Gladys Reyes displeased with Rita Daniela over 'tarayan issue' with Donita Rose

Aminado si Gladys Reyes (gitna) na "nabuwisit" siya kay Rita Daniela (kaliwa) nang mabalitaan niya ang ginawa nito sa kanilang co-star sa Let The Love Begin na si Donita Rose (kanan). Pero nilinaw ni Gladys na hindi niya kinumpronta si Rita kundi kinausap lamang niya ito.


Hindi napigilang magsalita ni Gladys Reyes tungkol sa lumabas na report sa ilang tabloids na pang-aaway diumano niya kay Rita Daniela, isa sa mga co-star niya sa primetime series na Let The Love Begin.

Ang unang lumabas sa ilang diyaryo ay nagalit at kinumpronta raw ni Gladys si Rita dahil sa ginawa ng huli kay Donita Rose, na kasama rin nila sa naturang teleserye ng GMA Network.

May nangyari raw kasi sa taping ng Let The Love Begin ilang linggo na ang nakararaan kung saan magkaeksena sina Donita at Rita, na gumaganap bilang mag-ina.

Nagkamali raw si Donita sa eksenang kinukunan. Nakita raw nito sa mukha ni Rita na tila irita at parang umirap daw ito at umikot-ikot pa raw ang mata.

Lalo raw tuloy nataranta si Donita sa eksenang iyon dahil hindi raw talaga siya sanay na magkontrabida.

Nakarating ito kay Gladys kaya kinumpronta raw niya si Rita.

Ngunit sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gladys noong Sabado, July 18, nilinaw ng aktres na walang kumprontasyong nangyari sa kanila ni Rita.

Hindi raw niya tinarayan o tinalakan si Rita nang nalaman niya ang ginawa ng young singer-actress kay Donita.

“Hindi naman ako nagalit kay Rita... nabuwisit ako sa kanya,” sabi ng 37-year-old actress sa PEP.

Matagal na raw nangyari iyon at naikuwento lang ni Donita sa kanya, at bilang best friend nito ay na-offend daw si Gladys sa ginawa ni Rita.

Sabi pa ni Gladys, “Nairita talaga ako dahil hindi pa nangyari sa akin ‘yan na ganunin ako ng kaeksena ko.

“Never ko kasi na-experience ‘yan na ginaganun ako ng kaeksena ko pag nagkamali ako.

“O hindi ko ginagawa ‘yan sa kaeksena ko pag nagkamali rin siya.

“Sa halip na irap-irapan mo o i-roll ang mata, na kulang na lang sabihin mo ‘napakatanga naman nito,’ dapat sinusuportahan mo pa, di ba? Para hindi mawala sa eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nabuwisit talaga ako sa kanya.”

THE TALK. Nagtanong pa raw si Gladys sa staff kung makakasama ba niya sa mga susunod na taping si Rita para kausapin niya ito.

Ayon pa kay Gladys, “Ang bait naman kasi ni Donita.

“Naging close kami sa Basta Everyday Happy, at tuwang-tuwa nga ako na nagkasama kami dito sa soap.

“Kaya lang, hirap talaga siya sa role niya dahil hindi naman talaga siya sanay magkontrabida.

“Tapos, parang dark pa ng character niya, medyo hirap pa siya sa Tagalog, kaya siguro nataranta lang talaga siya dun.

“Tapos ganunin ka pa ng kaeksena mo?

“Totoo naman talaga, gusto ko siya [Rita] makaeksena para malaman natin,” tila gigil na pahayag ni Gladys.

Noong nakaraang linggo ay nagkasama na nga sina Gladys at Rita sa taping ng Let The Love Begin sa Tagaytay.

Nagulat daw si Gladys dahil binati siya agad ni Rita.

“Nagulat lang ako kasi hindi naman kami binabati niyan.

“Ilang beses na kami nagkasama sa promo at minsan sa taping, never naman kami nabati niyan.

“Okay lang, kasi hindi naman talaga kami close.

“Pero ito, nakakagulat, binati agad kami.

“Ewan ko kung nakarating sa kanya na irita na ako.”

Hinayaan daw muna ni Gladys dahil naka-focus sila sa taping nung araw na iyon.

RITA'S EXPLANATION. Pero nang sumunod na taping, nakasama ulit ni Gladys si Rita at doon na raw siya kinausap ng 19-year-old Kapuso talent.

Parang naiiyak na raw ito na nagpaalam kung gusto siyang kausapin ni Gladys.

Kuwento pa ni Gladys, “Alam ko na na yun ang sasabihin niya sa akin, tinanong ko na.

“Sabi niya, mamaya daw mag-usap kami.

“Ako na ang nag-open sa kanya kung yun na ba yung kay Donita ang gusto niyang sabihin.

“Umiyak na siya. Sinasabi na niya na nagtatrabaho daw siya tapos nag-aaral pa, at gusto lang naman daw niya magtrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinanong niya ako kung galit ako sa kanya.

“Sabi ko, ‘Hindi naman ako galit, nabubuwisit lang ako sa ‘yo nun.’”

May iba pa raw na sinabi si Rita tungkol sa pagtatrabaho niya at isinasabay pa ang pag-aaral, kaya humingi ito ng paumanhin kung na-misinterpret ang ginawa niya sa eksena nila ni Donita.

“Basta ang sabi niya, nung time na yun daw, sobrang stressed siya dahil nagre-review pa siya para sa exams niya.

“Wala raw sa intensiyon niya na parang tarayan si Donita.

“Baka iba lang daw ang dating kay Donita nung nag-react ito dahil stressed na stressed lang daw siya nung time na yun.”

Narinig pa nga raw ng direktor ng Let The Love Begin na si Gina Alajar ang pag-uusap nila, kaya nagpaliwanag ito na ganun lang daw talaga kumilos si Rita.

Pero nang nabanggit ni Gladys na hindi man lang daw sila mabati ni Rita, pinagsabihan na rin ni Direk Gina ang young actress-singer.

Maayos naman daw silang nagkausap at humingi na rin ng sorry si Rita kay Donita, pero walang tarayang nangyari.

Pagkatapos daw nilang magkausap, nag-request daw si Rita kung puwede silang magpa-picture na tatlo.

Iyon na nga ang ipinost ni Rita sa kanyang Instagram account na may caption na: “I am blessed that I was given a chance to work with the two prominent and respected actresses in the show business. Thank you direk @ginalajar for making a warm and happy set. I love you.”

Bukas ang PEP kung sakaling may nais sabihin si Rita tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN