Claudine Barretto on reconciliation with sister Marjorie: "Lahat ng galit ko, yung sama ng loob namin siguro sa isa’t isa, biglang nawala.”

Nanumbalik daw ang kumpiyansa ni Claudine Barretto sa kanyang sarili dahil sa pagkakaayos nila ng nakakatandang kapatid na si Marjorie Barretto. Malapit na rin daw matuldukan ang court battles nila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago.


Sa selebrasyon ng kanyang ika-36 kaarawan noong July 20, best birthday gift daw para kay Claudine Barretto ang pagkakaayos nila ng kanyang ate na si Marjorie Barretto.

Pahayag ng comebacking actress kay MJ Felipe ng ABS-CBN News, “Happy ako… happy ako na nakakasama ko ulit ang ate ko.

“Nagkausap kami, nagkatinginan talaga kami, alam mo yun, na nayakap ko siya ulit.

"Lahat ng galit ko, yung sama ng loob namin siguro sa isa’t isa, biglang nawala.”

Dahil sa naplantsang girian nila ng kapatid, nanumbalik daw muli ang kumpiyansa ng aktres sa kanyang sarili.

“I felt so safe last night, sabi ko nga, I’m back in the arms of my sister.

“Ang sarap nung mga yakap, nung mga halik na years kong hindi naramdaman.”

Masaya rin daw ang mga magulang nilang sina Miguel at Inday Barretto sa kanilang pagbabati.

Saad ni Claudine, “Nagpi-pray talaga yung parents ko na siyempre magkabati-bati kami, ganyan.

"And then, biglang all of a sudden, when God answers all your prayers, dire-diretso talaga."

Halos dalawang taon ang itinagal naging tampuhan nina Claudine at Marjorie, kasama ang ate nilang si Gretchen Barretto na hanggang ngayon ay hindi pa rin kasundo ni Claudine at kaalitan naman ngayon ni Marjorie.

Read: Gretchen Barretto involved in word war with "Claudine Barretto" on Instagram

HER OWN FAMILY BATTLE. Bukod sa alitan nilang magkapatid, isa rin sa hinaharap na problema ni Claudine ay ang legal battle nila ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.

Pero masaya na ngayon ang aktres dahil pirma na lang daw ang hinihintay nila ni Raymart at tuluyan na silang magkakaayos.

“We’re just waiting for the memorandum of agreement [MOA] na kailangan naming i-sign.

"And then sana, wala na, mawawala na lahat ng mga korte-korte, to settle everything na, pati yung mga properties."

Sabi pa ni Claudine, "answered prayer" niyang maituturing ang mga masasayang pangyayaring ito sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos na. Tapos na yung ano… madilim na pinagdaanan.

"Ano na ngayon, ito na yung new beginning for me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN