Senator Nancy Binay expects to be bashed for her gown at SONA

Pahayag ni Senator Nancy Binay, kahit anuman ang suutin niya sa nalalapit na SONA ay iba-bash pa rin siya ng kanyang mga kritiko.


Inaasahan na ni Senator Nancy Binay na pupunahin siya at ang susuoting niyang gown sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ngayong darating na Lunes, July 27.

Ito ang pinakahuling SONA ni PNoy bago siya bumaba sa puwesto sa 2016.

Ngunit bukod sa speech ng Pangulo, inaabangan din ang mga outfit ng government officials na isa sa highlights ng nasabing okasyon.

Matatandaang naging trending topic sa social media si Senator Nancy sa red carpet ng SONA noong nakaraang taon dahil sa kanyang gown na white, red, at yellow; na gawa ng Filipino fashion designer na si Randy Ortiz.

Ikinumpara kasi ang outfit ng nasabing senadora kay Princess Fiona ng pelikulang Shrek, sa isang Pokemon character, at maging sa hot-air balloon.

Isang meme sa ginawa sa Instagram sa suot ni Sen. Nancy noong SONA 2014

Related article: After the SONA, netizens go to town!

Sa “Star Patrol” ng TV Patrol nitong Lunes, July 20, iniulat na si Randy Ortiz muli ang gagawa ng gown ni Senator Nancy.

At sa panayam sa senadora, mukhang handa na siya sa magiging pagpuna sa kanyang isusuot.

“Feeling ko, whether or not maganda yung suot ko, yung mga bashers ko will still bash me,” sabi niya.

Pero rinabi rin ni Senator Nancy na sana ay mapansin ang Filipino designers at ang Filipino fabric sa SONA.

“Pero na-pressure ako bigla!” natatawa pang pahayag ng senador.

Samantala, si Paul Cabral naman ang gagawa ng barong ni PNoy, gayundin sa mga barong nina Senator Chiz Escudero at Senator Antonio Trillanes.

Inaabangan din ang emerald green gown na isusuot ni Sarangani Vice Governor Jinkee Pacquiao at ang isusuot ng asawa niyang si Sarangani Representative Manny Pacquiao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN