Derek Ramsay reveals he has no contact with son Austin since last Christmas

Pasko noong nakaraang taon pa raw huling nakausap at nakita ni Derek Ramsay ang kanyang anak na si Austin Gabriel. Ayaw namang magsalita ng aktor kung nasunod ba ang mga pinag-usapan nila ng estranged wife niyang si Mary Christine Jolly sa court settlement nila noong October 2014.


Medyo napabuntung-hininga si Derek Ramsay nang matanong kung nakapag-bonding na ba sila ulit ng kanyang anak na Austin Gabriel.

“Unfortunately, no. He’s in school, in Dubai.

"And I haven’t heard much from them.

"So, gotta wait, be patient and hopefully, one day, I’ll get that phone call or that text," medyo malungkot na sagot ng Kapatid star.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa launching ng bagong produkto ng Tanduay, ang Tanduay Select, Miyerkules ng gabi, July 15, sa Raven Bar, The Fort, Taguig City.

Nag-effort ba siyang gumawa ng paraan upang makausap ang anak?

Sagot ni Derek, “I text, I text all the time. I always text.

"Wala, wala pang sagot. Uhm, just be patient.

"I can’t rush this, all this situation."

Ilang buwan na ba silang hindi nagkikita?

“Since Christmas.”

Nasunod ba ang mga nakasaad sa naging settlement nila sa korte ng estranged wife niyang si Mary Christine Jolly kaugnay ng custody ni Austin?

Iwas ni Derek, “Huwag na nating pag-usapan yun.”

Matatandaang naging mainit na usapin ang court battle sa pagitan nina Derek at Mary ngunit nauwi rin ito sa settlement noong October 2014.

Sa sala ni Judge Cris Sulit ng Branch 140 ng Makati Regional Trial Court natapos ang alitan ng dalawa sa pamamagitan ng isang settlement kung saan sinabi ng Huwes na: “Derek and Mary entered into a compromise agreement for the sake of their son Austin.”

Read: FIRST READ ON PEP. Derek Ramsay and Mary Christine Jolly settle differences for the sake of son Austin


EX WITH BENEFITS. Ngayong araw, July 16, sasabak naman si Derek sa shooting ng pelikulang Ex With Benefits kasama si Coleen Garcia.

Patapos na raw ang pelikula at nakunan na rin ang mga maseselang eksena nila ni Coleen.

Katulad ba ng No Other Woman nila nila Anne Curtis ang kaseksihan niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sagot ni Derek, “Gaano ka-sexy? Well, Coleen is very sexy.

"First time niya ‘ata gumawa ng mga role na ganito but she’s very comfortable and she was… she didn’t look like she was nervous.

“Mga ka-level ng No Other Woman ang kaseksihan.”

Sa No Other Woman (2011) ay nagpakita ng puwet si Derek. Pero ayaw sabihin ng aktor kung ano pa ang ipinakita niya sa Ex With Benefits.

Masaya ring ibinalita ni Derek na baka mag-cameo siya sa pelikula nina Jennylyn Mercado at JM de Guzman para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 entry na Walang Forever.

Nagkasama sina Jennylyn at Derek sa English Only, Please, isa sa blockbuster movies noong MMFF 2014 kung saan nanalo pa si Derek bilang Best Actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN