Alex Gonzaga on losing two shows allegedly because of her attitude problem: "Parang hindi ko kailangan magpaliwanag."

Pinabulaanan ni Alex Gonzaga ang isyu ng pagkakaroon ng attitude problem daw niya kaya napalitan siya sa The Voice Kids bilang segment host. Aminado naman itong sobra na niyang na-miss ang show, lalung-lalo na ang staff na nakasama niya ng halos dalawang taon.


Bukod sa ASAP 20, ginagawa rin ngayon ni Alex Gonzaga ang isang Wansapanatym series kasama si Ejay Falcon.

May upcoming movie din siya under Star Cinema at isa pang proyekto na hindi pa nito pinangalanan dahil confidential pa raw.

Ang mga proyektong ito ang patunay na hindi pa rin siya pinababayaan ng ABS-CBN, taliwas sa mga naging negatibong komento ng ilang bashers matapos biglaang magpaalam sa ere ang pinagbidahan niyang Inday Bote at ang pagkawala niya sa The Voice Kids.

Saad ni Alex, "Nagkakaroon lang talaga... like nung sa The Voice, so parang…

"Kasi before pa nun, nagkaroon lang talaga ng conflict sa schedule sa concert and sa Inday Bote

"Parang hindi ko kailangan magpaliwanag.

“I trust naman ABS-CBN. And if you have faith, everything works for you if you love God.

"So, naniniwala ako na kung anuman ang nangyari sa iyo, may plano si God.

“So, hindi naman ako nagpa-panic.

"Although siyempre yung mga fans, minsan sila yung nagme-message sa akin kasi nalulungkot sila. Minsan naniniwala sila.

"Pero I cannot disclose anything pa nga to them, kasi nga mga confidential pa yung mga gingawa ko.

"Dun lang ako naba-bother.

"Pero minsan yung sinasabi ng iba na alam mong basher talaga sila, parang hindi mo na rin lang yun pinapansin."

THE VOICE KIDS. Nasaktan ba si Alex nang tanggalin siya bilang co-host ng The Voice?

Sagot niya, “Siyempre, nami-miss mo talaga yung mga tao, kasi kami ni Robi Domingo, may taping.

"Every weekend, meron kaming online, so talagang mas close ako sa kanila.

“Tsaka yun yung first show ko nung lumipat ako sa ABS-CBN. Nung nakabalik.

"So, mas nami-miss ko talaga yung… although hanggang ngayon, nanonood kami ng sine with the staff, nagti-text-text pa rin kami sa isa’t isa.

"Kasi sobra yung camaraderie na nabuo namin.

“So, yun yung nami-miss ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero I’m so happy dahil sobrang successful nila.

"Kino-congratulate ko lagi sila Kuya Luis [Manzano], sila Yeng [Constantino, na pumalit sa kanya], si Robi, kasi sobrang taas ng ratings.

“Dun lang ako nalulungkot sa aspeto na yun dahil hindi ko sila nakakasama, kasi for two years sila ang lagi kong nakasama.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa shoot nito para sa kanyang bagong endorsement na Oishi kahapon, July 20, sa isang studio sa Quezon City.

ATTITUDE PROBLEM? May mga lumalabas na issue na attitude problem daw ang naging problema ni Alex sa staff ng The Voice kaya siya natanggal sa show. Ano ang masasabi niya rito?

Natatawang sagot sa amin ng actress-TV host, “Alam mo, parang ikaw yung may attitude!

“Wala... alam mo, ayaw ko na ding magsalita kasi pag dinidepensahan mo yung sarili mo, isipin nila defensive ka.

“So, hindi ko na rin [sasagutin].”

Ayaw na ring magkomento ni Alex sa mga bulung-bulungang hindi raw maganda ang hosting ni Yeng sa The Voice.

Ang sabi lang niya, “Hindi ko alam.

"Pero ang taas-taas naman ng ratings ng The Voice, so mukhang kung meron silang maling ginagawa, I doubt it kung mali yun, kasi ang taas ng ratings nila.”

TAMPUHAN WITH TONI? Noong nakaraang Sabado, July 18, ganito ang post ni Alex sa kanyang Instagram account: “I miss you mrs. Soriano, bati na tayo 😌 @celestinegonzaga

I miss you mrs. Soriano, bati na tayo 😌 @celestinegonzaga

A photo posted by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) onJul 18, 2015 at 12:13am PDT

Kaya naman tinanong namin ang 27-year-old actress-TV host kung may away o tampuhan bang namagitan sa kanila ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.

Saad niya, “Parang nainis siya kasi inasar-asar ko siya nung Sunday sa ASAP, last week [July 12].

"Tapos parang naasar siya, parang nainis siya, tapos ikinuwento niya sa mommy, sinumbong niya.

"Tapos lumipad na siya, ‘di ba, papuntang Bali [Indonesia, second honeymoon with Paul Soriano]?

"So, hindi na kami nagkausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos hindi niya sinabi sa akin na nakabalik na siya so nag-ano na ako, nag-message na ako sa kanya.

"Sumagot siya ng emoji ng bata, magkahawak na babae.

“So, okay naman na, kasi nagkita na kami sa ASAP kahapon [July 19].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN