Angelu de Leon's husband not jealous of Bobby Andrews

Angelu de Leon is glad that she and Bobby Andrews did not have a romantic relationship in the past. She explains, “Kasi siguro nga, kung nagkatuluyan kami, 20 years after siguro, hindi kami okey sa isa’t isa. It could be a bad breakup. Even our respective partners, maiilang na. Kasi, may pinanggalingan. May mas malalim na emosyon na kasama."


Pagkatapos ng halos dalawang dekada, masaya si Angelu de Leon na hanggang ngayon ay sila pa rin ni Bobby Andrews ang naiisip na pagsamahin at gawing magkapareha sa mga teleserye ng GMA Network.

Sa bagong afternoon series na Buena Familia, na magsisimula nang mapanood sa July 27, ay gaganap bilang mag-asawa sina Angelu at Bobby sa kauna-unahang pagkakataon.

Sabi nga ni Angelu, “Nakakatuwa lang kasi this is the first time na yung show, mag-asawa na kami.

"Kasi sa Teen Gen, hindi kami mag-asawa. Ang ending lang, ikinasal kami."

Itinuturing na isa sa pinakasikat na loveteams noong mid hanggang late '90s ang kina Angelu at Bobby, na nagsimula sa youth-oriented series na T.G.I.S.

Kahit nagkahiwalay man sila ng landas, pareho pa rin silang aktibo sa showbiz hanggang ngayon. Patunay na kahit papaano ay napanatili nila ang kanilang kasikatan.

Pahayag ni Angelu tungkol dito, “Masaya, pero parang hindi naman kasi kami ang nagpatunay nun.

"Ang nagpatunay nun is the fans that still want to see us. Parang nakakatuwa lang isipin.

“We don’t want to claim it kasi, kung tutuusin, it’s a group effort.

"T.G.I.S. will never be a T.G.I.S. and as big as that kung wala sina Rica [Peralejo], wala si Red [Sternberg]...

"It wouldn’t be T.G.I.S., di ba?"

Nakapanayam ng PEP si Angelu sa press conference ng Buena Familia nitong Lunes ng gabi, July 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

MORE COMFORTABLE WITH BOBBY. Parehong mas kumportable raw ang mga asawa nina Angelu at Bobby na sina Wowie Rivera at Bienne Co, respectively, kapag silang dalawa ang magkatambal.

Tinanong kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu kung hindi ba nakakaramdam ng selos si Wowie kapag sila ang magkapareha ni Bobby sa serye.

Sagot dito ng Kapuso actress, “I guess, kami ni Wowie, kapag napag-uusapan namin, kapag si Bobby nga, okey sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang kasi, it’s a given. Noong dumating siya sa buhay ko, may Bobby na. Parang ganun."

Kung yung ex-boyfriends ni Angelu ang makakapareha niyang muli, okey pa rin ba sa kanyang mister?

“Yun, hindi! Totoo, hindi!” natawang pag-amin niya.

“Basta kay Bob nga, okey sa kanya. Even kissing scene.

"Parang 'O, si Bob 'yan,' parang ganun.

"Parang kung iba, hindi. Weird, ‘no?”

Naniniwala si Angelu na malaking bagay na hindi sila nagkatuluyan ni Bobby.

“Kasi siguro nga, kung nagkatuluyan kami, 20 years after siguro, hindi kami okey sa isa’t isa.

"It could be a bad breakup.

"Even our respective partners, maiilang na.

"Kasi, may pinanggalingan. May mas malalim na emosyon na kasama.

"Pero dahil wala, siguro nga, yung what ifs namin, yun ang ayaw naming mangyari."

OLDER LOOK. Sa totoong buhay ay may mga anak nang teenagers sina Angelu, 35, at Bobby, 39.

Kaya wala raw problema kay Angelu kung gumanap na mga anak nila ni Bobby sa Buena Familia sina Kylie Padilla (22), Julie Anne San Jose (21), at Julian Trono (17).


“Masyado kaming bata. Pero bilang mga artista, okey na rin yun.

"Kasi sa atin lang naman... sa States, you really portray different characters.

“Dito kasi nakikita ang artista at celebrity in one. Yung character mo at pagiging celebrity, iisa lang, e.

"At least, parang dynamics, okey rin.

"Kaya sabi nga nila, they make us look older, even with the style, make-up, looks and everything. Kasi nga, yun ang kailangan.

“Tayo naman, typecast lagi na, 'Okey na ‘yan, may anak naman na 'yan.'

"Kahit na ang anak mo sanggol pa lang, 'Okey na 'yan!'” natawang sabi ni Angelu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN