Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao to wed in Italy in 2016

Plano nang magpakasal ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla at boyfriend nitong si Architect Conrad Onglao sa Italy sa susunod na taon.


Magpapatuloy pa rin sa pagtatrabaho si Zsa Zsa Padilla kahit na maikasal siya sa kanyang boyfriend na si Architect Conrad Onglao.

Ito ang ibinunyag ng Divine Diva sa episode ng Kris TV nitong Lunes, July 20.

Isa umano ito sa mga kundisyon ni Zsa Zsa bago siya pumayag magpakasal kay Conrad.

“Pinag-usapan din talaga namin from the onset na I cannot stop working because I have children to take care of. Kailangan pa nila ng tulong ko kasi,” paliwanag ni Zsa Zsa.

Suportado naman daw ito ni Conrad.

Pahayag ng arkitekto, hindi niya pipigilan si Zsa Zsa kung gusto nitong ipagpatuloy ang kanyang showbiz career pagkatapos nilang maikasal kung ito ang magpapasaya sa Divine Diva.

Sinabi rin ni Conrad na bago pa man sila magkakilala, kilala na bilang isang artista si Zsa Zsa.

“I like the fact that she really works. I want her to be happy.

"If singing is what makes her happy, or acting, I said, ‘I’m just there to applaud you.’

"I’m not going to take it away from her.

"Before I met her, she was already a very accomplished singer and actress.

"Why would I take that away from her?"

Divorced na si Conrad sa dati niyang asawa na si Ivy Almario, isang interior designer, at may dalawa silang anak na lalaki.

Si Zsa Zsa naman ay naging longtime partner ng Comedy King na si Dolphy, na yumao noong July 2012.

May dalawang anak na babae sina Dolphy at Zsa Zsa—sina Nicole at Zia.

May isa pang anak si Zsa Zsa mula sa una nitong asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari—ang singer-actress na si Karylle.


WEDDING BELLS NEXT YEAR. Ibinahagi rin ni Conrad sa morning talk show ni Kris Aquino na plano nilang magpakasal ni Zsa Zsa early 2016 sa Italy.

Pagdedetalye pa ni Conrad, “Sabi niya [Zsa Zsa], ‘Where’s my ring?’ Sabi ko, it’s coming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to get married in Florence.

"I’m taking her to Italy after her ASAP show in London."

Magkasama na ngayon sa iisang bubong sina Zsa Zsa at Conrad, sa tahanan ng arkitekto sa Makati City.

Ayon kay Conrad, “I wanted to assure her. I said we are heading that way.

“Even my kids are always asking me when I’m going to get married.

"I said, ‘Why do you ask?’ Kasi daw I look so happy.

"I said soon.

“It’s not something I take lightly.

"I just wanted for her to know that it’s the end goal.”

Kamakailan ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang first anniversary bilang couple.

Sinabi ni Zsa Zsa na masuwerte siya na taglay ni Conrad ang mga katangiang hinahanap niya sa isang partner.

“I prayed for somebody who would love and accept my kids.

"Siyempre he could easily choose someone who is dalaga.

"Sabi ko lang, sana tanggapin na tatlo ang anak ko, and that I’m a working mother, somebody who would be caring enough.

"Yung qualities na gusto ko sa isang tao, nandoon," pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN