Krista Kleiner reveals separation from her husband; resumes singing career

Inamin ng dating beauty queen na si Krista Kleiner na hiwalay na sila ng kanyang Australian husband na si Patrick Grove. Sabi ni Krista tungkol sa paghihiwalay nila, “We tried to work it out. We really did. It’s just something that couldn’t be fixed at that point.”


Hiwalay na ang beauty queen-singer na si Krista Kleiner sa kanyang Australian-Singaporean-Chinese husband na si Patrick Grove.

Inamin ito ng Bb. Pilipinas-International 2010 sa panayam niya sa 24 Oras ng GMA Network na ipinalabas kagabi, July 14.

Ikinasal sina Krista at Patrick noong November 4, 2013 sa isang civil ceremony sa Santorini, Greece.

Ngunit ngayon ay annulled na ang kasal nila.

Si Patrick ay isang Internet and new media entrepreneur and investor naka-base sa Asia. Co-founder and chief executive officer din siya ng Catcha Group.

Sinabi ni Krista ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Patrick.

“We had some disagreements.

“Things happened that I felt really shouldn’t happen in one appropriate… to be happening in a marriage.

“We tried to work it out. We really did.

“It’s just something that couldn’t be fixed at that point.”

BACK TO HER FIRST LOVE. Ngayon ay susubukan daw ni Krista na balikan ang kanyang first love, which is singing and performing.

Muli siyang magsisimula sa career na ipinagpalit niya dahil sa kanyang pag-aasawa.

Dahil sa sakit na kanyang naranasan sa pakikipaghiwalay sa asawa, ginagamit niya raw ito ngayon para makapagsulat ng mga kanta.

Kung matatandaan ay naging mentor pa noon ni Krista sa kanyang singing career ang Black Eyed Peas member na si Taboo, na nakilala niya sa isang music festival sa Malaysia.

Pahayag pa ng 26-year-old former beauty queen, “I will be following up some really cool contacts of mine.

“I am taking voice classes, writing, recording. I’m taking acting classes.

"I am working with a team and co-producing a technology show."

Unang nakilala si Krista bilang Krissa Mae Arrieta sa GMA game show na Go Bingo kunsaan host si Arnell Ignacio.

Hanggang sa pinasok ni Krissa ang pag-arte at lumabas siya sa telefantasya na Darna at isang episode ng dating drama anhology na Obra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-link siya sa aktor na si Polo Ravales, sa Survivor Philippines castaway na si Kiko Rustia, at sa singer na si Jay-R.

Na-cut short ang acting at singing career ni Krissa dahil sumali siya sa Binibining Pilipinas noong 2010, kung saan nakuha niya ang title na Bb. Pilipinas-International.

Dito na niya pinalitan ang kanyang pangalan to Krista Kleiner.

Ka-batch ni Krista sa Binbining Pilipinas si Venus Raj, na naging 4thrunner-up sa Miss Universe noong 2010.

Nakasama naman sa Top 15 ng Miss International si Krista at nakuha niya ang special awards na Best in Swimsuit and Best in Talent.

Noon pa man ay pinangarap na ni Krista na magkaroon ng international singing career, at masuwerte nga siyang nakasama sa tour ni Julio Iglesias noong 2010.

Nakapag-perform si Krista sa Australia, Malaysia, Japan, Hawaii, New York, Las Vegas, at Canada kasama ang sikat na Spanish singer.

May nagawa ring album si Krista under Universal Music Philippines at nai-launch pa niya ito sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pinalitan niya ulit ang kanyang screen name to Krista K.

Bilang si Krista K., nag-front act siya sa Warrior Tour ng singer na si Ke$ha sa Malaysia.

Nakapag-perform din siya kasama ang mga sikat na recording artists sa buong mundo sa 1 World Music Festival sa Singapore at We Love Asia sa Malaysia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN