Renee Salud says Liza Soberano stands out among showbiz beauties; Winwyn Marquez not beauty-queen material

Renee Salud knows a potential beauty queen when he sees one, and rarely does he find them in showbiz. “Ang dami-rami sa ating magagandang artista pero mestizang-mestiza. Lalo na kapag inayos na ang mga ilong at inayos ang kung anu-ano, magkakamukha sila. Iisa ang molde, iisa ang kumaskas sa mukha… if you know what I mean."


Bukod sa pagiging kilalang fashion designer, kilala rin si Renee Salud sa pagdiskubre ng beauty queens.

Sa mga artista ngayon, may mga nakikita ba siyang potensiyal na maging beauty queen.

Mabilis niyang sagot, “Gusto ko si Liza Soberano—maganda, matangkad siya, hindi na siya yung moldeng artista.

“Hindi lang foreign, pero exotic, nakikita mo ang pagka-Filipina niya.

“Ang dami-rami sa ating magagandang artista pero mestizang-mestiza.

“Lalo na kapag inayos na ang mga ilong at inayos ang kung anu-ano, magkakamukha sila.

“Iisa ang molde, iisa ang kumaskas sa mukha… yung ngipin, iisa ang tubo, if you know what I mean.

“Itong si Soberano, parang sini-single out ko na maganda ang batang ‘to, sana hindi magbago.

“Kakaiba ang mukha niya from the rest.”

Dugtong pa ni Renee, “Kasi naman, ang daming maganda, kaso ang liliit.”

Isa sa mga kilalang beauty queen na nadiskubre ni Renee at minentor ay si Melanie Marquez na nanalong Miss International noong 1979.

Sabi niya, “Of course, iba si Melanie.

"Si Melanie, sa kalye pa lamang, naglalakad pa lamang, 'Ay pootah ka, halika rito!'

“Kita mo na agad siya, nangingibabaw.

"And palibhasa nga I made fashion shows all over the world, dala-dala ko ‘yan.

“Kitang-kita agad siya, kaya si Mrs. Imelda Marcos, enjoy na enjoy siya.

“Kapag may dignitary rito at iniipon lahat ng magaganda, nandoon agad si Melanie.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renee sa ginanap na press launch ng Carinderia Queen sa Atrium Hotel, sa Pasay City, noong July 16.

Isa siya sa mga consultant at organizer ng naturang beauty pageant para sa mga nagtitinda o may-ari ng carinderia sa bansa.


NO CHANCE. Sa nakaraang Binibining Pilipinas 2015, lumaban ang pamangkin ni Melanie na si Winwyn Marquez, pero hindi pinalad na manalo ng kahit na anong title.

Tahasang sinabi ni Renee na hindi niya nakitaan ng potensiyal si Winwyn katulad ng meron ang tiyahin nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sincerely, hindi ko nakilala si Winwyn, not even in person."

Napanood din daw niya ang nakaraang Binibining Pilipinas at ayon kay Renee, “Kapag tinabi mo na si Winwyn sa lahat, wala, e, maliit, e.”

Marami ang nag-uudyok na muling lumaban si Winwyn, maipapayo niya rin ba ito sa pamangkin ni Melanie?

Tugon ng fashion designer at beauty expert, “Mag-artista na lang siya, magsayaw siya dahil magaling siyang dancer.

“Nakita ko ang kanyang talent, yung looks, medyo matapang.

"Medyo pangahan siya, mahihirapan... totoo yun.”

Kapag may mga lumalapit sa kanyang gustong sumubok sa beauty pageant at nakikitaan niya ng potensiyal, ano ang ginagawa niya?

“Ine-endorse ko sa mga kaibigan ko, may mga kaibigan akong interesado sa mga ganyan.

“Pero kapag ang babae walang karapatan, I don’t give false hope, kawawa yung bata... aaksayahin mo oras niya?”

Paano niya sinasabi sa mga ito na walang pag-asa o potensiyal?

“Sinasabi ko na, 'Ineng, mag-aral ka. Sa beauty contests, hindi ka nakasisiguro na may future ka.' Yun lang ang lagi kong advise sa kanila.

"Hindi ko naman sinasabi na wala kang karapatan, huwag kang sumali, hindi naman ganun. I don’t do that.”


NATIONAL COSTUME ISSUE. Ano naman ang damdamin ng fashion designer na sa mga international beauty pageant, sa halip na disenyo ng local designers ang ginagamit na gown ng Philippine representative, gawa ito ng foreign fashion designers.

Sabi ni Renee, “Isa yun sa mga lamentation. First of all, parang masyadong nakakainsulto amongst us.

“We have proven already, not only to ourselves but to everybody, to the organizers, we have done a lot of good things for them.

“We have so many winning gowns, national costumes from the past, why are they trying to ease us out from those contests?

“Of course, we’re talking about Miss Universe. Inaamin ko naman na those are big contests.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre kapag nagdamit ka, kikita ang kultura natin dun through our fashion.

“Biglang nawala yun, nakakainsulto.

“And how could another designer from other country matatalbugan pa ang paggawa namin ng Filipino costumes?

“Before we became designers, napakarami naming pinagdaanan, we have a lot of researches.

"A lot of knowledge-hunting on how to make the national costumes, pumupunta kami sa mga bundok, especially myself.

"I’ve done a lot of fashion shows all over the world and through Department of Tourism, Department of Foreign Affairs.

“Siyempre, if you do fashion shows na sponsor ng government natin, you’re not promoting yourself as Renee Salud.

"You’re promoting the Philippines through your fashion, so alam na alam ko kung paano magpatakbo,” saad niya.

CARINDERIA QUEEN. In-charge din bilang consultant si Renee ngayon ng Carinderia Queen, na may apat na taon na ring beauty pageant.

Lahad niya, “Noong una, ang involvement ko, parang tumutulong lang sa personality development then.

"The following year, yun na nga, naging beauty contest. Maliit lang hanggang sa lumaki, and then ngayon, televised na.

“So, siyempre kapag may mga ganitong beauty contest na tema, palagi naman nila akong naaalaala.”

Siya na raw talaga ang personal na nagdesisyon na yung mga malakihang beauty contest ay ipasa na niya sa iba.

“Actually, maraming nag-o-offer talaga, pero hindi ko na kaya. Ito na lang ang pinili ko,” nakangiti niyang sabi.

May mahigit 300,000 daw na carinderia sa bansa kaya gusto nilang tulungan at bigyan ng inspirasyon.

Kaya iikot daw sila sa buong bansa para sa audition at sa December ang magiging pageant mismo sa World Trade Center.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN