Rep. Sherwin Gatchalian on ex-GF Pauleen Luna's relationship with Vic Sotto: "Talagang yun ang kanyang mga tipo, mga mature partner."

Rep. Sherwin Gatchalian on his failed relationship with actress Pauleen Luna: "Hindi timing at that time. That was 2008. Siguro at that time, different priorities, hindi lang nagtugma."


Hindi itinatanggi ni Valenzuela City Representative Sherwin Gatchalian ang plano niyang kumandidato bilang senador sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa 2016 elections.

Pero ang nakaraang relasyon nila ng kanyang ex-girlfriend na si Pauleen Luna ang naging sentro ng usapan nang humarap siya sa mga miyembro ng entertainment press kanina, July 21.

Ayon kay Sherwin, 41, bachelor siya hanggang ngayon mula nang maghiwalay sila ni Pauleen noong 2008.

Magkaiba raw ang kanilang mga priority noon ng dating girlfriend.

“Hindi timing at that time. That was 2008.

“Siguro at that time, different priorities, hindi lang nagtugma.

“I remain a bachelor from 2008 till this time, 2015.

“Sa ngayon, wala pa [girlfriend].

“Masyadong busy lang, saka hindi pa dumadating, with all honesty.”

Dagdag pa ng kongresista, “Physically, mahirap pala dahil reverse yung time.

“Day person ako, I wake up early, I work in the day.

“Maaga ako natutulog, pero sa showbiz, baligtad, e, dahil yung taping pala sa gabi.

“Actually, yun ang isang revelation na natuklasan ko…

“It took us quite some time to adjust dahil hindi nagkakatugma ang schedule namin, but it’s very interesting na iba yung aming working time.”

MATURE MEN. Inamin din ni Sherwin na hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin sila ni Pauleen.

“Yes, every now and then, we viber each other just to say hi and kumusta na yung mga ginagawa namin. So, okey naman.”

Hindi naman daw nagulat si Sherwin nang malaman nitong boyfriend ni Pauleen, 26, si Vic Sotto, 61, dahil mga mature men talaga ang tipo ng kanyang ex-girlfriend.

Saad niya, “Actually, masu-surprise ako kung parehong edad o masyadong bata yung kanyang magiging boyfriend.

“I think si Pauleen yata ang kanyang mga tipo, mature.

“Yung age gap namin, malayo rin. I think mga fifteen years yata.

“Before me yata, I think malayo rin ang age gap [nila ng ex-boyfriend niya].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s very mature person despite her real age kaya talagang yun ang kanyang mga tipo, mga mature partner.”

PRIVILEGE. Mabilis naman ang sagot ni Sherwin nang tanungin ni Ricky Lo kung papayag siyang maging member of the entourage, principal sponsor o secondary sponsor, kapag inimbitahan siya, kung sakaling ikasal sina Pauleen at Vic ngayong taon.

“I think, just maimbitahan lang ako doon sa kanilang celebration and wedding, malaking bagay na.

“I think yung magkaroon ng role is really a privilege.

“But, I think, maimbitahan lang ako dun sa kanilang wedding or even sa reception lang, malaking bagay na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN