Camille Prats is now engaged to non-showbiz boyfriend VJ Yambao

Actress-TV host Camille Prats said "yes" after non-showbiz boyfriend John "VJ" Yambao proposed to her last night, July 18, at the Nayomi Sanctuary Resort in Balete, Batangas.


Engaged na ang aktres na si Camille Prats sa kanyang non-showbiz boyfriend na si John “VJ” Yambao.

Naganap ang engagement kagabi, July 18, sa Nayomi Sanctuary, ang resort na pagmamay-ari ng pamilya Prats sa Balete, Batangas, kung saan din ginanap ang Christian wedding ng kuya ni Camille na si John Prats kay Isabel Oli noong May 16, 2015.

Ito ang ikalawang pagkakataong ikakasal si Camille, 30.

Una siyang ikinasal noong 2008 sa childhood friend niyang si Anthony Linsangan.

Ngunit noong 2011 ay binawian ng buhay si Anthony dahil sa nasopharyngeal cancer sa edad na 31.

Mayroon silang isang anak—si Nathan, na pitong taong gulang na ngayon.

Sunud-sunod ang pictures na ipinost ng Nice Print Photography—na naging katulong din sa pagpaplano ng surprise proposal noon ni John kay Isabel sa Eastwood Mall—ng engagement nina Camille at VJ.

May hashtag ang proposal ni John kay Camille na “#PrincessSarahSaidYes.” Ito ay hango sa sikat na karakter na ginampanan ni Camille noong bata pa siya.

Makikita sa unang picture na nakaupo si Camille habang si VJ ay nakaluhod sa petals na nakakalat sa sahig.

Sa 'di kalayuan ay makikita ang anak ni Camille na si Nathan.

Ang sumunod na larawan ay kuha nina Camille at VJ habang hawak ng Kapuso actress-TV host ang bouquet of flowers na bigay sa kanya ng boyfriend. Proud ding ipinakita ni Camille ang engagement ring na bigay sa kanya ni VJ.

Love is in the air. 💞💞 @vjyambao1 and @camilleprats are engaged! 💍 #PrincessSarahSaidYes

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) onJul 18, 2015 at 9:24am PDT

Makikita sa ikatlong picture na nakaluhod pa rin si VJ habang nakatayo na si Camille at umiiyak. Posibleng ito ang actual proposal ng boyfriend, habang nasa likod naman nila ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Cheers to new beginnings. @vjyambao1 @camilleprats are engaged. �—💍 #PrincessSarahSaidYes

A photo posted by Niceprintphoto (@niceprintphoto) onJul 18, 2015 at 9:26am PDT

Sa ika-apat na larawang in-upload sa Instagram ng Nice Print Photography, makikitang lumuluha pa rin si Camille habang nasa tabi nito ang anak na si Nathan, na nakangiti at nakatingin sa ina.

Ang caption sa Instagram post na ito ay: "This is such a touching photo of Nathan and his Mom. Pure Love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa post naman ni Camille sa kanyang Instagram account, kunsaan makikita pa rin siya katabi ang anak, ito ang kanyang caption: "Today, this little boy and I got engaged. I thank God for giving you to us Mahal. Thaaaaank you my love for a sweet surprise. 'Di ko kinaya 'to infairness. I love you my future husband."

Bumuhos naman ang pagbati sa comments section para sa aktres at sa kanyang fiancé.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN