Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao to retire from politics after term ends in 2016

Lilisanin na ni Jinkee Pacquiao ang pulitika sa 2016. Desisyon daw nila ng asawang si Sarangani Congressman Manny Pacquiao na mag-focus siya sa kanilang pamilya at negosyo.


Titigil na sa pulitika si Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao pagkatapos ng kanyang termino sa 2016.

Sa ulat ng Inquirer Mindanao ngayong araw, July 19, sinabi ng misis ni Sarangani Congressman Manny Pacquiao na gusto niyang mag-focus sa kanyang pamilya at sa kanilang mga negosyo pagkatapos niyang manilbihan sa kanilang probinsiya.

Sabi pa ni Jinkee, “I will no longer be seeking any political position in next year’s elections. I’d like to devote my time and energy to my family and our business.

“My husband is the congressman of the province. To me, having one member of the family actively involved in politics is already enough. Let’s give others a chance.”

Lilisanin daw niya ang mundo ng pulitika na walang mantsa ang pangalan at hindi nasasangkot sa anumang katiwalian.

Simula nang manungkulan si Jinkee bilang Vice Governor ng Sarangani noong 2013, hindi raw nito kinuha ang kanyang sahod sa gobyerno.

“It goes to the solicitations flooding my office,” kuwento pa niya.

Hindi raw siya nahuhumaling sa pulitika at sa anumang posisyon. Ang gusto lang daw niya ay mapanatili ang kaayusan sa kanilang partido.

Saad niya, “My role was just to maintain the unity and stability of the party [People’s Champ Movement]. I’ve done my part so I’m leaving politics for good.”


RELOCATING CHILDREN TO SARANGANI. Sa ngayon, nagdesisyon ang mag-asawa na ilipat na ang pag-aaral ng kanilang apat na anak sa kanilang probinsiya mula sa prestihiyosong Brent International School.

Sabi ng Pambansang Kamao na si Manny, gusto raw niyang maranasan ng kanyang mga anak na sina Emmanuel Jimuel Jr. 14, Michael Stephen, 13, Mary Divine Grace, 8, at Queen Elizabeth, 6 ang kanyang pinagdaanan noon na namuhay sa hirap sa General Santos.

Naka-enroll na ngayon ang apat sa Hope Christian School sa GenSan.

Nakapag-adjust na raw ang mga ito sa buhay probinsiya at maganda naman ang naging performances ng mga ito sa kanilang eskuwelahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Jinkee, “They’re doing fine. They’re not having any difficulties and they have adjusted easily.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN