PBB 737 Housemate Kenzo Gutierrez on Julia Barretto: "Hindi ko siya crush. Basta parang may thing kami dati."

PBB 737 teen housemate Kenzo Gutierrez tells co-housemates about his relationship with Julia Barretto.


Sa PBB 737 Uncut video na napapanood online ay lumabas ang pahayag ng teen housemate na si Kenzo Gutierrez tungkol sa naging relasyon niya sa aktres na si Julia Barretto.

Habang nagkukulitan ang mga lalaki na sina Kyle at Jimboy ay naibida ni Kenzo ang picture at comment ng hindi pa niya pinapangalangang babae sa kanyang Facebook account.

Ani Kenzo, “Bro, nasa Facebook ko pa nga yun, nasa profile picture ko. Check nyo yung comments, comment niya, nandun pa, ang daming nag-like."

Naglakad sila palabas papunta sa pool area at patuloy ang pangungulit nina Kyle at Jimboy kung sino ang kinukuwento ni Kenzo. Kitang-kita ang pag-aalinlangan ng binata sa pagbibigay ng detalye.

“Hindi ko alam paano sabihin bro, e,” sagot ni Kenzo sa pamimilit nina Kyle at Jimboy.

“Hindi. Quiet lang ako,” saad ni Kyle.

Hanggang sa napilit rin nilang magkuwento si Kenzo. Sa simula ay hiniling niya na huwag magbanggit ng pangalan. Napag-usapan nila ang kapwa housemate na si Zonia bilang nalalapit ang itsura nito sa babaeng tinutukoy ni Kenzo sa kanyang kwento.

Binigyan nila ng code name na Zonia ang babaeng tinutukoy ni Kenzo.

“Sinong kamukha niyang artista? Alam mo na,” sabi ni Kenzo kina Kyle at Jimboy.

Patuloy niya, “Bro, walang kakalat, ah. Wala kasi akong sinabihan. Sila Jimboy at si Bailey [lang].

“Bro, kahit yung mga nag-interview sa akin dito [Sa PBB] hindi nila alam."

Patuloy pa rin ang pagkaalangan niya, “Bro, hindi ko alam paano sabihin, bro, e.”

Nagtanong bigla si Kyle, “Crush mo si Julia, bro?”

Ikinagulat ni Kenzo at pinaalalahanan muli ang kaibigan na huwag magbanggit ng pangalan, “Bro, walang banggitan ng pangalan, bro.”

JULIA IS NOT HIS CRUSH. Inamin ni Kenzo na hindi niya crush ang 18-year-old actress na si Julia Barretto, “Hindi ko siya crush, bro.”

Paglilinaw niya, “Basta parang may thing kami dati. Pero tagal na yun, bro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First year high school, pero parang naging kami pero two months lang.

“Wala. Feeling ko, 'pag inisip ko ngayong, parang bata pa talaga kami noon.

“Pero parang mutual naman nung nag-ayaw kami. We’re friends pero ang tagal na rin kaming hindi lumalabas, pero friends kami.

“Sobrang walang may alam, bro. Mga barkada ko lang talaga, ayoko naman kasing mag-spread ng ganun. “

Samantala, sa isang panayam kay Julia ay nilinaw niya ang tunay na kaugnayan niya sa PBB housemate na si Kenzo, "He was my friend in grade school na sobrang tagal na pero never ko siya naging boyfriend."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN