Benjamin Alves not jealous of Kean Cipriano over Chynna Ortaleza

Not true that Benjamin Alves has been warming the bench since Danding ended last November. "Marami naman po kaming shows na iba, e. ‘Tapos kaka-sign ko lang po ng bagong kontrata sa GMA, three years," he says.


Na-link noon sina Benjamin Alves at Chynna Ortaleza.

Pero ngayon nga ay si Kean Cipriano ang sinasabing espesyal na lalaki sa buhay ni Chynna.

Ano ang nangyari sa kanila, bakit hindi natuloy ang napabalitang panliligaw ni Benjamin kay Chynna?

“Kasi hindi naman totoo yun!” ang tumatawang paglilinaw ni Benjamin.

“Kahit dati, yung nagiging close kami, e, alam ko naman na nanliligaw si ano.”


Ganoon sila ka-close ni Chynna na alam niya ang mga nangyayari dito?

“Oo, kahit naman hanggang ngayon, nag-meet lang kami the other day, kami ni Chynna 'tsaka ni Glaiza [de Castro].

“Pag busy sila, minsan dumadaan ako sa taping nila [ng The Rich Man’s Daughter].

“Kami ni Chynna, mga unang kaibigan ko 'yan sa GMA, wala po akong hinanap sa kanya na more than friends... iyon talaga yun.”

Bakit hindi niya niligawan si Chynna?

“Kasi talagang malapit sila sa akin, ‘di ba, nagkasama kami sa Dading.

“And before that, magkaibigan talaga kami ni Chynna tsaka ni Glaiza."

Boto naman daw si Benjamin kay Kean para kay Chynna kahit hindi pa sila nagkakakilala.

Wala raw time si Chynna na lumabas at si Benjamin naman ay nagsimula na sa Beautiful Strangers.

“So, hindi pa nagkakataon, pero mangyayari naman yun.”


WHY NOT GLAIZA? Parehong loveless sina Benjamin at Glaiza, bakit hindi si Glaiza ang ligawan niya?

“Oo nga, ‘no?” sakay naman ni Benjamin.

Si Benjamin pa nga ang nagbigay ng title ng album ni Glaiza na Synthesis. Baka naman si Glaiza pala ang pinupuntirya niyang ligawan?

“Hindi naman!” at tumawa ang binata.

“Kung balak kong ligawan si Glaiza, siya na ang unang makakaalam nun.

“Hindi naman masama kung liligawan ko, basta siya ang unang makakaalam nun.

“Hindi naman masama, pareho naman kaming single.”

Ikinatuwa naman ni Benjamin na ang pinili ni Glaiza na titulo ng album nito ay sa kanya nanggaling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, e, sana next time ano naman... kanta naman.”

Pero hindi pa raw nakakapagsulat ng kanta si Benjamin.

“Pero sana ganun naman ang collaboration namin, gumawa ng kanta.”


BUSY. Pagkatapos ng Dading ay anim na buwang napahinga si Benjamin. Sa July 27 pa ang airing ng bagong primetime series niya sa GMA na Beautiful Strangers.

Hindi ba siya nainip?

Tugon niya, “Hindi naman po kasi November kami natapos, November umalis po ako.

“December, ang dami ko pong trabahong pumasok, marami naman po kaming shows na iba, e.

“Nakapag-guest pa ako sa Hiram Na Alaala, may workshops kami nung March.

"So, hindi naman, hindi naman ako nawawalan.

“Tapos kaka-sign ko lang po ng bagong kontrata sa GMA, three years.”

Co-managed ng GMA at ni Jonas Gaffud ng Mercator Artist & Model Management si Benjamin.

Ayon pa sa aktor, “So, siguro naghihintay lang po talaga sila ng magandang project at ito, magandang-maganda po talaga itong Beautiful Strangers.

“Marami akong kasama na wini-wish ko dati na makasama ko.

“Si Lovi [Poe], si Heart [Evangelista], Tito Boyet [Christopher de Leon] pa, ‘tapos si Miss D [Dina Bonnevie].

“So, wala po akong reklamo, wala na akong mahihiling pa.”


NOT ENVIOUS. Speaking of Mercator, may isyu na paborito raw ni Jonas ngayon si Ken Alfonso, at naiinggit daw rito ang ibang male talents nito.

“Naku, hindi naman,” pagtanggi ni Benjamin.

"Siguro kasi, kay Ken, nung bagong pasok niya... Lagi namang ganun, pag bago, kailangan mong tutukan, 'di ba, kasi kailangan mo ng konting push.

“Ganun talaga, nung pumasok ako, ganun din yung ano, e, ganun talaga pag nagsisimula.

“Pag may bagong shows naman yung mga iba, ganun din naman, e, tinututukan.

“Pero nasa sa kanila na rin yun bilang aktor at bilang talent na mag-workshop, maghanap ng gagawin, ‘di ba?

“Kasi mahirap naman yung kay Jonas lahat aasahan yung buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi naman job ni Jonas magbigay ng buhay o projects ang ano niya, e.”

Hindi raw siya nagseselos kay Ken.

“No, no, support naman... so wala po, wala po, wala naman.

“Kapatid naman ang turing ko sa kanila, sana naman ganun din ang tingin nila sa akin.

“At wala akong nakikitang ganun, na may favoritism sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN