Meg Imperial downplays comparison to Ellen Adarna: "If hindi man ako agad-agad, it’s not yet my time."

Meg Imperial’s career at ABS-CBN has slowed despite her contract with the network. Her comment: “Siguro may fault rin siguro ako dahil nag-gain ako ng weight."


Wala pa ring follow-up project si Meg Imperial sa ABS-CBN pagkatapos ng pinagbidahan niyang late afternoon series na Moon of Desire.

Ayon kay Meg, “Puro movies muna ang ginagawa ko, like yung with Star Cinema and Viva Films, Ex With Benefits with Coleen Garcia and Derek Ramsay.

“And yung Chain Mail… yun muna ang pinagkakaabalahan ko and some guestings sa ABS.”

Hindi ba siya naiinip na wala pang regular project ang Kapamilya network para sa kanya?

Sagot ng Viva star, “Siguro may fault din siguro ako dahil nag-gain ako ng weight.

“Nagiging positive naman ako na meron pa rin silang ibibigay dahil I’m under contract with them.”

ELLEN ADARNA. Ano naman ang masasabi niya sa comment ng iba na mas umalagwa ang career ni Ellen Adarna matapos silang magsama sa Moon of Desire?

Tugon ni Meg, “Well, she deserves it dahil pinaghirapan niya 'yon.

"And siguro naman, sa tagal niya na rin, from GMA to ABS, deserve niya na rin and masipag naman siya.

"I’m happy for her.”

Tampok si Ellen sa Pasion de Amor ng ABS-CBN at isa rin sa mga frontliner underwear endorser ng Bench.

Wala ba namang disappointment sa part ni Meg?

Tugon niya, “Siguro not because of her, but because of myself.

“Wala akong isinisisi sa iba na mas umangat siya ‘tapos bakit ako hindi.

“Siguro sa sarili ko yun, if hindi man ako agad-agad, it’s not yet my time.”

Ano pa ba ang mga ginawa niyang pagbabago sa sarili maliban sa pagwu-workout?

“Well, of course, yung talent ko, mas ini-enhance ko pa.

“I also do voice lesson ngayon para, at least, hindi lang ako pang-acting and dancing, kundi puwede rin akong kumanta.

“Sinasabi sa akin ng Viva na, 'Make sure na magpaganda ka nang magpaganda ulit para mapa-wow sila.'

“So, sabi ko, I’ll make sure na gagawin ko ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FHM SEXIEST WOMEN. Samantala, patuloy pa rin ang pagsuporta ni Meg sa taunang FHM 100 Sexiest Women of the World show.

Rumampa ang Kapamilya actress sa nakaraang victory party ng FHM na ginanap noong Sabado, July 11, sa SMX Convention Center.

Bagamat hindi siya ang number one at wala siya sa Top 10, nakibahagi pa rin si Meg.

Pangatlong FHM show na raw niya ito.

Paliwanag ng sexy actress, “Natutuwa ako sa kanila dahil sobrang bait nila and supportive sila sa akin… why not support din naman.

“It’s a good exposure din sa akin para makita nila from chubby last year, medyo bumabalik uli na rin ako sa dati kong figure.”

Hindi kaya magsawa sa kanya ang mga tao dahil sa tatlong magkakasunod na taon din siyang part ng FHM victory party?

Sabi ni Meg, “Hindi naman siguro.

"I’ll make sure na every year, meron naman akong ipapakita sa kanila."

Isa nga raw sa mga bagong ipinakita ni Meg ay ang kaseksihan niya ngayon.

Proud pa niyang sabi, “Kasi last year medyo nag-gain ako ng weight. This year, medyo nag-tone naman ako.

“Unti-unti na-achieve ko yung body na gusto ko at naipakita ko naman sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN