Jasmine Curtis-Smith not ready to fall in love again: “I just don’t think I can spare time and energy for that.”

Hindi pa raw handa sa bagong relasyon ang Kapatid star na si Jasmine Curtis-Smith, pero “in-love” naman daw siya sa ngayon. Sabi ng 21-year-old actress, “With my life, and with my work, and God, yes, I am very much in love. I am always in love.”


Halos pitong buwan na ang nakalilipas mula nang mag-break sila ng dati niyang nobyo na si Sam Concepcion, pero hindi pa raw handang umibig muli si Jasmine Curtis-Smith.

Hanggang ngayon, hindi pa rin daw siya nakikipag-date ulit.

Sabi ng 21-year-old Kapatid star, “I just don’t think I can spare time and energy for that. There’s the right time.”

Sa ngayon daw, ang "buhay" niya ang nagpapakilig sa kanya.

Banggit pa ni Jasmine, “Buhay ko. I mean, in general, kinikilig ako kasi ang daming projects na magandang pumapasok.

“Ano lang, I’m just generally and genuinely happy with where I’m going.

"Every day, I restart, and what do I mean by that is that, every day, [kung] happy ako sa ginagawa ko, I’m happy for that day.

“Kung palpak ako, okay, maiinis ako. Pero I’ll channel that into something new the next day.”

Pero may iba naman daw kinaiinlaban ang Kapatid actress ngayon.

Sabi niya, “With my life, and with my work, and God.

"Yes, I am very much in love. I am always in love.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa presscon ng fourth season opener ng Wattpad Presents: Unwanted Girlfriend, kasama ang Kapatid hunk na si Derek Ramsay.

Ginanap ang presscon nitong Martes, July 14, sa Mario’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

UNWANTED GIRLFRIEND. Masaya sina Jasmine at Derek na sa selebrasyon ng unang taon ng Wattpad Presents ay ang kanilang episode ang featured story.

Tatakbo sa loob ng dalawang lingo ang kanilang episode, taliwas sa nakasanayan nang tumatakbo lang ng isang linggo ang bawat episode ng Wattpad Presents.

Pero inamin ni Jasmine na noong malaman niyang magtatambal sila ni Derek, 38, sa isang Wattpad story, ay medyo nailang siya.

Alam daw kasi niyang may kilig na hatid ang show sa mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuya kasi ang turing ni Jasmine kay Derek, na una niyang nakasama sa Undercover noong 2013.

Sabi ni Jasmine, “Inisip ko na lang na trabaho ko ‘to, kailangan kong i-deliver yung kailangan sa akin.

"Kasi sayang, kasi sa akin in-entrust yung role, yung story, and this project.

“It could have been given to someone else, but it was given to me and Derek.

"So we have to give justice sa story by breaking the ice and making sure na makita nila kung ano yung isinusulat nung writer."

Sa trailer ng nasabing episode, medyo kinilig ang press sa role ni Jasmine bilang si MM, isang fashion model na mai-in love sa isang mas nakatatanda sa kanyang photographer na si Mikael (Derek).

Paano niya nagawa yung mga kilig na eksena nila ni Derek?

Tugon ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis, “Siguro, mas maraming makaka-relate kasi kung ano yung inisip mo, kunyari kinikilig ka sa tao, imbes na iisipin lang nung karakter ko, go siya, e, ipinapakita niyang kilig siya, e.”

Mapapanood na ang Wattpad Presents: Unwanted Girlfriend simula sa Lunes, July 20, 9 P.M., sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN