Jolina Magdangal hesitant to work with Claudine Barretto again

Jolina Magdangal on Claudine Barretto’s comeback: "Happy ako, hindi lang na she’s back, kundi yung nangyayari sa kanya ngayon na nararamdaman ko at nakikita ko sa pictures, masaya siya."


Inamin ni Jolina Magdangal na nagkaroon siya ng hesitation na makasama muli sa isang proyekto si Claudine Barretto.

Hindi kasi naging maganda ang kinahinatnan ng huling pagtatrabaho nila sa dating teleserye ng GMA Network na Iglot noong 2011.

Tumagal lamang ng halos tatlong buwan sa ere ang nasabing palabas.

Saad ni Jolina, “Naputol yung show namin.

“Parang nagkaroon ako ng hesitation to work with her, kasi baka may problema siya or noong nagkaroon siya ng problema, parang natapos agad yung show.”

Ano ang epekto sa kanya ng pagkansela ng show nila ni Claudine sa GMA?

“Hindi kasi ako sanay nung ganoon, e,” buntung-hininga ni Jolina.

Kuwento pa niya, “Ikakasal ako noong time na yun. So, ang dami-dami kong iniisip.

“Ang thinking ko, professional tayong lahat. Anuman ang problema natin, meron tayong trabaho.

“E, pero parang naano ako…”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa thanksgiving presscon para sa afternoon drama series at comeback vehicle niya sa ABS-CBN, ang Flordeliza, noong July 14.

NOT CLOSE? Mga bata pa lang sina Jolina at Claudine nang una silang nagkasama sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV, at nagkasama rin sila sa pelikulang Radio Romance (1996).

“Pero hindi kasi sobrang buong movie magkasama kami,” paglilinaw ni Jolina.

Never silang naging close ni Claudine noong nasa ABS-CBN sila pareho?

Pag-amin ng actress/singer/TV host, “Hindi kami kasing-close... hindi kami ganoon ka-close katulad namin ni Juday [Judy Ann Santos].

“Hindi ganoon na anytime kami magkita, go, go, go or ano…”

Ngunit diin ni Jolina, “Pero hindi naman kami enemies. Never!

“Hindi naman kami naging ganoon.”

Never din ba silang naging rivals ni Claudine, tulad nila ni Judy Ann, as far as career is concerned?

“Parang hindi, e. Oo, hindi.

“Sa akin, noong time na yun, wala akong alam na mga ganyan.

“Ang gusto ko lang umaarte tapos kumakanta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba ni Jolina na ang pagkanta ang lamang niya noon kina Judy Ann at Claudine?

“Uma-album, oo… may mga ganoon pala!” natatawang reaksiyon niya.

BALIK-KAPAMILYA. Last year, nagkaroon ng mini-reunion ang cast ng Ang TV, kung saan parehong dumalo sina Jolina at Claudine.

Iyon ang unang pagkikita nila pagkatapos biglang tumiklop sa ere ang unang teleseryeng pinagsamahan nila Kapuso network, at kaya nagdesisyon si Jolina na ayaw na niyang makatrabaho ulit si Claudine.

Sa pagkikita nilang iyon, tila nagbago raw ang isip ni Jolina tungkol sa pakikipagtrabaho muli kay Claudine.

Lahad niya, “Noong nag-get together yung Ang TV, nakita ko kung gaano siya ka-sincere to embrace me.

“Nawala yung hesitation ko to work with her.

“So, if ever na may chance, bakit hindi?

“I think we’re grown up already para harapin ang mga bagay bagay kung magkakaproblema man.”

Ano ang reaksiyon ni Jolina na tulad niya ay nakabalik na rin sa ABS-CBN si Claudine?

Kasama si Claudine sa cast ng Star Cinema movie na Etiquette For Mistresses.

Sagot niya, “Yes! Happy ako, hindi lang na she’s back, kundi yung nangyayari sa kanya ngayon na nararamdaman ko at nakikita ko sa pictures, masaya siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN