Ruru Madrid admits he's generous to loveteam partner Gabbi Garcia: “Ganito lang po talaga 'ko.”

Ruru Madrid confirms Gabbi Garcia's claim that he's generous to her, despite the fact that they're not yet officially in a relationship. “Siguro po hindi ko masabing nanliligaw. Pinapakita ko lang yung tunay na kulay ko sa kanya. Talagang ganun po ako—galante at mataas po ang respeto ko sa kanya.”


Consistent sa mga sagot ang Kapuso star at male lead ng primetime series na Let The Love Begin na si Ruru Madrid na wala pa talaga silang relasyon ng ka-love team na si Gabbi Garcia.

Ito ay sa kabila ng naging pahayag niya noon na talagang espesyal sa kanya ang dalagita.

Hindi pa rin daw siya nanliligaw, pero ayon kay Gabbi, “generous” daw si Ruru at wala pang pagkakataon na magkasama sila na pinagbayad daw siya nito.

Hindi pa ba panliligaw yun?

Natawa si Ruru habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kamakailan lang at sabi niya, “Ganito lang po talaga 'ko.

“Siguro po hindi ko masabing nanliligaw.

“Pinapakita ko lang yung tunay na kulay ko sa kanya. Talagang ganun po ako—galante at mataas po ang respeto ko sa kanya.”

YES TO TRADITIONAL LIGAW. Naisip tuloy namin kung katulad din ba si Ruru ng ibang mga lalaki na hindi naniniwala sa ligaw.

Pero kinontra niya ito sa pagsasabing naniniwala siya rito.

“Naniniwala po ako sa ligaw kasi iba pa rin po ang tradisyon.

“Iba pa rin po ang old school. Mas maganda po yun. Hindi po katulad ngayon na karamihan po ng kabataan, nagkakagustuhan sa text.

“Parang ako po, mas gusto ko pa rin po yung aakyat ka ng ligaw. Magpapaalam sa magulang, harana,” natawa pa niyang sabi.

Naharana na ba niya si Gabbi?

“Hindi pa po e,” pag-amin ni Ruru.

NOT YET READY FOR SERIOUS RELATIONSHIP. Hindi pa naman daw matatawag ni Ruru na girlfriend na nga ang naging relasyon niya noon.

Paglinaw niya, “Siguro po, parang puppy love lang po.”

Fourteen years old lang daw siya noon kaya hindi pa niya masasabing seryoso na.

Seventeen years old siya ngayon.

Naranasan na ba niya yung tradisyunal na panliligaw na gusto niya?

“Hindi pa po, hindi pa po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hindi pa rin naman po ako papayagan ng parents ko na umakyat ng ligaw o yung magulang ng babae ang liligawan ko muna.

“Siguro po, pagdating ng takdang panahon,” paniniguro naman niya.

SUPER COMFY WITH GABBI LOVETEAM. Base sa mga sagot ni Ruru, halatang hindi pa ito handa kung sakaling ipareha sila ni Gabbi sa iba.

Sabi nga niya, “Kung ganun po ang gagawin nila, sa akin po, malulungkot po ako.

“Personally, sobrang close na namin. Every time na nagwu-work kami, masaya, hindi po malungkot.

“Siyempre, magkaibigan po kami. Kilala na namin ang isa’t isa at mas napapadali ang trabaho namin.

“Pero siyempre po, kung ganun ang plano ng network [GMA], wala akong magagawa kasi, sila ang boss namin.”

Ang tanong, kaya ba ni Ruru na tanggapin kung sakaling dumating ang panahon na iba na ang ka-loveteam ni Gabbi?

“Siguro kung sa professional po, gagawin ko pa rin po ang trabaho,” mabilis naman niyang sagot.

CURRENT KAPUSO FAVE? Kung titingnan ang pattern ng mga binigyan ng pagkakataon ng Kapuso network, unang na build up si Alden Richards. Sumunod naman si Miguel Tanfelix. Ngayon, si Ruru naman ang binigyan ng pagkakataon na maging leading man sa primetime.

Nararamdaman ba ni Ruru na nasa kanya naman ngayon ang pokus ng GMA?

Lahad niya, “Actually naman po, kahit naman po dati, pinaparamdam naman po nila ang importansiya sa akin.

“Like after Protege, nagkaroon naman po ako ng soap.

“'Tapos, hindi naman ako nawalan ng project at doon ko nakita yung importansiya.

“Kaya hinintay ko po yung panahon na sa akin po ibibigay ang magagandang role.”

Nauna naman daw si Miguel sa kanya dahil StarStruck Kids pa lang ito, nasa GMA na.

Nagulat naman daw si Ruru nang malaman niyang wala na ang InstaDad.

Kakapasok pa lang daw kasi niya sa Sunday serye na ito ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro po, three weeks pa lang ako, nagulat din po ako noong bigla nila akong sinali. Kaya in-enjoy ko na lang po yung days or time na nandoon po ako,” pahabol ni Ruru.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN