Vice Ganda advises Lea Salonga to ignore critics: “Dedma, sayang ang ganda!”

Sa pamamagitan ng Twitter, pinayuhan ni Vice Ganda ang Broadway Diva na si Lea Salonga na huwag na lamang pansinin ang mga bumabatikos sa kanya. Ito ay matapos mag-tweet si Lea tungkol sa kanyang naging pahayag tungkol sa isyu ng pagli-lip-sync ng singers o performers sa telebisyon.


“Naku, hayaan mo na sila, teh.”

Ito ang payo ni Vice Ganda kay Lea Salonga kaugnay ng mga batikos na natatanggap ng Broadway Diva dahil sa kanyang naging pahayag tungkol sa pagli-lip sync ng non-singers o performers.

May kinalaman ito sa tweet ng 19-anyos na singer na si Rhap Salazar na "hate" niya ang singers na nagli-lip sync sa TV.

Natalakay rin sa palitan ng tweets ni Rhap at ng kanyang mga kaibigan ang pagkakaroon ng music albums ng celebrities na non-singers, samantalang ang mga lehitimong singers daw ay hindi nabibigyan ng album.

Read: (UPDATED) Rhap Salazar clarifies he's not referring to James Reid and Nadine Lustre in his tweet about artists who lip-sync on TV

Sa magkahiwalay na panayam ay nagbigay ng opinyon sina Vice at Lea tungkol sa isyu.

Para sa kanyang panig, sinabi ni Lea na minsan ay nagkakasakit ang isang performer o singer kung kaya’t hindi maiwasang mag-lip sync ito.

"Kasi, as in all things, case to case din ‘yan," sabi pa ni Lea.


LEA CLARIFIES. Nitong Lunes, July 13, nag-tweet muli si Lea tungkol sa kanyang statement.

Hindi man idinetalye ni Lea kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang pahayag sa Twitter, malinaw na pagdedepensa ito sa kanyang naunang pahayag.

Mensahe ng The Voice of the Philippines coach, “Heto na naman. Ang sabi ko, CASE TO CASE. There are times na kelangang mag-lip sync. Sports events, shows where background noise is loud.”

Dugtong pa niya, “However, pag hindi naman kelangan, puwede ba?! Real singers under normal circumstances should not lip sync. Listen muna before judging.”

Samantala, pinayuhan naman ni Vice si Lea, sa pamamagitan din ng Twitter, na huwag na lang pansinin ang mga bumabatikos sa kanya.

Ani Vice, “Naku hayaan mo na sila teh. Minsan kahit anung simple ng chika mo di pa rin magegets nung iba. Dedma na sayang ang ganda! Haha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot si Lea at tinanong kay Vice kung gaano ba kahirap para maintindihan ang statement niyang “case to case.”

Nagpatawa naman dito ang It’s Showtime host at nagbiro na lamang na baka nakainom ng beer ang kritiko o mga kritiko kaya’t hindi naunawaan ang kanyang naging pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN