Desiree del Valle engaged now to Boom Labrusca: “It’s how we are with each other... feeling ko, kasal na 'ko."

Having been a teen actress herself, Desiree del Valle can tell a world of difference between their situation then and the challenge facing the young stars today. She comments, “Hindi ko alam kung ano ang meron sa social media. It’s hard to answer, it’s a difficult time now... ” Her advise: "Never feel that you’re alone. Kailangan yung faith nila nandun at hindi nawawala.”


Pinag-usapan sa thanksgiving presscon ng Flordeliza ang suot na engagement ring ni Desiree del Valle na hindi naman niya ikinailang galing sa boyfriend na si Boom Labrusca.

Pakiramdam naman daw ni Desiree, parang kasal na rin daw siya sa boyfriend nang ma-engage sila.

“Yung pag-aano ng engagement ring naman, parang feeling ko naman, kasal na 'ko sa kanya.

“Hindi sa tagal, hindi sa ano ng panahon, it’s how we treat each other every day.

“It’s how we are with each other... feeling ko, kasal na 'ko, e,” lahad niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers noong Miyerkules, July 14, sa 14th floor ng ELJ Building.

Pero, “I don’t want to answer that” ang naging tugon niya nang tanungin kung live-in na sila ng boyfriend.

Kahit engaged na sila, wala pa rin daw talagang plano kung kailan na nga ba sila magpapakasal.

Ayon kay Desiree, “Ang pagpapakasal naman, madali na lang yun.

“At saka wala naman kaming planong bonggang wedding. We talked about it but nothing formal.”

Nagwu-work pa rin sa kanya ang showbiz relationship?

“It’s not about being showbiz or hindi, it’s about how we are with each other.

“Kung paano namin alagaan ang isa’t isa. I guess ganun lang yun, nagkataon lang.”

LIFETIME FRIENDSHIP. Lumuha at naging emosyunal na naman si Desiree habang kinakausap namin at matanong kung bakit tila sobrang dinidibdib niya ang pagtatapos ng Flordeliza, samantalang lahat naman ng teleserye kailangang magtapos.

Isang buwan na lang mapapanood ang panghapong serye ng Kapamilya network.

Naiiyak na sabi ni Desiree, “Family kasi ito.”

Ano ang pinakamami-miss niya?

“Lahat, lahat…”

Aminado naman si Desiree na ngayon lang daw siya naging ganito kaemosyunal sa lahat ng naging programa o teleserye niyang nagtapos.

“Hindi, maybe because it comes with age rin. Yun ngang sinasabi ni Jolina [Magdangal] na mas professional ka na sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas minamahal mo na ang trabaho mo at saka, ewan ko, iba ang attachment namin sa grupong ito.

“Since October pa kami nagtatrabaho, iba ang family ng Flordeliza, yun ang mami-miss ko talaga.

“Kahit hindi sa mga artista, kahit sa mga staff, yun ang mami-miss ko talaga.

“Iba yung bonding namin dito at feeling ko, hindi kami nagtatrabaho.”

Kahit naman tapos na ang Flordeliza, puwede pa rin silang magkita-kita, may ganoon na silang usapan?

“Ay, yun ang difference ng Flordeliza, we’re not friends just because we worked together.

“This is gonna be a lifetime friendship hanggang sa tumanda na kami.”

Naranasan na raw niya na pagtatapos ng isang proyekto ay nagtatapos na rin ang anumang nabuong pagkakaibigan.

“That’s what happens talaga and it’s sad, maybe busy lang din ang iba or maybe, there are other things that they’re doing.

"Ewan ko, with this project, with this family, it’s different.

“I don’t know, maybe because I’m getting older kaya mas emotional.”

CHILD STARS. Si Desiree ang isa rin sa mga Kapamilya stars na noong teenager pa lamang ay masasabing marami rin napagdaanang iba’t-ibang isyu o kontrobersiya.

At ngayon, naging sunud-sunod ang mga teen at child scandals.

Naitanong ng PEP kay Desiree dahil nga sa mga napagdaanan din niya, nakakapagbigay ba siya ng payo sa dalawang child stars sa Flordeliza, sina Rhed Bustamante at Ashley Sarmiento.

“Actually, napag-uusapan nga namin yun with the kids… kahit kanina, nakaupo lang si Ashley dun, medyo nakabukaka siya.

Sinenyasan daw nila ni Jolina ang bata na umayos ng upo.

"Ewan ko, may ganun na kami, feeling namin mga nanay na kami.

“We’re vocal sa mga bata, parang hindi namin sila tinuturing na eight years old, parang magka-age na kami.

“Kasi kapag bine-baby mo, binabata mo, masyadong ano, e... Kailangan prangkahan mo sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag may nagtanong, sagutin mo nang totoo, nang tama.

“Ang hirap, e. Ako thirty-three, pero iba ang kabataan ngayon.

“Ang hinihingi nila cellphone, noong twelve years old ako, laruan, e. Pupunta ako sa kapitbahay ko.

“Ang hirap, kahit kinakausap ng magulang, kahit i-guide, I guess, kung ano ang choice ng bata, gagawa at gagawa ng paraan ‘yan.

“Ako, hindi pa ako mother, pero parang kahit anong gawin mong tutok siguro…

“Hindi ko alam kung ano ang meron sa social media. It’s hard to answer, it’s a difficult time now.”

Base sa mga naging karanasan na rin niya, ano ang maipapayo niya sa mga dumadaan na mga batang artista sa iba’t ibang scandal o controversy?

“Don’t keep it to yourself, never feel that you’re alone.

“Kung hindi mo makausap mga magulang mo, sa friend or kay Papa Jesus.

“Kailangan yung faith nila nandun at hindi nawawala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN