Anne Curtis not in a hurry to settle down: “Hindi rin naman uso sa mga babae, lalo na sa mga career-driven.”

Anne Curtis on taking her time before settling down: “Darating din naman ’yon. I think in God’s right time, darating din naman ’yon. Hindi naman kailangan agad-agad. Kasi, naalala ko dati, noong bagets ako, ’Ay, naku, 27 or 25.’ When you reach 27, you’ll realize, ’I’m not yet ready.’”


Business partners na rin ngayon ang magkasintahang Anne Curtis at Erwin Heussaff.

Sina Anne at Erwan ay kabilang sa shareholders ng Xeleb Inc., isang mobile games company na ginawa ng Xurpas Inc.

Sa ginanap na launch ng bagong mobile game application na Anne Galing, nitong Miyerkules, July 15, ikinagulat ni Anne ang tanong kung may balak na silang magpakasal ni Erwan

“Games, napunta sa kasal?” natatawang sabi ng actress-TV host.

Pero sinabi rin ng It's Showtime host na wala pa sa plano nila ang magpakasal dahil abala pa sila sa kani-kanilang career.

“Not yet siguro.

“I think we're both in a stage na nae-enjoy pa namin yung things that we can do witthout having to be engaged muna.

“At saka hindi rin naman uso sa mga babae, lalo na sa mga career-driven.”

Pero dagdag ni Anne, “Darating din naman 'yon. I think in God's right time, darating din naman 'yon.

“Hindi naman kailangan agad-agad. Kasi, naalala ko dati, noong bagets ako, 'Ay, naku, 27 or 25.'

“When you reach 27, you'll realize, 'I'm not yet ready.'”

Sa ngayon, masaya raw si Anne na maayos ang relasyon ng pamilya niya at ng boyfriend niyang si Erwan.

Bukod kina Anne at Erwan, kabilang din sa shareholders ng Xeleb sina Isabelle Daza at Kim Atienza.

Magkakaroon din sila ng kani-kanilang version ng mobile game application.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN