Erik Santos-Angeline Quinto relationship still a guessing game

Erik Santos on relationship status with Angeline Quinto: "We take our time, we take our time. Whatever we have right now, sobra po kaming kumportable... Ayaw din namang ma-mislead yung mga tao, na hindi naman talaga kami, ’tapos sasabhin naming kami."


Aminado ang "King of Themes Songs" na si Erik Santos na nasa tamang edad na siya upang magkaroon ng sariling pamilya, at hindi malayong mahantong sa kasalan kung sakaling magpakaseryoso na siya sa kanyang lovelife.

Sa ngayon, ang rumored girlfriend niya ay ang "Queen of Theme Songs" na si Angeline Quinto.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa nila inaamin ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Magsasama ang dalawa sa isang back-to-back concert na may titulong Erik Santos and Angeline Quinto at the Araneta Coliseum, sa August 15.

Hot topic ang relasyon ng dalawa nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media si Erik sa presscon para sa concert nila ni Angeline, na ginanap sa Felicidad Mansion, sa Roosevelt Ave., Quezon City, kahapon, July 14.

Ayon sa 32-year-old Kapamilya singer, "Hindi ko naman maikakaila at maitatanggi na I'm of age na rin, 'di ba?

"Pero siyempre, dapat, it should be a mutual decision.

"So, alam ko naman na marami pa ring gustong gawin si Angeline sa career niya, sa pamilya niya. Naiintindihan ko yun.

"For me, wala ako doon sa pag-aasawa dahil sobra kaming nag-e-enjoy, sobra naming ini-enjoy yung time namin together.

"Yung mga naiisip ko, bago ko pa man sabihin sa kanya, naiisip na niya, so enjoy lang muna."

Nasaan na ang antas ng kanilang relasyon? Ano pa ba ang kulang para magkaaminan kung sila nga ba talaga o hindi?

Sabi ni Erik, "We take our time, we take our time.

"Whatever we have right now, sobra po kaming kumportable, kung anuman meron kami.

"Ayaw din namang ma-mislead yung mga tao na hindi naman talaga kami, 'tapos sasabhin naming kami.

"Kumbaga, sobra lang kaming masaya kapag magkasama and sobra kaming kumportable sa isa't isa."


FUNNY GIRL. Ano ang magandang qualities ni Angeline na hanggang ngayon ay sobra niyang hinahangaan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Erik, "Ako, sobrang dami niyang qualities na gustung-gusto ko.

"Pero yung pinaka, sobra niya akong napapatawa... sobra niya akong napapasaya, in all aspects.

"Alam mo yun, kahit hindi siya nagpapatawa, kahit hindi niya gustong patawanin ako, napapatawa ako."

Nabanggit naman ni Angeline na mayroon siyang hinihintay para sagutin na niya si Erik. Ano ba nga yun?

Nakangiting sabi ni Erik, "Sa amin na lang yun, very personal."


PAST IS PAST. Sa puntong ito ay napag-usapan ang tungkol sa diumano'y pagseselos ni Erik kay Coco Martin, na makakasama ni Angeline sa TV remake ng Ang Probinsyano.

Minsan nang naugnay sina Angeline at Coco noong ginawa nila ang pelikulang Born To Love You.

Depensa naman ni Erik, "Hindi naman sa nagseselos.

"Parang nag-ano lang ako nang malaman ko before na magkakaroon sila ng project together.

"So, parang, 'Ay, ganun, so every day magkakasama sila?'

"Parang katanungan lamang… normal naman na maka-feel nang ganun, maka-feel ng selos."

Aminado si Erik na kaselos-selos si Coco.

"Oo naman, alam naman nating lahat na si Coco ay isang maginoo.

“Inaalalayan niya, I've heard, ang lahat ng leading ladies niya.

“Pero for me, natural lang naman yun, 'di ba?"

Napag-usapan naman daw nila ito ni Angeline, maging ang sinasabing dating regalo ni Coco na necklace para sa singer-actress.

Pero sabi ni Erik, "Okey lang yun, past is past, you can't compete with past."

IN CONCERT. Ano naman ang pakiramdam ni Erik na sa tagal-tagal nilang nagdu-duet ni Angeline sa maraming shows, ngayon lang sila magkakasama sa isang malaking concert?

Pahayag niya, "Sobrang masaya po dahil pareho naming dream ito, lalo na ako na I'm really living my dreams ngayon.

"Ang galing-galing naman talaga niya.

"Marami na nga kaming pinagsamahan sa out-of-town shows, sa provinces, sa ibang bansa.

"Marami kasi ang nagsasabi sa amin na bakit hindi kami magkaroon ng isang major solo concert sa Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi marami ang nagsasabi na maganda ang chemisty namin on stage.

"Kaya nga sobra ang pasasalamat namin sa Cornerstone sa tiwalang ibinigay nila sa aming dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN