Sunshine Cruz's daughters want her to find love again

An excerpt from Angelina Montano's birthday message to her mom Sunshine Cruz who turned 37 last June 18: “I wish that you may find the TRUE LOVE of your life and someone who will and take care of you. I love you!!!”

L-R: Sunshine Cruz at the 2015 PEP List Awards Night (main photo); Samantha, Chesca, Angeline, and Sunshine (inset)


Bagamat wala pa siyang espesyal na lalaking napupusuan ngayon, ibinahagi ni Sunshine Cruz na payag ang kanyang tatlong anak na babae na magkaroon siya ng bagong pag-ibig.

Sa Instagram post ni Sunshine noong Linggo, July 19, ipinakita niya ang personalized birthday card na ibinigay sa kanya ng anak na si Angelina Isabele.

Dito ay inihayag ni Angelina na sana ay mahanap na ng ina ang lalaking tunay na magmamahal at mag-aalaga rito.

Sabi pa ni Angelina kay Sunshine, na nagdiwang ng kanyang 37thbirthday noong July 18: “Happy birthday! Thank you so much for providing for our needs.

“Thank you also for teaching all of us the right things and for keeping up with us even though we might be crazy sometimes.

“I wish that you may find the TRUE LOVE of your life and someone who will and take care of you. I love you!!!”

Sagot naman ni Sunshine, base sa maiksing caption ng naturang Instagram post: “Funny and sweet! Love you @angelinaisabele.”

Funny and sweet! Love you @angelinaisabele 💞

A photo posted by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) onJul 18, 2015 at 10:55pm PDT

Maging ang dalawa pang anak ni Sunshine na sina Samantha at Chesca ay nagbigay rin ng personalized birthday card para sa kanilang ina.

Thank you Sam2x 💕💖💞 @samantha_montano

A photo posted by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) onJul 18, 2015 at 10:19pm PDT

My bunso ❤😍😙 @chesca.montano

A photo posted by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) onJul 18, 2015 at 10:23pm PDT

Sa panayam ng entertainment press kay Sunshine sa The PEP List noong June 18, nabanggit ng aktres ang tungkol sa magandang samahan nila ng kanyang mga anak.

Hangga’t maaari ay gusto raw ni Sunshine na maging bukas ang mga anak niya tungkol sa mga pinagdadaanan ng mga ito, kabilang na ang usapin tungkol sa pagkakaroon nila ng crush.

Kaya mismong pagkakaroon niya ng admirers ay hindi niya itinatago sa mga ito.

Sabi ni Sunshine: “We’re very open to each other.

“Ako rin, ‘pag may nagte-text sa akin, ‘O, someone wants to have a coffee date with mommy. Is it ok with you?’

“Sa ngayon talaga, wala silang napupusuan for me, but they really want me to date already.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero talagang wala pa [akong dine-date].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN