Kylie Padilla feels sad and shocked over upcoming demise of Sunday All Stars

Kylie Padilla is hoping that her fellow Sunday All Stars mainstays will find other opporunities in other shows.


Nalulungkot si Kylie Padillasa nalalapit na pagkawala sa ere ng kinabibilangan niyang Sunday musical-variety show sa GMA Network, ang Sunday All Stars.

Kumpirmadong hanggang Agosto na lamang mapapanood ang Sunday All Stars.

Nalaman daw ni Kylie at ng mga kasama niya na mawawala na ang kanilang show noong Linggo, July 19.

“Siyempre shocked, na-shock ako, nalungkot,” sabi ni Kylie nang usisain namin siya tungkol dito sa presscon ng Buena Familia kagabi, July 20.

Hindi raw niya inaasahan na tatanggalin ang show.

"No, no... kasi ang saya na ng SAS, e. Tsaka nag-e-enjoy kami, tapos…"

Pero dagdag ni Kylie, “Okay lang naman kasi if GMA will go through a change ulit, it’s okay.

“Sana kasama ako ulit sa next [show].”

Pero at least, may bagong project si Kylie—ang afternoon series na Buena Familia—hindi gaya ng ibang artista na Sunday All Stars lang ang show.

Sabi ng Kapuso actress, “Nakakalungkot, nakakalungkot talaga.

“Actually, kagabi ko lang iniisip yun, ‘Paano kaya lahat ng…’

“Pero I’m sure there will be more opportunities for them.

“Kasi talent naman ang ano diyan, e, di ba? Sobrang talented ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN