Jolina Magdangal on tandem with Carlo Aquino: "Meron pa ako ulit pagkakatiwalaan na lalaki, hindi lang si Marvin."

Jolina Magdangal reacts to impression that her move to ABS-CBN has revived her career, "Unang-una, never siyang namatay... hindi ako tumigil at hindi ako nagpahinga… in a good way, ha. Sobrang credit ang binibigay ko sa ABS sa pagmamahal at pagtanggap sa akin, after twelve years na nagkahiwalay kami.”


Nabuo sa Flordeliza hindi lamang ang muling pagsasama nina Jolina Magdangal at ni Marvin Agustin bilang loveteam, bigla rin nagkaroon ng Carlo Aquino at Jolina Magdangal loveteam.

Nakakasurpresa man, pero marami ang kinikilig sa kanilang dalawa, sabihin man na malayo na rin ang agwat ng mga edad nila.

Sabi nga ni Jolina nang natatawa, “Bigla ngang nagkaroon ng CarJo, o, ‘di ba?

“Hindi ko nga akalain na magkakaganun, siguro napakagaling lang talagang actor ni Carlo.

“Ang nangyari kasi, ang ka-batch niya sina Camille [Prats], sobrang mas bata sa akin.

“‘Tapos dito, ila-loveteam kami,” natawang sabi niya.

Dugtong pa ni Jolina, talagang noon mga unang eksena raw nila, iba ang pakiramdam niya.

“Talagang kinikilabutan ako, pero noong tumatagal, makikita mo na iba kapag magaling na actor ang kaeksena mo.

“Hindi mo na nalalaman na Ate Jolens ang tawag sa akin.”

Kapag wala sila sa eksena, Ate Jolens pa rin ang tawag sa kanya ni Carlo?

“Actually, hindi na niya 'ko tinatawag na Ate, siguro feeling niya magkaedad na lang kami.”

Sabi pa ni Jolina, “Siguro kung magkaroon ng time na magka-work ulit kami ni Carlo, masaya ako.

“Alam ko na meron pa ko ulit pagkakatiwalaan na lalaki, hindi lang si Marvin.

“Kasi si Carlo… kapag may kissing scene kasi, iba yung tiwala ko sa tao.”

Nakausap si Jolina ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa thanksgiving presscon ng afternoon teleserye na Florderliza sa ELJ Building noong Martes, July 14.

NOT GIVING UP. Madalas namang sinasabi na mula nang lumipat daw si Jolina sa ABS-CBN, muling nabuhay ang showbiz career niya.

Kaya diretsahan na namin siyang tinanong kung ano ang nararamdaman niya tuwing maririnig niya yung ganoong komento.

Tinatanggap niya ba ito na ganun na lang o may iba siyang paniniwala?

“Para sa akin, unang-una, never siyang namatay, kasi hindi ako tumigil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwedeng nagkaroon ako ng pag-prioritize ng mga bagay-bagay.

“Pero in fairness naman, sa lahat ng ginawa ko, masaya ako na hindi ako tumigil at hindi ako nagpahinga… in a good way, ha.

“Ang maganda lang, magaganda lang ang nangyayari lahat sa akin.

“Pumasok ako sa isang chapter na naman ng buhay ng isang babae, ang maging mommy.

“Kinasal at naging mommy, pero alam ko na hindi ko binitawan ang una ko rin minahal, itong showbiz.

“Happy ako na sabihin, twenty-seven years, hindi ako nag-give up sa industriya na ang dami, bata pa lang, naggi-give up na.

“Hanggang sa magkaanak na 'ko at siguro, hanggang sa pagtanda ko, hindi ako maggi-give up.

“Hangga’t mahal ako ng industriya, hangga’t mahal ko ‘to, we will work together brightly.”

OVERJOYED. Hindi niya tinatanggap na parang dahil sa Kapamilya network, yung sinasabing nagkabuhay muli ang career niya?

“Ina-accept ko na sobra nila ako ngayong pinapasaya.

“Yung inspiration na binibigay sa akin ng ABS, yung pagbigay ng projects sa akin na sunud-sunod, hindi ko ine-expect.

“Hindi ko ine-expect ang Your Face Sounds Familiar at aminado ko na ayoko talagang sumali ro'n dahil takot ako.

“Pero yung opportunity na ibinigay sa akin at yung ganda ng show, ‘tapos ‘eto...

"Hindi pa nagtatapos ang Flordeliza, in-offer sa akin ang Written In Our Stars.

“Para sa akin, hindi lang din naman sa aming mga artista, tinitingnan din natin ang istorya.

“At hindi rin naman nila 'ko pinabayaan sa role na ibinigay sa akin.

“Sobrang credit ang binibigay ko sa ABS sa pagmamahal at pagtanggap sa akin after twelve years na nagkahiwalay kami.”

SURPRISE ENDING. Kung sinubaybayan daw talaga ng mga manonood ang Flordeliza, ayon kay Jolina, mas lalo raw itong dapat abangan sa huling buwan nito.

“Para sa akin, yung ending na naisip nila, tatlong ending ang naisip, e, kahit kami, masu-surprise kami ron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isu-shoot pa namin next week… hindi ko alam ang magiging ending but I’m sure, magiging remarkable.

“Para sa akin remarkable ang ending nito,” may pagmamalaking pahayag pa ni Jolina.

Ang Flordeliza ay nagsimula na hindi ganun kataas ang rating ng serye nila. Marami na nga ang nagsabi na baka raw ma-cut short lang at hindi na tapusin.

Pero ang ginawa ng ABS-CBN ay hinayaan lang ito, pinagtuunan pa ang kuwento hanggang tumaas nang tumaas ang rating nito, at na-extend na nga ang show.

Bunyag ni Jolina, “Para sa akin, noong unang-unang nailabas ang rating, masaya ko.

“Hindi dahil kung ano pa man, pero ang pinagpi-pray ko na ganyan muna ‘tapos tumataas, at yun ang nangyari.

“Kesa yung biglang boom ‘tapos, hala, gusto ko nang magtago.

“Pero alam ko na matatapos ‘to na nakataas lahat ng ulo namin na proud kami.

“Na ibinigay namin kung ano ang best sa kanila, higit pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN