyang engagement ring nang pansinin ito ng press sa thanksgiving press conference ng Flordeliza ngayong Martes, July 14, sa 9501 Restaurant sa ELJCC Bldg., ABS-CBN compound.

“Para masasabi kong taken na talaga ako,” nakangting sabi ni Desiree.

Gayunpaman, naging matipid ang Kapamilya actress sa pagbibigay ng detalye sa kanilang engagement.

“Sa amin na lang 'yon,” sagot niya nang matanong kung kailan nag-propose sa kanya si Boom.

Nang tanungin kung nangyari ito noong nakaraang taon, sagot ni Desiree: “Three years na kami, di ba? Let’s say early on.”

Dagdag pa niya, “Hindi ako Christian, Catholic ako… I have friends who are Christians.

"They say, ‘If you’re really serious with the girl, hindi mo pahihintayin ng isang taon o dalawang taon o tatlong taon to ask her hand in marriage. If you really think this person is really right for you, gagawin mo agad.'"

Samantala, wala pa naman daw silang definite plans kung kailan magpapakasal.

Saad ni Desiree, “We don’t plan things like that.

"That’s why I keep on saying madali lang kung gusto naming magpakasal.

“Most probably it’s not gonna be a big thing kasi both of our parents are in the [United] States.

"Andun ang mommy ko, andun din ang mommy niya.

"So siyempre, if ever that happens, gusto namin na kami-kami lang.”

Hindi man daw nila isinapubliko ang kanilang engagement, alam daw ito ng kanilang mga kaibigan at kapamilya.

“Our friends know, pero hindi kami, ‘Hello, world!’

"We keep na ganun na talagang private and [different to] who we are in the public side, kung ano ang nakikita.

"[But] close friends and family know [about the engagement]."

Wala rin daw plano si Desiree na mabuntis bago magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ano ko talaga, kailangan kasal na muna. Kasi ganun din ang mommy ko,” sabi niya.

LAST FOUR WEEKS. Naging emosyonal naman si Desiree dahil last four weeks na ng Flordeliza, ang afternoon soap na pinagbibidahan nila nina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Carlo Aquino, at ang child stars na sina Red Bustamante at Ashley Sarmiento.

Aniya, naging attached siya sa mga kasamahan niya sa trabaho.

“We don’t feel it’s like work.

"Parang lagi lang kaming masaya sa set, pero siyempre pagdating ng trabaho, trabaho talaga.

“Ito talaga, totoong family talaga 'tong Flordeliza. Yun ang mami-miss ko.

“Nakahanap din ako ng newfound friends.

“Alam kong 'di ito magsa-stop dahil wala na yung show.

“Alam kong magtutuluy-tuloy pa rin ito kahit 'di na kami magtatrabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN