AJ Dee to quit showbiz and migrate to Norway: "I’m willing to give it up dahil sa family."

AJ Dee on his decision to leave showbiz: "Yung showbiz, yung acting, yun ang passion ko, e. Parang iyon ang minahal kong trabaho and parang wala naman akong alam na ibang gawin, e. Although nagta-try ako ngayon… may business naman ako, ganyan, and then may blog naman ako about fashion. So, mayroon naman akong fallback. Pero iyon ang minahal ko, yung acting. At ngayon, I’m willing to give it up dahil sa family. I think everyone can relate when it comes to family


Desidido na raw si AJ Dee na ituloy ang pagma-migrate sa Norway kasama ang kanyang Filipino-Norwegian wife na si Olga at ang dalawa nilang anak na sina Maximus James (3 years old) at Alexandros Jaden (1 1/2).

Mangyayari raw ito bago matapos ang 2015.

Ito ang inamin ni AJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang matanong namin siya kung ano ang susunod niyang proyektong gagawin pagkatapos ng guest roles niya sa ABS-CBN primetime teleseryes na Bridges of Love at Pasion de Amor.

Sabi ng aktor, “Yun ang ano ko [iniisip ko]… kasi aalis na ako, magmu-move na ako to Norway with my family.

“Taga-doon kasi yung wife ko and kasi I have two kids na, e. So, sabi ko, I think it’s about time.

“Kasi I only asked… I actually asked for two years to do showbiz pa sa wife ko. So, pinayagan niya ako.

“So, eto na yung last [year]. So, kung puwede pa akong makaisa pang soap, why not?

“Pero kung hindi, I’ll go na.

“Kasi parang lumalaki na yung mga bata, ang dami ko nang nami-miss out, e. Ang hirap, e.”

Nakausap ng PEP si AJ sa media announcement na inorganisa ng ABS-CBN Digital Media Division para sa kanilang Chicken Pork Adobo, ang multi-channel network na inilunsad kamakailan ng ABS-CBN.

Ginanap ito kahapon, Hulyo 15, sa 14th floor ng ELJ Building sa loob ng ABS-CBN compound.

Isa si AJ sa 90 creators ng Chicken Pork Adobo, na may kanya-kanyang YouTube channels na sakop ang iba’t ibang tema o paksa: toys, fashion, comedy, music, lifestyle, vlogs, entertainment, arts and crafts, food, parenting, at inspirational.

HIS WIFE. Konti lang ang nakakaalam sa love story nina AJ at Olga. Paano ba sila nagkakilala?

Lahad ni AJ, “Nagsu-shoot ako ng film sa Boracay, tapos siya, nandoon siya having a vacation.

“And then, doon kami nagkakilala through Rafael Rosell [actor-friend of AJ].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, umalis na rin siya. Pero nag-communicate pa rin kami through text tapos tawag.

“Tapos sabi ko, ‘Kung puwede kang bumalik.’ Bumalik naman siya.

“So, sabi ko, iyon na ito, I found the right girl.

“For her to come back here from Norway, it means something, di ba?"

Ikinasal na ba sila?

“Sa Norway, sa Huwes, civil lang. So, sa church, ang plano namin dito sa Pilipinas.”

Mga kailan naman kaya iyon?

“Siguro pag malaki na iyong bunso ko. Kasi yung bunso, parang one and a half.

“So, pag tipong mga five na siya, puwede na.

“Silang dalawa ng kapatid niya ang ring bearers, parang ganun.”

Matatagalan pa raw dahil kailangan ding maging stable muna ni AJ sa Norway.

“Oo, kasi kumbaga, ako, mag-start muna ulit ako from scratch doon.

“So, kailangan makapag-establish muna din.”

TO LEAVE SHOWBIZ? Dahil nga magma-migrate na siya, ibig sabihin ba nito ay tatalikuran na rin niya nang tuluyan ang showbiz?

Saad ni AJ, “Matagal kong pinag-isipan iyon.

“Kasi yung showbiz, yung acting, yun ang passion ko, e.

“Parang iyon ang minahal kong trabaho and parang wala naman akong alam na ibang gawin, e.

“Although nagta-try ako ngayon… may business naman ako, ganyan, and then may blog naman ako about fashion.

“So, mayroon naman akong fallback.

“Pero iyon ang minahal ko, yung acting.

“At ngayon, I’m willing to give it up dahil sa family.

“I think everyone can relate when it comes to family, when you have kids, parang you can leave everything for your kids, e.”

Pero willing pa ba siyang tumanggap ng project bago siya tuluyang mag-migrate sa Norway?

Ayon kay AJ, “I asked my wife, sabi niya, ‘Sige lang, kung mayroon pang dumating, humabol pa, sige lang.’

“Kaso ang hirap lang din, dahil yung birthday ng isang anak ko, October, yung isa January.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, if ever may soap, baka ma-miss out ko iyon.

“Like last year, wala ako noong Christmas, hindi kami magkakasama. So, parang hindi complete, e.

“Madalas nagbabakasyon lang sila dito. Like now, nandito sila, so at least nakakapag-quality time kami.”

Mahirap daw talaga iyong malayo siya sa pamilya niya.

“Sobra, maiiyak ka talaga, e,” pag-amin ni AJ.

Nakausap na rin daw niya ang kanyang manager na si Popoy Caritativo tungkol sa pagma-migrate niya at very supportive naman daw ito sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN