TV5 executive Wilma Galvante speaks up on Vin Abrenica and Sophie Albert’s contract issues: "I expect gratitude... at least for the network."

Hindi raw maintindihan ng TV5 executive na si Ms. Wilma Galvante kung bakit may mga lumulutang na balitang nagpapa-release daw ng kanilang kontrata ang dalawa nilang talents na sina Vin Abrenica at Sophie Albert. Pahayag niya tungkol dito, “I don’t want to talk about it kasi hindi pa naman kami nagmi-meeting. At sila naman yung nag-float ng ganyan. So, meron siguro silang gustong iparinig, I don’t know.”


Hindi maintindihan ni Ms. Wilma Galvante, chief entertainment and content officer ng TV5, kung bakit nagpaparinig ang kampo ng dalawa nilang talents na sina Vin Abrenica at Sophie Albert tungkol sa kontrata ng mga ito sa Kapatid network.

Nagsilabasan kasi nitong mga nakaraang linggo ang usap-usapang nagpapa-release na raw ng kanilang mga kontrata sa TV5 ang magkasintahan.

Pero pareho itong pinabulaanan nina Vin at Sophie sa magkahiwalay na interviews.

Paglilinaw naman ni Ma'am Wilma, hanggang 2017 pa ang kontrata nina Vin at Sophie sa TV5.

Dagdag niya, “Assessment on the third year [of their contracts], performance of talent… May value yun, at saka may responsibility dun.”

Nakatakda sa buwang ito ang naturang assessment para sa kanilang mga kontratadong talents mula sa Artista Academy, ang artista search ng TV5 kung saan nanalo sina Vin at Sophie.

Kapag hindi ba maganda ang assessment, pakakawalan na nila ang mga ito kahit wala pang 2017?

Tugon ng TV5 executive, “Hindi. Hindi ganun yun.

"Hindi ganun kasimple yun. May accountabilities dun.

“I don’t want to talk about it kasi hindi pa naman kami nagmi-meeting.

"At sila naman yung nag-float ng ganyan.

"So, meron siguro silang gustong iparinig, I don’t know.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters si Ma'am Wilma sa presscon ng Wattpad Presents: Unwanted Girlfriend, noong Martes, July 14, sa Mario’s restaurant, Tomas Morato Quezon City.

Ang Wattpad Presents: Unwanted Girlfriend, na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Jasmine Curtis-Smith, ay mapapanood simula sa July 20, 9 P.M.


“I EXPECT GRATITUDE…” Gaya ng nabanggit, sina Vin at Sophie ang winners ng Artista Academy noong 2012.

Isa si Ma'am Wilma sa jurors ng naturang contest kaya nasubaybayan niya ang pag-angat ng dalawa bilang homegrown talents ng TV5.

Pahayag ng lady executive, “Si Vin at saka si Sophie, for me, they’re both very good actors, we trained them well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will admit that we were not able to give them as many shows as we want to, that’s because of the programming grid of the network.

“It's not that we don’t want to give them shows… we don’t want to give them work, or we don’t want to expose their talent.

“We recognize how good they are. We made them good.

"I can tell that, I can say that myself, ‘di ba?"

Kaya raw sana ay itigil na ang pagpalipad-hangin ng mga nasa paligid ng dalawa dahil may kontrata pa ang mga ito na dapat igalang.

Dagdag pa ni Ma'am Wilma, “If not for the training, if not for discovering them and training them and giving them their platforms [where they can showcase their talents]...

“And for that alone, I expect gratitude, parang ganun.

"At least for the network, and respect for their contracts.

“What I don’t understand is why they wish to talk about it.

“Although I cannot stop them, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN