Vice Ganda explains non-appearance at an exclusive bar in Cebu: “Hindi ko talaga siya sinipot dahil wala naman akong commitment sa kanila.”

Hindi ikinatuwa ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang insidenteng kinasangkutan nito sa isang exclusive bar sa Cebu. Tila nabiktima raw kasi siya pati ang mga Cebuano dahil nagamit ang pangalan niya para sa promotion ng naturang club. Saad pa ng Kapamilya star, “They have a lot of explaining to do lalo na sa mga Cebuanos dahil sila, yung mga Cebuanos, yung binentahan nila ng tickets, e.”


Inamin ni Vice Ganda na hindi niya talaga sinipot ang diumano’y show o commitment niya sa isang exclusive bar sa Cebu City.

Umingay ang naturang usapin nang may nag-post sa Facebook na inindiyan diumano ng Kapamilya comedian-TV host ang nakatakda nitong engagement sa naturang bar noong Sabado, July 18.

Ayon sa Facebook post: “So, last night, the owners of the club and some VIP’s were expecting for Vice Ganda to be there at an appropriate time but no Vice Ganda showed up.

“Pero ug sa dihang ni abot mana sila ug 3:30am na [Pero noong dumating na sila ng 3:30 ng umaga]. What would you expect from the big bosses and crowd?

“Would they still entertain you as the “special guest” and treat you as VVIP? Aw ni balik sa agi ang wosh ui! [Ayon, umalis na lang agad sila] Eng eng eng!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang iba pang miyembro ng media, si Vice sa launching niya bilang bagong endorser ng Platinum Karaoke, kaninang hapon, July 21, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Dito ay nilinaw ni Vice ang naturang insidente.

Natatawang sabi ng tinaguriang Asia’s Phenomenal Star, “Hindi ko talaga siya sinipot dahil wala naman akong commitment sa kanila.

"Actually, they sent me an apology letter...

"Kasi nagpa-reserve kami, kasi we wanted to visit [the place].

“We arrived in Cebu, Saturday; pero ang show ko, Sunday [July 19].

"So, since magbi-birthday si Rayver [Cruz, kasama niya sa show], so mag-celebrate muna kami nina Rayver.

"So, sabi ko, 'Saan?' Punta daw kami ng Liv daw.

"Nagpa-reserve kami... reserve lang, basta pupunta lang kami.”

Ang Liv Super Club sa Mandaue City, Cebu ang pinakamalaki at pinakabagong luxury bar sa Queen City of the South.

Pagpapatuloy ni Vice, “Tapos hindi namin alam, nagpagawa sila ng poster.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpagawa sila ng poster na ‘Vice Ganda Live in Liv Superclub’ something like that, 'back to back with…'

"May poster pa nga na dumating sa amin.

“So, nung nakita namin, nalaman ng management, ng ABS-CBN, tinawagan yung Liv na, 'Bakit meron kayong ganito, wala kaming alam na ganyan,' ganyan-ganyan.

"Tapos sumulat sila [Liv Superclub], nagpadala sila ng apology letter."


NOT FILING ANY CHARGES. Natuloy pa rin daw ang selebrasyon nila para sa birthday ni Rayver, pero sa ibang club na ito ginanap.

Sabi pa ni Vice, “Kasi nga, parang minarket nila na nandodoon ako. And it was so unfair.

“Tapos after ng celebration namin sa isang club, sobra akong na-curious kung ano ba hitsura nung Liv.

“Sabi kong ganun, ‘Daanan natin.’

"So, dumaan kami mga 4 [A.M.].

"Pagpasok namin, nakita ko sa LED, sa widescreen nila, ‘Welcome Vice Ganda to Liv Superclub.’

"Nakalagay yung pangalan ko, so pumasok kami.

"Pero hindi nila kami binigyan ng upuan, wala nang masyadong tao.

"Hindi nga kami binigyan ng table.

"Ang sabi ko, ‘Ang taray naman ng club na ‘to, nakapaskil yung pangalan ko, tapos hindi kami binigyan ng table.’

“So, umalis din kami after a few minutes.

"Tsinek lang namin kung totoo, e, nakita nga namin na nakalagay yung pangalan ko.”

Sabi pa niya tungkol sa management ng bar, “They have a lot of explaining to do, lalo na sa mga Cebuanos dahil sila, yung mga Cebuanos, yung binentahan nila ng tickets, e.”

So, may ticket-selling ba?

Sagot ni Vice, “Hindi ko alam kung may ticket-selling, hindi ako sure dun sa ticket-selling.

"Pero nag-promote sila, naglabas sila ng poster, may kopya kami ng poster.

“Tapos nag-send sila ng apology letter na hindi raw nila… na inaamin nila yung pagkakamali at hindi nila sinasadya, kaya may problema talaga sila.

“Kaya dun sa hindi pagsipot, hindi talaga ako sumipot dahil wala akong commitment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang na-victim kami, hindi lang ako, yung mga Cebuanos, ng may-ari ng Liv Super Club.”

May balak ba silang magdemanda?

Tugon ng It's Showtime host, "Actually, gustong magreklamo ng management.

"Pero sabi ko, huwag na lang, kasi mababait naman yung mga Cebuanos sa akin.

“Yung pagmamahal na ipinapakita ng mga Cebuanos sa akin sa mga pelikula ko...

"Kasi nung nagri-review kami ng mga kinita ng pelikula ko, yung last movie ko na The Amazing Praybeyt Benjamin [2014], ang pinakamalaking kinita, nanggaling sa Cebu—P17 million.

“Kaya sabi ko, mahal naman ako ng Cebu, hindi naman mababahiran yun ng kahit chaka yung insidenteng yun, kaya deadma na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN