Brazilian Daiana Menezes bent on becoming a Filipino citizen

Daiana Menezes: "I’m a permanent resident, but I am willing so much to become a Filipina, as long as [it’s] dual [citizenship]—as long as I can keep both passports—Brazilian and Filipino."


Pursigido ang Brazilian model-actress na si Daiana Menezes na maging Filipino citizen.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng FHM 100 Sexiest Women of the World victory party noong Sabado, July 11, sinabi ni Daiana na gaya ng kapwa-Brazilian na si Daniel Matsunaga, gusto niyang magkaroon ng Brazilian and Filipino passports.

"I’m a permanent resident, but I am willing so much to become a Filipina, as long as [it’s] dual [citizenship]—as long as I can keep both passports—Brazilian and Filipino.

“I don’t know about Danny [Daniel Matsunaga]. But hopefully, he’ll get it too.”

Papayag ba siyang i-surrender ang Brazilian passport kung sakaling hindi pumayag ang Philippine immigration?

Sagot niya, “Sa Brazilian passport kasi, you have so many entries and sayang.

"Yun nga lang, love ko talaga'ng Philippines.

"But if I’m so in love, I might just consider [surrendering my Brazilian passport]."

Anytime soon na ba ang pag-a-apply ni Daiana ng Filipino citizenship?

“Yeah, soon,” sagot niya.


SHOCKING COSTUME. Ginulat naman ni Daiana ang mga nanood ng FHM 100 Sexiest Women of World victory party dahil sa suot niyang revealing lace bikini.

Isang makitid na tela lang ang tumatakip sa kanyang kaselanan, at T-back din ang cut nito.


Sabi ni Daiana tungkol sa kanyang revealing outfit, “Actually, biglaan. My costume was like last minute.

"So, no stockings, no whatsoever.

"So I was, like, how can I look? I don’t know."

Ayon pa kay Daiana, may requirements ang production ng show sa kanilang mga modelo.

“Kasi kanina, sinabi sa 'min, ‘Okay, we have to wear something pink, something colorful.’

"Anong gagawin namin? So, it was like last minute.

"No stockings, no whatsoever. Oh my God!

"I hope I would look good on stage. Sana, it did. Sana.”

Nagpasalamat naman si Daiana sa mga pumuri sa kanyang total look sa stage. May nagsabi pang para siyang si Ariana Grande.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN