Max Collins reveals biggest fears in joining beauty pageants: “Fear of losing and the competition itself.”

Despite the encouragement of former beauty queen Melanie Marquez, Max Collins still feels apprehensive about joining beauty contests. She says, “Sinasabi po niya. Pero sinasabi ko po sa kanya na ayoko. Takot ako, ayoko ng competition. 'Tapos sabi po niya, 'Sumali ka na, kaya mo. Kaya mong manalo.' Sabi niya, 'You have what it takes,' yun po ang sabi niya. Pero ang sabi ko, hindi ko po kaya.”


Ang Kapuso star na si Max Collins ang love interest ni Juan Tamad na ginagampanan ni Sef Cadayona sa bagong remake ng sikat na Filipino folk tale na Juan Tamad.

Tuwing Linggo ng hapon ito mapapanood sa GMA News TV simula ngayong Agosto.

Magkasama naman silang dalawa ni Sef sa dalawa pa nilang programa sa GMA-7, ang Bubble Gang at Sunday All Stars. Pero ngayon lang din sila magkakasama na sila ang magkapareha.

Kumusta naman sila?

“Okey naman po, sobrang gaan niyang katrabaho at saka, magaan lang din ang set. Lahat funny,” pahayag ni Max nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono.

“At saka, nabasa ko na rin kasi dati pa ang kuwento ng Juan Tamad. Bagay na bagay kay Sef kasi meron siyang mga mannerisms na nakakatuwa. I’m sure mae-enjoy ng mga bata.

“Mas modern na Juan Tamad naman siya.”

WORKING WITH MELANIE. Ang huling teleserye ni Max ay ang Kailan Ba Tama Ang Mali? Wala naman daw kaso kay Max kung once-a-week series man ang naging kasunod na proyekto sa kanya sa halip na panibagong teleserye pa rin.

Sabi nga niya, “Happy naman po ako basta may work.

“Lalo na ‘to, magaan lang. Nakakatuwa lang na I was able to do a show na hindi mabigat. Iba lang from what I used to do.”

Ang gumaganap daw na nanay niya sa Juan Tamad ay si Melanie Marquez.

Sabi pa ni Max, “Super bait din ni Ms. Melanie at funny rin.

“At ang kagandahan din po ng show, romcom [romantic comedy] siya, pero tungkol sa buhay ni Juan. Ang ganda ng script namin.”

NOT INTERESTED IN JOINING BEAUTY PAGEANTS. Natawa naman si Max nang tanungin namin kung hindi ba siya sinasabihan ni Melanie na lumaban din sa mga beauty contests.

Ayon kay Max, “Sinasabi po niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sinasabi ko po sa kanya na ayoko. Takot ako, ayoko ng competition.

“'Tapos sabi po niya, 'Sumali ka na, kaya mo. Kaya mong manalo.' Sabi niya, 'You have what it takes,' yun po ang sabi niya.

“Pero ang sabi ko, hindi ko po kaya.”

Hindi pa rin ba siya na-encourage sa sinabi ni Melanie na nanalong Miss International noong 1979?

“Na-encourage po ako, pero takot po talaga ko,” natawang sabi ni Max.

Ang kinatatakutan niya ba, yung baka matalo siya?

“Fear of losing and the competition itself. Kasi parang stressful at saka, yun talaga ko, ayokong mag-compete.

“Kaya gusto ko ang pag-aartista. Kahit na marami kami, iba-iba naman ang projects na binibigay sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN