Angelu de Leon admits she tried committing suicide

Angelu de Leon on raising her teenage daughters as a single parent: "Sana… sana napapalaki ko sila nang tama. Kasi, ang sinabi ko naman sa kanila, ‘You know what, I know in your life, you’ll gonna commit mistakes because it’s normal.’ But I don’t want them to commit the same mistakes that I did because that would be a failure in my part. Masakit sa akin yun."


Hindi itinatago at hindi naging lingid sa kaalaman ng marami ang mga pinagdaanan ng aktres na si Angelu de Leon noong kabataan niya.

Isa si Angelu sa itinuturing na pinakasikat na teen stars noong mid hanggang late ‘90s.

Ngunit nawala ang kanyang kasikatan dahil na rin sa mga nangyari sa kanyang personal na buhay.

Sa edad na 19 ay nabuntis siya ng dati niyang boyfriend na si Joko Diaz.

Hindi sila nagkatuluyan ni Joko, at na-involve si Angelu sa ibang lalaki at nagkaroon muli ng anak.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay nakabangon si Angelu sa mga naging kontrobersiya sa kanyang buhay.

Ngayong sunud-sunod ang mga balita tungkol sa ilang kabataang artista na nasasangkot sa iba't ibang eskandalo, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Angelu tungkol dito.

Lalo na't ang dalawa sa tatlo niyang anak ay mga babae at teenagers na.

Ayon kay Angelu, “Communication is really the key when it comes to children.”

Nang mabalitaan niya ang mga kontrobersiya at eskandalong kinasangkutan ng ilang young stars, binanggit daw ito ni Angelu sa dalawang anak niya na sina Nicole at Louise.

Lahad niya, “Hindi siya yung para siyang isyu, big deal, hindi…

"Kasi, hindi mo puwedeng iparamdam sa mga bata na, 'Bakit ginagawa mo ‘yan?'

"Kasi, that’s the worst thing you can make them feel, di ba?

“I just wanted them to know and I wanted to know on my own if they’re aware of it.

"Kasi nga, dahil sa gadgets and everything, hindi mo maiiwasan. So, gusto kong malaman kung aware sila.

“Noong nalaman ko na aware sila, then I had to talk to them, 'Do you have any thoughts?'

"Gusto ko sa kanila manggaling. Kasi, iba yung sa akin manggagaling dahil iba ang perspective ko.

“Bilang sila, bilang estudyante, bilang nagdadalaga, gusto kong malaman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And from there ko iniisip mabuti kung paano sila pagsasabihan, paano ang gagawin nila, paano yung approach.

"Especially, more than anything, yung suicidal for me is really, really mabigat."

WHY DID YOU DO THAT? At dito na inamin ni Angelu na noong kabataan niya, sinubukan din niyang tapusin ang kanyang sariling buhay.

“Once in my life, I really tried it, alam mo yun?

“Once in my life I tried it and mabigat, mabigat na mabigat siya.

"Ngayon, parang ang dali-dali na lang niya."

Nasabi na rin daw ni Angelu ang karanasan niyang ito sa kanyang dalawang anak.

Ano ang naging reaksiyon nila?

“They asked me, 'Why you did that?'

"Sabi ko, 'Wala, I was lonely. I’m not talking to anyone at yun ang ayokong mangyari sa inyo.'”

Pagkatapos ng mga pinagdaanan niya noong kabataan niya at pagiging single parent siya sa loob ng mahabang panahon sa dalawa niyang anak, masasabi ba ni Angelu na napapalaki niya nang maayos sina Nicole at Louise?

Tugon ng aktres, “Sana… sana napapalaki ko sila nang tama.

"Kasi, ang sinabi ko naman sa kanila, ‘You know what, I know in your life, you’ll gonna commit mistakes because it’s normal.’

"But I don’t want them to commit the same mistakes that I did because that would be a failure in my part.

“Masakit sa akin yun.

“I’ve been very open to them.

"Basically, sinabi ko, noon, nung nagdadalaga na [ako], adolescent age, mas marami nang problema. Mas marami nang isyu.

"You know what, ang inaano ko lang talaga sa kanila, 'I love you but I know, God loves you more. So all I can do is to pray for you.'

"Pero yun nga, yung gusto ko lang, openness sa isa’t isa, kasi communication lang talaga ngayon is the key.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN