Jasmine Curtis-Smith on Derek Ramsay: "He knows how to humble himself down and make sure he relates to everyone."

Kahit na may hatid na kilig ang pagsasamahan nilang Wattpad episode, mas pinili nina Jasmine Curtis-Smith at Derek Ramsay na walang eksenang halikan sa Unwanted Girlfriend. Hindi pa rin daw handa ang young actress sa mga ganitong klaseng eksena.


Ni-request daw ni Jasmine Curtis-Smith na walang kissing scene ang Wattpad episode nila ni Derek Ramsay na Unwanted Girlfriend.

At 21, hindi pa raw siya handa sa mga ganung klaseng eksena.

Paliwanag pa ng Kapatid star, “Actually, I’m not so sure when I’ll be ready.

“Actually, it’s not so much when, but what is the right material to do it.

"And if it’s really necessary, if I feel that I should do it, then I do it.

“But if it doesn’t call for it, for the character, or the storyline, why waste that, you know?

"I mean, I am an actress and I should be able to do that without having to think twice because I’m just acting.

“It’s just kissing for acting. But if it doesn’t call for it, why waste it?”

Ito na ang pangalawang beses na nagsama sina Jasmine at Derek sa isang proyekto. Una, noong taong 2013 sa Undercover series ng TV5 din.

Ano ba ang kanyang mga natutunan mula sa itinuturing niyang kapatid?

Ani Jasmine, “For me, what I learned from Derek is that no matter how long you’ve been in the industry, you have to keep your feet on the ground.

“Derek, when we were taping, he would shuttle back and forth from shooting a movie, taping for Wattpad, doing endorsement shoot, commercials.

"And not once did he ever say na, ‘Pagod na ako, na hindi ko na kaya.’

“You know, he would be able to find the energy to complete a scene, he has time to find a rest, and time to entertain other people, to talk to others na walang, ‘Pagod ako, huwag niyo ako istorbohin.’

"Hindi siya ganun.

“He knows how to humble himself down and make sure he relates to everyone.

“It’s not just about how much do you have, but it’s what you do back and how you cherish what you have."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Jasmine sa pocket presscon ng Wattpad Presents: Unwanted Girlfriend, kahapon, July 14, sa Mario’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Mapapanood na ang naturang episode simula sa Lunes, July 20, 9 P.M., sa TV5.

FIRST THEATER PRODUCTION. Bukod sa paggawa ng mga proyekto sa pelikula at telebisyon, abala rin ngayon si Jasmine ngayon sa kanyang kauna-unahang pagsabak sa teatro.

Masayang kuwento ng aktres, “It’s my very first official and professional theater production.

"It’s called No Filter, Let’s Talk About Me.

“It’s a series of monologues about millennials, for the millennials and by the millennials.”

Ang millennials ay ang tinatawag na 'Millennial Generation' o 'Generation Y'—ang kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan.

Marami raw tatalakayin sa play, kasama na ang pagsikat ng social media at ang mga hinaharap na problema ng mga kabataan.

Dagdag pa ni Jasmine, “So, lahat siya, problema naming mga millennials, yung generation namin.

"Relevant siya sa lahat ng tao and it’s a way to introduce ourselves to the previous generations. So they can understand us.

“Kasi, di ba, ang nakasanayan namin ngayon ay lahat ng mga magulang, laging sinasabi, ‘Alam mo, anak, noong panahon namin…’

“So, kami naman, okay, makikinig kami, pero makinig din kayo sa amin.

"Parang we want the understanding to happen between all the generations."

Sa huling linggo ng Hulyo mapapanood ang No Filter: Let's Talk About Me sa RCBC Theater.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN