Gladys Reyes gets sentimental over bonding moment with Judy Ann Santos

Gladys Reyes recounts her lunch date with Judy Ann Santos, a rare occasion as they are both busy with their family and career. "Nakakatuwa lang kasi kung tutuusin, kung iisipin mo, 1992, Mara Clara kami… Nagka-boyfriend kaming kanya-kanya, nag-asawa na, may mga anak na… iyon, na-preserve namin yung friendship.”


Sobrang masaya raw si Gladys Reyes sa second pregnancy ng longtime friend niyang si Judy Ann Santos.

“Ay, sobrang happy ako dun!” bulalas niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Let the Love Begin kamakailan.

Lahad pa niya, “Tinext ko siya na kumusta, na I’m so happy for her.

“Ito yung matagal na niyang hinihintay na masundan siyempre si Lucho.

“Nung una kasi naririnig-rinig ko na 'yan, pero walang confirmation from both of them.

“Nahihiya ako na itanong kay Juday kasi iniisip ko, baka naman... parang gusto ko sa kanya na lang magmula.

“Ayokong maging tsismosa naman ang dating ko agad na, ‘Hoy, ano ba?’

“Feeling ko, kung walang confirmation from both of them… parang hindi pa siguro sila ready whether to announce or to deny.

“Until lumabas na si Ryan [Agoncillo] na may hawak na picture ng baby [sa Eat Bulaga!].

“So, dun na ako nag-congratulate sa kanya, ‘tapos sabi ko sana nga one of these days magkita kami."

Ikinuwento rin ni Gladys ang recent bonding nilang dalawa.

“Aba’y agad-agad nagplano, ‘E, di Sunday, mare! This Sunday, sis!’

“Iyon yung Independence Day, sabi niya, ‘Tamang-tama, sis, walang pasok ang mga bata. Gusto mo mag-lunch?’

“Naiplano na niya agad! Pati restaurant, yung organic restaurant na Wholesome Table ang pangalan sa The Fort.

“E, di oo na lang ako. Siyempre sinamantala ko rin yung pagkakataon na alam ko naman naging busy din siya, ‘di ba?

“‘Tsaka baka mahirap na naman na magkita kami ulit, so iyon nagkita kami... siya ang aking Independence date.”

Bago iyon, huli raw silang nagkita sa opisina ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa infomercial ng mag-asawang Judy Ann at Ryan.

Pero hindi raw sila masyadong nakapagusap doon, “More on hi, konting chika, ‘tapos ba-bye.”


CHILDREN. Sa bonding nila sa The Fort, nagkita raw sina "Maro Claro"—ang anak ni Judy Ann na si Lucho at ang anak ni Gladys na si Grant, na pareho nilang bunsong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Gladys, “Halos magkaedad, one month older lang si Lucho.

“So, si Maro Claro nag-bonding, pati na rin yung aming ibang mga anak, si Yohan, si Christoph ‘tsaka si Aquisha.

“Pero ang nangyari, lunch muna all together.

"Nakakatawa, kasi magkaharap kami ni Juday, nandito mga anak namin, yung anak kong isa, minsan bubulong may sasabihin, ‘Mommy, tsutsutsu.’

“Itong isa sa kaliwa bubulong, sa likod meron ding isa... tatlo anak ko, e.

“Si Juday, bubulong naman si Lucho sa kanan, ‘tapos bubulong din si Yohan sa kabila, ganyan.

“So, ganunan ang mga balikat namin, mag-uusap kami, ‘Alam mo na, sis…’

“Biglang may, ‘Yes, anak? Okay.’

“’Tapos, ‘Eto na nga, sis,’ ‘tapos bigla ulit, ‘Mommy…’

“Hindi matuluy-tuloy ang aming kuwentuhan dahil ang mga bagets, ‘di ba, ang daming ‘Feed me,’ ganyan-ganyan, tsutsutsu!

“In short, naging ina muna kami habang bonding-bonding kami with the whole family.

“Pagkatapos ng lunch sabi ni Juday, ‘Okay mga anak, mag- Timezone muna kayo para makapagtsika kami ni Tita Gladys.’

“So, in short, nagkasundo rin ang mga bata sa Timezone. Kami naman, after eating, nagkape kami, so lumabas kami.

“Nakakatuwa kasi lumabas kami without any chaperone, dalawa kami.

“Talagang si Mara at si Clara tumawid ng kalsada sa The Fort going dun sa coffee shop, from dun sa organic restaurant.

"Ang sarap ng feeling, para kaming nasa Amerika, kasi Independence Day kaya walang masyadong utaw.

“Tapos may tumitingin na mangilan-ngilan, na parang yung iba nga, parang, ‘Teka, si Mara Clara yun, ah?’

“‘Tapos bigla kaming susundan na ganun!” at muling tumawa si Gladys.


QUALITY TIME. Kuwento pa ni Gladys, magkasama raw sila ni Judy Ann mula lunch hanggang buong maghapon.

“Hanggang sa nagkape-kape kami, ang sarap ng kuwentuhan, maya-maya biglang may gumaganyan-ganyan.

“Yun pala, si Tom [Rodriguez] at si Carla [Abellana] naman, so nagkita-kita rin kami.

“So, napaka naging quality time talaga yung bonding namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After nun, shopping naman, nag-shopping kami ng mga anu-ano dun sa isang parang garment store.

“Nag-shopping siya ng medyo pambuntis niya rin at the same time yung mga damit ng bagets.

“Ako, ganun din, terno kami ni Aquisha, yung mga anak kong lalaki.

“So, siya ang nagturo sa akin nun, dun daw niya binibilhan ng ano ang mga anak niya.”


EASY PREGNANCY. Mostly raw na napagkuwentuhan nila ay tungkol sa pregnancy ni Juday.

May tips ba siya kay Judy Ann since nakatatlong anak na si Gladys?

“Oo naman, [pero] una kong tinanong sa kanya kung matutuloy pa yung soap niya [Someone To Watch Over Me], yung with Richard Yap.

“E, kasi medyo action daw yun, so baka hindi muna.

“So, parang more on gusto yata niya siguro if ever mag-host dahil yun ang hindi magiging masyadong stressful for her.

“I agree naman since second baby ‘yan, sabi ko nga sa kanya, each pregnancy is unique, hindi mo puwedeng ikumpara sa first.

“Kasi maaaring this time, less hirap ka o kaya wala kang morning sickness.

“Mukhang easy yung pregnancy niya, although sabi niya tamad na tamad lang siya.

“Inaantok siya madalas, hindi siya masipag magluto, ganyan.

“Cravings, basta napansin ko lang ang dami-dami niyang inorder dun sa organic restaurant na kinainan namin!

“Maganda na she’s eating healthy, mukhang silang mag-asawa talagang nasanay na rin na yung mga organic na ganyan.

“At kami rin namang mag-asawa si Christopher kasi, very health conscious.

“At nakakatuwa lang kasi, kung tutuusin, kung iisipin mo, 1992, Mara Clara kami…

“Nagka-boyfriend kaming kanya-kanya, nag-asawa na, may mga anak na… iyon, na-preserve namin yung friendship.

“‘Di ba, sabi ko nga, sa caption ko [sa IG photo nila ni Judy Ann] hindi namin kailangang magkita o mag-usap every day.

“I guess siguro iyon ang tinatawag nilang genuine friendship, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN