Renz Fernandez denies he is courting Sheena Halili: "Hindi yata ako marunong manligaw... bano ako dun.”

Renz Fernandez says he is willing to do bold roles, if necessary, go bald even, that’s how much he loves his profession, “Singmahal ko sa buhay ko siguro.”


Nilinaw ni Renz Fernandez ang balitang nililigawan daw niya si Sheena Halili.

Pahayag ng bunsong anak ni Lorna Tolentino at ng yumaong si Rudy Fernandez, “Magkaibigan kami ni Sheena, magkaibigan kami....

"Hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami.

“So, ayun, kinikilala ko lang siya...

"E, medyo busy siya, busy rin ako. Pero pag may time naman, nakaka-hang out pa rin kami.”

Sa pagkakataong lumalabas sila, hindi naman daw silang dalawa lang.

“Usually may kasama kaming mga friends, ganun… ano kami, e, cool kami nun.”

Hindi raw niya nililigawan si Sheena, pero inamin ni Renz na type niya ang aktres.

“Maganda at napakabait na babae, napaka-conservative, gustung-gusto ko yun.

“Conservative! Nakakagulat nga, ‘tapos spiritual siya… napaka-pure na babae.

“Kaya naa-appreciate ko siya dahil dun.”

Bakit hindi niya ligawan si Sheena?

“Hindi ko alam... hindi yata ako marunong manligaw, e, bano ako dun.”

Hindi ba niya namana sa kanyang yumaong ama ang pagiging matinik sa babae?

Sabi ni Renz, “Hindi ko naman kay Daboy yung ano... yung kagalingan niyang manligaw

“Marami naman akong namana rin, siyempre hindi naman puwedeng mamana lahat.

“So ayun, may weakness rin ako, may strengths, so ayun.”


LOVING IT. Kasali si Renz sa cast ng long-running afternoon soap ng GMA Network na Yagit.

Banggit niya, “Na-extend na kami ng mga maraming weeks.”

Pagkatapos ng Yagit, ano ang plano niya—trabaho uli agad o magpapahinga muna siya?

Sagot ni Renz, “Depende sa GMA ‘yan kung gusto nila akong pagpahingahin.

“Pero kung may free time ako, mag-e-exercise ako at aayusin ko yung dating ko para dun sa next role kung anuman yun.

“Kung kailangan kong magpataba, magpapataba ako.

“Kung kailangan kong magpakalbo, magpapakalbo ako.

“Kung ano ang kailangan nung character, iyon ang gagawin ko.”

Mahal daw ni Renz ang propesyon niya bilang artista, “Singmahal ko sa buhay ko siguro.”

Dagdag pa niya, “Kung wala yun, wala na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SIBLING REVELRY. Ano ang masasabi niya sa opinyon ng iba na mas may karapatan siyang mag-artista kaysa sa kuya niyang si Rap Fernandez, na kasama naman sa cast ng Pari 'Koy?

“Hindi ko ikinatutuwa yun dahil yung kapatid ko, inspirasyon sa akin yun.

“Magaling siya sa akin... sa acting siguro baka mas magaling ako sa kanya,” at tumawa si Renz.

“Pero hindi n'yo dapat sabihin na ganun dahil may sariling genius yung kapatid ko.

“Genius yun, magiging magaling talaga yun, as in alam niya, alam niya.

“In fact, idol ko nga siya sa katalinuhan niya…mahal na mahal ko yun.”

Kumusta naman sila ng half-brother niyang si Mark Anthony Fernandez?

“Si Kuya Mark, nakuha ko na yung number niya, pero hindi ko pa nate-text... nasa Let The Love Begin siya.”

Parehong nasa bakuran ng Kapuso network sina Renz, Rap, at Mark.

Bakit ngayon lang siya nagkaroon ng cellphone number ng kuya niya?

“Nagpapalit-palit ng number si Kuya, alam n'yo naman yun.

“May na-meet akong isang talent coordinator, kakilala daw niya, tinext niya sa akin yung number.

“Inihahanda ko lang kasi ang tagal naming hindi nag-usap…”

Hindi sila madalas magkita ni Mark?

“Last year yata kami huling nagkita, nag-swimming pa kami, iyon yung bonding namin, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN