Melissa Ricks no longer affected by weight critics: “It’s been a struggle for so how many years for me.”

Ayon sa aktres na si Melissa Ricks, sinimulan na niya ang pagpapapayat bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik-showbiz. “When I come back, I also want to be better than I was before, kasi syempre I’m a mother now.”


Nilinaw ni Melissa Ricks na madalang siyang gumawa ng proyekto ngayon, hindi dahil mapili na siya sa mga roles kundi kailangan niyang ikunsidera ang pagiging ina sa kanyang six-month-old daughter na si Kiera Kelly.

Huling napanood si Melissa sa isang episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Mayo, kung saan nakasama niya ang dating ka-loveteam na si Matt Evans.

Saad ng Star Circle Quest alumna, “Meron akong offers na mag-MMK, mga iba pang shows na mga guestings.

"Pero hindi lahat tinatanggap ko kasi I don’t have a yaya.

“I have my yaya, pero si Kiera doesn’t have a personal yaya.

“I take care of her, my boyfriend takes care of her.

“Namimili ako kasi mahirap iwan ang bata mag-isa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Melissa sa launch ng Chicken Pork Adobo sa ABS-CBN compound nitong Miyerkules, July 15.

Ang Chicken Pork Adobo ay isang multi-channel network na nagtataglay ng 90 YouTube channels na tumatalakay sa iba’t ibang paksa; gaya ng fashion, lifestyle, entertainment, food, parenting, at marami pang iba.

Kabilang dito ang YouTube channel ni Melissa na tumatalakay sa parenting at “everything under the sun.”


ON WEIGHT ISSUE. Sabi pa ni Melissa, gusto niyang maging handa sa kanyang pagbabalik-showbiz.

“When I come back, I also want to be better than I was before, kasi syempre I’m a mother now.

“Marami ang nagbago sa akin, pati appearance ko.

"I want to get rid of the extra weight that I gained. I want to be ready when I come back.

“Ayoko naman na pagbalik ko ay walang pinagbago, gusto ko may impact pa rin ang pagbabalik ko.

“So, maybe in a year or whenever I’m ready to leave Kiera sometimes.”

Katunayan nga raw, sinimulan na niya ang pagpapapayat.

“I actually started na, I am on a diet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ve lost 7 lbs. in nine days, which was supposed to be 15 [lbs.] pero I’m glad... 7 lbs. is a lot.

“I’m continuing to do that and then, after a month of this, I’m gonna start exercising.

"So, I’m starting the process.

“Kasi six months na si Kiera, naiiwan-iwan ko na nang konti.

"So, hopefully, magtutuluy-tuloy na siya."

Hindi na rin daw naaapektuhan ang Kapamilya actress kung may pumupuna sa kanya dahil sa timbang niya.

“Ako naman, for the past four-five years, ‘yan ang bina-bash sa akin ng tao, [that] I gained weight.

“It’s been a struggle for so how many years for me.

“Nung una, nasasaktan pa ako.

“This time, parang I have such a great blessing. I gained 40-50 lbs. when I was pregnant and I have such a beautiful baby.

"Why will it affect me now? I have such a big blessing in my life.

“Siguro pagbalik ko at payat na ako, wala na silang masasabi. Just wait for it na lang.”


ON MARRIAGE AND MOTHERHOOD. Hindi pa ba sila magpapakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend at ama ng kanyang anak na si Charles Togesaki?

Nakangiting sagot ni Melissa, “Wala pang proposal, e.

“Siguro in God’s time, kasi hindi naman kami nagmamadali.

“Now everything is fine, 'tsaka mahirap isabay.

"Having a kid is not a joke. You have to save, you have to work, you have to learn what to do with the baby.

“Ibang mundo talaga, it makes you a more responsible person lalo.”

Hanggang sa ngayon daw ay nag-a-adjust pa rin siya sa kanyang bagong buhay.

“Before, everything was about me, lahat ng kinita.

“Ngayon, everything I do revolves around my baby.

"Every decision I make, kinu-consider ko muna yung bata," sabi ni Melissa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN